20/01/2026
San Pableños, ano ang masasabi ninyo—mas mahalaga ba ang pagiging popular o ang tapang na gumawa ng tamang desisyon para sa kaayusan at kabutihan ng nakararami?
POLITICAL WILL
> “Ang pagpapatupad ng batas ay dahil ito ang tama—hindi dahil ito ay popular.”
Ang kasalukuyang pamahalaan ay naninindigan sa mandato nito: ipatupad ang batas. Dahil kung walang pagpapatupad, walang kaayusan.
Sa mismong pagpapatupad nasusukat kung ang umiiral na batas o ordinansa ay epektibo pa o kung panahon na upang amyendahan ito.
Nagbabago ang panahon, at kasabay nito, kailangang suriin kung ang mga batas ay patuloy pang nagsisilbi sa kapakanan ng mamamayan.
🔹 Noong Undas, ipinagbawal ang mga cendera sa kalsada.
Bago pa man ipatupad, marami na ang tumutol. Ngunit matapos ang Undas, naramdaman ang luwag at kaayusan.
👉 Tama pala ang desisyon. Ito ang political will.
🔹 Noong Kapaskuhan, hindi pa man naikakabit ang mga dekorasyon, may mga hindi agad nasiyahan.
Ngunit nang matapos, marami ang natuwa—simple man, lumabas ang tunay nitong ganda.
👉 Tama pala ang desisyon. Ito ang political will.
🔹 Nitong Kapistahan, bago pa man magsimula ang pyesta, may mga puna at paghahambing na agad sa mga nagdaang taon.
Ngunit matapos ang kapistahan, namalas ang kakaibang saya at kaayusan na hatid nito.
👉 Tama pala ang desisyon. Ito ang political will.
Ano ang punto?
Ang pagpapatupad ng batas ay hindi para sa iilan kundi para sa kagalingan ng mas nakararami—
upang magbigay ng kaayusan, at magbukas ng pagbabago kung ang umiiral na patakaran ay hindi na epektibo o hindi na nagsisilbi sa interes ng mamamayan.
ITO ANG POLITICAL WILL. Ito ang tamang serbisyo publiko. Hindi nagpapatupad ng batas ng dahil sa "BOTO". Ipinatutupad ang batas dahil ito ang kailangan para sa kagalingan ng higit na nakararami.