23/04/2026
🚨 ABISO SA SERBISYO NG TUBIG 🚨
Para sa lahat ng residente ng Barangay Laurente,
Dahil sa patuloy na epekto ng El Niño, hindi sapat ang suplay ng tubig mula sa ating pinagkukunan. Sa kasalukuyan, ang tubig ay diretso lamang na dumadaloy at hindi naiipon sa tangke, kaya’t nagiging limitado ang distribusyon.
Kaugnay nito, magkakaroon ng pansamantalang paghinto ng suplay ng tubig mula 9:00 PM hanggang 8:00 AM.
Pinapayuhan ang lahat na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang nasabing oras upang matugunan ang inyong pangangailangan.
Hinihikayat din ang bawat isa na magtipid ng tubig at siguraduhing isara ang gripo kapag hindi ginagamit, upang makatulong sa pagpapanatili ng natitirang suplay.
Maraming salamat sa inyong pag-unawa at pakikiisa sa panahong ito.