01/10/2025
San Pedro City Veterinary Office | Mga Paalala Para Ligtas na Kainin Ang Karne Pagkatapos ng Bagyo Batay sa NMIS International Food Safety Guidelines.
✅SURIIN
• Tingnan muna bago lutuin.
• Huwag kainin kung may kakaibang amoy, kulay o itsura.
✅ LUTUIN
• Lutuin nang mabuti sa tamang temperatura upang masigurong ligtas kainin.
✅ ITAPON
• Itapon kaagad ang karneng nababad sa baha. Maaaring ito ay kontaminado at delikado sa kalusugan.
✅ LINISIN AT IHIWALAY
• Panatilihing malinis ang mga gamit at ihiwalay ang hilaw na karne sa nilutong karne.
Tandaan: Ang kaligtasan ng pagkain ay kasinghalaga ng kaligtasan ng tahanan.