09/09/2026
Ang karapatan. Karapatan naman ng Mamayan!
!
Ang Karapatan Bumoto ng Kabataan at Mamayang Pilipino ay Basic Human Rights.
Ako si Aron Cabanag, isang Lider Kabataan at Pangulo ng GSIS E-lot Association, na buong-puso at matatag na nanawagan na ITULOY ANG BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS (BSKE) NGAYONG 2026.
Ayon sa umiiral na batas, Republic Act No. 12232 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malinaw na dapat ngayong Nobyembre 2, 2026 maganap ang halalan para sa ating mga barangay at Sangguniang Kabataan. Hindi sa 2027, at lalong hindi sa 2028.
Ang bawat pagho-hold o pagpapaliban ng eleksyon ay tahasang pag-aalis sa karapatan ng mamamayan na mamili ng kanilang kinatawan. Ang ating barangay ang pinakamaliit ngunit pinakamahalagang yunit ng pamahalaan—dito unang dumadaloy ang serbisyo, tulong, at katarungan para sa ordinaryong Pilipino. Ang paulit-ulit na pag-antala sa BSKE ay hindi lamang usapin ng iskedyul; ito ay paglabag sa ating Konstitusyon at pag-sisiil sa ating karapatang pantao.
Para sa ating mga mambabatas sa Kongreso at Senado: Huwag ninyong itulak sa dilim ang boses ng taumbayan. Pakinggan niyo ang hinanaing ng bawat Pilipinong nasa laylayan na umaasang makakita ng tunay na pagbabago sa kanilang pamayanan. Ang boses ng kabataan at ng komunidad ay hindi pwedeng ipagpaliban depende sa pampolitikang kagustuhan ng iilan.
Ang pagboto ay ating lakas. Ang pagboto ay ating karapatan. Panahon na upang iparamdam sa bawat kabataang Pilipino na ang kanilang boses ay may halaga sa paghubog ng bukas.
Sundin ang batas. Igalang ang democracy at karapatang pantao!
ITULOY ANG HALALAN! ✊🔥