Serbisyong Pogi

Serbisyong Pogi Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Serbisyong Pogi, Government Organization, San Pablo city, San Pablo City.

07/04/2026

ISANG PAGLILINAW PATUNGKOL SA FAKE NEWS NA “SUSPENSYON NG ALKALDE”

Bagamat hindi po polisiya ng ating lokal na pamahalaan na patulan ang mga maling balita o fake news na ipinapakalat ng ilang indibidwal at hindi beripikadong mga plataporma, minarapat po ng ating bagong administrasyon na linawin at tuldukan ang mapanlinlang na impormasyong ito.

Wala pong katotohanan ang balitang “suspensyon ng alkalde.”
Ang anumang usapin na may kinalaman sa ganitong bagay ay unang ipinapaalam sa mga direktang sangkot, at hindi sa publiko sa pamamagitan ng haka-haka o tsismis.

Ang ating pamahalaan ay bukas sa anumang lehitimong imbestigasyon bilang bahagi ng transparency at good governance. Bukas po ang mga rekord ng transaksyon, at higit sa lahat, bukas ang opisina ng alkalde upang dinggin ang hinaing ng mga empleyado at mamamayan para sa patas at maayos na pamamalakad.

Sa mga nagnanais na pumalit sa pamumuno, hinihiling po namin ang kaunting pasensya. May tamang panahon para sa pulitika—hintayin po natin ang halalan sa 2028. Sa ngayon, mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang kapakanan ng ating mga kababayan sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng ating bansa.

Sa mga patuloy na sumusuporta at naninindigan para sa isang malinis at tapat na pamahalaan sa Lungsod ng San Pablo, taos-puso po kaming nagpapasalamat sa inyong tiwala.

Maraming salamat po.










04/04/2026

𝗛𝗼𝗹𝘆 𝗦𝗮𝘁𝘂𝗿𝗱𝗮𝘆 | April 4, 2026

Even the most impactful movements need a moment of silence. Today is for the quiet wait—a time to reset our vision and prepare for the new beginning ahead. Growth happens even in the stillness. ✨

03/04/2026
31/03/2026

PAALALA PARA SA MGA BIYAHERO NGAYONG SEMANA SANTA

Narito ang mahahalagang paalala upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay:

1. Siguraduhing maayos at nasa kondisyon ang mga sasakyan bago maglakbay.

2. Magplano sa paglalakbay. Iwasan ang mga oras ng matinding daloy ng sasakyan. Maaring gumamit ng ibang daan upang mapabilis ang paglalakbay.

3. Sumunod sa mga batas trapiko at iwasan ang paghinto sa mga lugar na hindi dapat huminto Iwasan din ang maging sagabal (obstruction) sa lansangan at sumunod sa mga traffic lights, road signs at markings.

4. Iwasan ang paggamit ng cell phone habang nagmamaneho

5. Magsuot ng helmet kung naka-motorsiklo.

5. Makipagtulungan sa mga tagapagpatupad ng batas.

6. Kung magbibiyahe gamit ang pampublikong sasakyan, huwag makipagsiksikan. Ingatan ang mga dalang gamit.

Ipinaaalala ni Mayor Najie B. Gapangada ng San Pablo City na ang pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mga lansangan ay hindi maiisakatuparankung walang episyente at epektibong suporta at kooperasyon ng lahat na sektor ng lipunan.

Ayon naman kay San Pablo City Traffic Management Officer Dr Marino Garcia, "Ang kaligtasan sa lansangan ay responsibilidad ng bawa't isa.

31/03/2026
30/03/2026

Address

San Pablo City
San Pablo City
4000

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Serbisyong Pogi posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share