21/08/2026
Ngayong Agosto 21, ating ginugunita ang Ninoy Aquino Day,isang araw ng pag-alala sa sakripisyo, tapang, at pagmamahal sa bayan ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
Ang kanyang buhay ay paalala na ang tunay na paglilingkod ay nangangailangan ng tapang, paninindigan, at malasakit sa kapwa.
Sa bawat henerasyon, ang hamon ay ipagpatuloy ang diwa ng pagmamahal sa bayan,sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagiging makabayan, at tapat na paglilingkod sa ating kapwa Pilipino.