09/04/2026
💧 UPDATE SA PAG AASIKASO NG NWRB REGISTRATION💧📢
Magandang araw po, mga kabarangay!
Narito po ang pinakabagong ulat tungkol sa pagproseso ng permit ng ating patubig:
💧 STA. ELENA COMMUNITY WATER SUPPLY SYSTEM INC. (approved na pangalan ng patubig ng Barangay)
💰 Kabuuang Nakolekta: ₱257,000
📌 Mga Nagastos:
🔹 BIR at SEC Processing – ₱30,000
🔹 Sign & Seal (Site Dev’t at Pipeline Layout – 2 patubig) – ₱67,500
🔹 BIR at SEC Fees – ₱28,000
🔹 Notaryo – ₱4,500
💵 Kabuuang Nagastos: ₱130,000
💵 Natitirang Koleksyon: ₱127,000
📊 STATUS NG PERMIT:
✅ Kasalukuyan na pong nasa proseso sa SEC at BIR
📌 Mga Susunod na Hakbang:
➡️ Pagkatapos ng SEC at BIR, isusunod po ang ECC Application na may tinatayang halaga na ₱200,000
➡️ Matapos ang ECC, susunod naman po ang NWRB Permit Application na may halagang ₱105,000
📌MAHALAGANG PAALALA:
• Hindi pa po kasama sa mga halagang nabanggit ang ECC penalty (₱50,000) (maaari daw po mabawasan)
• Wala pa pong ibinigay na eksaktong halaga para sa NWRB penalty
💙 MENSAHE PARA SA LAHAT:
Ang proyektong ito ay para sa ating lahat—para sa mas maayos, malinis, at tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa ating barangay.
Alam po namin na malaki pa ang mga kailangang proseso at gastusin, ngunit patuloy po kaming kumikilos at humihiling ng inyong tiwala, pang-unawa, at suporta.
📢 TRANSPARENCY COMMITMENT:
Patuloy po kaming maglalabas ng update upang malinaw at bukas ang lahat ng impormasyon sa ating komunidad.
🙏 Maraming salamat po sa inyong walang sawang suporta at pakikiisa. Sama-sama po nating maisakatuparan ang proyektong ito para sa kinabukasan ng ating barangay.