Barangay Padre Castillo

Barangay Padre Castillo Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Padre Castillo, Government Organization, Purok 1, San Pascual.

AKTIBONG PAKIKILAHOK NG  BARANGAY OPISYALGROUP 4 ...ANG   LINGGUHAN PAGLILINIS SA  BARANGAY🫰Taos-pusong nagpapasalamat k...
31/05/2026

AKTIBONG PAKIKILAHOK NG BARANGAY OPISYAL
GROUP 4 ...

ANG LINGGUHAN PAGLILINIS SA BARANGAY🫰

Taos-pusong nagpapasalamat kay Gng. Julieta Alba sa kanyang aktibong pakikilahok SA pagganap sa programang β€œTapat Ko, Linis Ko.”

ALINSUNOD SA MEMORANDUM CIRCULAR NG DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG)

May 31, 2026

PAABISO SA MGA RESIDENTE πŸ“’Ipinaaalam po sa lahat na magsisimula ngayong araw ng Linggo,ika - 24 ng Mayo ,2026 ang Soil T...
23/05/2026

PAABISO SA MGA RESIDENTE πŸ“’

Ipinaaalam po sa lahat na magsisimula ngayong araw ng Linggo,ika - 24 ng Mayo ,2026 ang Soil Test / Soil Investigation para sa planong proyekto ng tulay sa Padre Castillo.
Layunin ng pagsusuring ito na malaman ang kundisyon at tibay ng lupa upang matiyak ang maayos, ligtas, at matibay na konstruksyon ng tulay para sa kapakinabangan ng mamamayan.
Inaanyayahan po ang kooperasyon at pang-unawa ng lahat habang isinasagawa ang nasabing pagsusuri.
Maraming salamat po.

Isang taos-pusong pagbati at pagsaludo kayBb. Catherine  Leisha B. De Chavezsa inyong natamong karangalan bilang bahagi ...
07/05/2026

Isang taos-pusong pagbati at pagsaludo kay
Bb. Catherine Leisha B. De Chavez
sa inyong natamong karangalan bilang bahagi ng Philippine Military Academy "Talang Dangal".

Noon pa man ay nakikita na ang iyong husay at galing sa larangan ng Volleyball, at tunay na ikaw ay sadyang maipagmamalaki ng ating pamayanan. Ngayon, higit pa na iyong pinatunayan ang iyong kakayahan at dedikasyon sapagkat isa na ikaw sa mga ipinagmamalaki hindi lamang ng barangay kundi ng buong Pilipinas.

Nawa’y patuloy kang maging inspirasyon at huwaran sa kabataan upang magsikap, mangarap, at magtagumpay sa buhay.
Mabuhay po kayo at pagpalain pa ng Poong Maykapal sa inyong patuloy na paglilingkod sa bayan.

π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—”π—§π—¨π—Ÿπ—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦ 𝗧𝗒 𝗒𝗨π—₯ π—‘π—˜π—ͺπ—Ÿπ—¬ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—˜π—₯π—˜π—— π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—₯π—œπ—–π—”π—Ÿ π—˜π—‘π—šπ—œπ—‘π—˜π—˜π—₯𝗦!Congratulations to you for achieving astounding success for...
02/05/2026

π—–π—’π—‘π—šπ—₯π—”π—§π—¨π—Ÿπ—”π—§π—œπ—’π—‘π—¦ 𝗧𝗒 𝗒𝗨π—₯ π—‘π—˜π—ͺπ—Ÿπ—¬ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—˜π—₯π—˜π—— π—˜π—Ÿπ—˜π—–π—§π—₯π—œπ—–π—”π—Ÿ π—˜π—‘π—šπ—œπ—‘π—˜π—˜π—₯𝗦!

Congratulations to you for achieving astounding success for Passing the Licensure Examination for Registered Electrical Engineer in April 2026.

πŸ“£ PAANYAYA SA LAHAT πŸ“£πŸŒΏ Mapagpalang Araw po 🌿Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Padre Castillo  na dumalo...
02/05/2026

πŸ“£ PAANYAYA SA LAHAT πŸ“£

🌿 Mapagpalang Araw po 🌿

Inaanyayahan po ang lahat ng residente ng Barangay Padre Castillo na dumalo at makiisa sa gaganaping PAMBARANGAYAN
(Pamahalaang Bayan at Barangay na Ugnayan) sa darating na:

πŸ—“οΈ May 5, 2026 (Martes)
πŸ“ Multipurpose Covered Court
πŸ•– 7:00 ng umaga

πŸ“Œ PAALALA:
Para po sa mga magpapa-blood test, kinakailangan po ang 10 oras na fasting bago ang pagsusuri.

πŸ‘‡πŸ‘‡ Nasa ibaba po ang iba pang detalye, na kung saan sila po MISMO ang baba SA ating barangay.

*πŸ‘‰ SA mga napadalhan po ng papel ng buwis ay maari din po kayong SA MAY 5 magbayad SA ating Covered court.

Maraming salamat po at inaasahan po ang inyong pakikiisa. πŸ’š

ANUNSYO NG BARANGAY πŸ“’NAWAWALANG ALAGANG A*O (SHIH TZU)Ipinapaalam po ng Pamunuan ng Barangay Padre Castillo  na may naiu...
28/04/2026

ANUNSYO NG BARANGAY πŸ“’

NAWAWALANG ALAGANG A*O (SHIH TZU)

Ipinapaalam po ng Pamunuan ng Barangay Padre Castillo na may naiulat na nawawalang alagang a*o na Shih Tzu bandang 10:00.ng gabi sa sakop ng barangay.

🐢 Detalye ng A*o:
Kulay: Brown
Kasarian: babae
Pangalan: OLI

πŸ“ Huling nakita sa: HARAP NG HARDWARE ( Padre Castillo Buildfast )
Ang sinumang makakita o makapulot ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa may-ari o sa Tanggapan ng Barangay.
πŸ“ž Contact Number: 0970-752-2092/ 0991-336-0869
Owner: Jonathan Caringal & Dulce Caringal

πŸ™ Hinihiling po ang pakikiisa ng bawat isa upang maibalik ang alagang a*o sa kanyang may-ari.

Maraming salamat po.

🌸 Natatanging Ina 2026: Gabi ng Pagpaparangal 🌸Isang pagpupugay sa mga ilaw ng tahananβ€”ang ating mga minamahal na Ina! πŸ’–...
25/04/2026

🌸 Natatanging Ina 2026: Gabi ng Pagpaparangal 🌸

Isang pagpupugay sa mga ilaw ng tahananβ€”ang ating mga minamahal na Ina! πŸ’–

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa at magbigay-pugay sa mga kahanga-hangang ina sa ating komunidad sa gaganaping:

πŸ“… Ika-30 ng Abril 2026
πŸ•— Ganap na ika-8:00 ng gabi
Barangay Padre Castillo ,Multipurpose Covered Court

Halina’t ating suportahan at saksihan ang gabi ng pagkilala at pasasalamat sa kanilang walang sawang pagmamahal, sakripisyo, at dedikasyon para sa pamilya at bayan.

✨ Sama-sama nating ipagdiwang ang kanilang husay at kabutihan! ✨

AKTIBONG PAKIKILAHOK NG  BARANGAY OPISYALGROUP 4 ...ANG   LINGGUHAN PAGLILINIS SA  BARANGAY🫰ALINSUNOD SA MEMORANDUM CIRC...
19/04/2026

AKTIBONG PAKIKILAHOK NG BARANGAY OPISYAL
GROUP 4 ...

ANG LINGGUHAN PAGLILINIS SA BARANGAY🫰

ALINSUNOD SA MEMORANDUM CIRCULAR NG DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT (DILG)

APRIL 19, 2026

πŸ€πŸ”₯ DREAM TEAM SAKURAGI πŸ”₯πŸ€Handa na ba kayo sa pinakamasayang at pinakakaabang-abang na basketball exhibition game? Ihanda...
09/04/2026

πŸ€πŸ”₯ DREAM TEAM SAKURAGI πŸ”₯πŸ€

Handa na ba kayo sa pinakamasayang at pinakakaabang-abang na basketball exhibition game? Ihanda ang inyong sigawan, palakpakan, at suporta dahil paparating na ang Dream Team Sakuragi!

Asahan ang matinding laban, exciting na mga tira, mabilis na galawan, at enjoy na samahan sa loob ng court. Siguradong puno ng saya, energy, at sportsmanship ang bawat minuto ng laro!

πŸ“… Petsa: April 30,2026
πŸ•’ Oras: 5:00PM
πŸ“ Lugar: Brgy. Padre Castillo Multipurpose Covered Court

Dalhin ang inyong pamilya at mga kaibigan at sama-sama nating suportahan ang Dream Team Sakuragi! Kasama ng mga Kiddie Legends ng Barangayβ™₯️β™₯️

β€œWalang iwanan, puro excitement at enjoy hanggang dulo!” πŸ†πŸ”₯

April 8, 2026  ISANG PAALALA!!!!PINAALALAHANAN PO ANG LAHAT na pinaigting ng ating kapulisan, sa pakikipag-ugnayan sa DI...
08/04/2026

April 8, 2026

ISANG PAALALA!!!!

PINAALALAHANAN PO ANG LAHAT na pinaigting ng ating kapulisan, sa pakikipag-ugnayan sa DILG, ang pagpapatupad ng β€œSafer Cities Initiatives.”

Mahigpit po nating sundin ang mga alituntunin at ordinansa upang maiwasan ang anumang paglabag at hindi tayo mahuli o mapatawan ng kaukulang parusa.

Ilan po sa mga dapat tandaan:
β€’ Iwasan ang magsagawa ng inuman SA TABING KARSADA

β€’ Huwag ugaliin Naka topless o HUBAD SA lansangan ( ito'y para SA LAHAT bata o matanda)

β€’ Masayang magkantahan pero IPINAAALALA HANGGANG 10 PM lang po ang VIDEOKE

β€’ CURFEW HOUR - lalo't higit SA mga kabataan na pagala gala pa lampas 10 pm

Ang ating pakikiisa at pagsunod ay mahalaga upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating barangay.

Address

Purok 1
San Pascual
4204

Telephone

+639519501920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Padre Castillo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Padre Castillo:

Share