07/09/2026
๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Sa bawat pagtaas ng ating watawat, muli nating pinagtitibay ang ating panata bilang mga Lingkod Bayanโmay puso sa paglilingkod, dangal sa pagtupad ng tungkulin, at galing sa bawat serbisyong iniaalay sa mamamayan.
Ngayong Setyembre 7, 2026, isinagawa ng Pamahalaang Lokal ng San Pascual ang regular na Flag Raising Ceremony, kasabay ng paglagda sa Lingkod Bayani Commitment Wall bilang bahagi ng paggunita sa 126th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).
Sa temang โBawat Kawani, Lingkod Bayani, Puso, Dangal, at Galing Para sa Bayan,โ binibigyang-diin ng aktibidad ang mahalagang papel ng bawat kawani sa paghahatid ng mahusay, tapat, at makataong serbisyo publiko.
Sa bawat pirma at panatang iniwan sa Commitment Wall, isang pangako ang muling pinagtitibayโang patuloy na paglilingkod nang may integridad, malasakit, at dedikasyon para sa bawat San Pascualeรฑo.
Ang tunay na Lingkod Bayani ay hindi lamang nagsusuot ng unipormeโkundi araw-araw na pinipiling maglingkod para sa bayan.