LTO San Pedro Extension Office

LTO San Pedro Extension Office This is the Official Page of LTO SAN PEDRO EXTENSION OFFICE

𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐌𝐨𝐫𝐧𝐒𝐧𝐠 πƒπžπ―π¨π­π’π¨π§πšπ₯ | π‹π“πŽ π’πšπ§ 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 π„π±π­πžπ§π¬π’π¨π§ 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞LTO San Pedro Extension Office commenced the week with a Monda...
03/08/2026

𝐌𝐨𝐧𝐝𝐚𝐲 𝐌𝐨𝐫𝐧𝐒𝐧𝐠 πƒπžπ―π¨π­π’π¨π§πšπ₯ | π‹π“πŽ π’πšπ§ 𝐏𝐞𝐝𝐫𝐨 π„π±π­πžπ§π¬π’π¨π§ 𝐎𝐟𝐟𝐒𝐜𝐞

LTO San Pedro Extension Office commenced the week with a Monday Morning Devotional, fostering spiritual reflection and reaffirming the importance of faith in public service.

Brother Gr**go S. Edang shared the Word of God, emphasizing the message of 1 Peter 4:12–13, which reminds us not to be discouraged by trials and difficulties. Instead, we are encouraged to remain steadfast in faith, recognizing that challenges serve to strengthen our character and deepen our trust in God as we faithfully fulfill our duties and responsibilities.

Due to the inclement weather, the scheduled Flag Raising Ceremony was not conducted. Nevertheless, office personnel gathered for the devotional as a meaningful way to begin the workweek, seeking God's guidance, wisdom, and protection in the continued delivery of efficient, honest, and quality public service.

May this reflection inspire us to remain committed to our mission with integrity, compassion, and unwavering dedication to serving the Filipino people.

30/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Kaugnay ng mga naging sunod-sunod na isyu na nakaapekto sa Land Transportation Management System (LTMS), at upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng serbisyo at mabigyan ang publiko ng sapat na pagkakataong makapagproseso ng kanilang mga transaksyon nang walang karagdagang bayarin, ipinatutupad ang Memorandum Circular No. MVL-2026-5271.

Pinalalawig hanggang sa susunod na abiso ang bisa ng mga sumusunod na mag-e-expire simula Hulyo 1, 2026:

β€’ Motor Vehicle Registration
β€’ Driver's License
β€’ Conductor's License
β€’ Student Permit
β€’ Medical Certificate

Walang sisingiling late fees o penalties para sa lahat ng renewal na sakop ng nasabing extension habang epektibo ang Memorandum Circular.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa at patuloy na pakikipagtulungan.

LTO SAN PEDRO EXTENSION OFFICE PRESENTS PROJECT PROPOSAL: "ARAL MUNA, BYAHE NA"Noong Hulyo 29, 2026, matagumpay na iniha...
30/07/2026

LTO SAN PEDRO EXTENSION OFFICE PRESENTS PROJECT PROPOSAL: "ARAL MUNA, BYAHE NA"

Noong Hulyo 29, 2026, matagumpay na iniharap ng LTO San Pedro Extension Office ang project proposal na "ARAL MUNA, BYAHE NA" – A Citywide Free Theoretical Driving Course (TDC) Program sa ginanap na pagpupulong ng Liga ng mga Barangay – City of San Pedro, Laguna sa Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng San Pedro.

Ang nasabing proyekto ay prinisinta ni Assistant Chief of Office, Mr. Bryan M. Magundayao, bilang bahagi ng inisyatiba ng LTO na palawakin ang kaalaman ng mga mamamayan tungkol sa kaligtasan sa kalsada at responsableng pagmamaneho.

Layunin ng "Aral Muna, Byahe Na" na makapagbigay ng LIBRENG Theoretical Driving Course (TDC) sa mga kwalipikadong residente ng 27 barangay ng Lungsod ng San Pedro, Laguna. Sa pamamagitan ng programang ito, hangad ng LTO na:

βœ… Itaguyod ang responsableng pagmamaneho;
βœ… Palakasin ang kamalayan sa road safety;
βœ… Isulong ang defensive driving;
βœ… Hikayatin ang pagsunod sa mga batas, alituntunin, at regulasyon sa trapiko; at
βœ… Mag-ambag sa pagbuo ng isang mas ligtas, mas maayos, at disiplinadong sistema ng transportasyon sa lungsod.

Ang programang ito ay isang joint project na pinangungunahan ng Land Transportation Office (LTO) – San Pedro Extension Office, katuwang ang Tanggapan ni Hon. Councilor Abraham "Abam" Cataquiz, Chairperson, Committee on Information and Communication Technology; ang Tanggapan ni Hon. Councilor Vincent Jude "VJ" Solidum, Chairperson, Committee on Transportation; at ang Liga ng mga Barangay – City of San Pedro, Laguna, sa pamamagitan ng tanggapan ng ABC President Kap. Jong Pascual.

Ang LTO San Pedro Extension Office ay patuloy na nakatuon sa paghahatid ng mga programang naglalayong mapalawak ang kaalaman ng publiko at maisulong ang isang ligtas, responsable, at disiplinadong kultura sa paggamit ng ating mga lansangan.

# LTO REGION 4A CALABARZON

27/07/2026
25/07/2026

LTO SAN PEDRO EXTENSION OFFICE
continues to promote a healthier, safer, and more productive workplace through an Awareness Seminar on Mental Health, Drug Abuse, and Drug-Free Workplace, held today, July 25, 2026, at the LTO San Pedro Extension Office.

The activity provided valuable insights into the importance of mental health awareness, the prevention of drug abuse, and the collective responsibility of fostering a safe, healthy, and drug-free workplace.

The seminar featured insightful discussions from Ms. Aileen Alonsagay Bigornia, RN, who shared valuable knowledge on Mental Health and Drug Abuse, and PDEA Agent Theonette Solar, who discussed the importance of maintaining a Drug-Free Workplace.

Through initiatives like this, the LTO San Pedro Extension Office strengthens its commitment to the well-being of its personnel and to fostering a workplace grounded in awareness, responsibility, compassion, and a culture of safety.

Together, let us continue to promote mental wellness, prevent drug abuse, and build a safer, healthier, and drug-free workplace.

# LTO REGION 4A CALABARZON

20/07/2026

Tiniyak naman ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena ang mas mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga colorum at iba pang lumalabag sa mga regulasyon.

Ayon kay Decena, ang mga colorum na sasakyan ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa kanilang mga pasahero kundi pati na rin sa iba pang gumagamit ng kalsada. Kaya’t hinihikayat aniya ang lahat na tiyaking ligtas at legal ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.

Samantala, mahigpit na paalala naman ni Decena sa lahat ng may-ari at operator ng sasakyan na sumunod sa mga batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at kaayusan sa mga lansangan.

20/07/2026

π€ππˆπ’πŽ 𝐒𝐀 ππ”ππ‹πˆπŠπŽ

Nais ipabatid ng Land Transportation Office (LTO) CALABARZON na nagpapatuloy pa rin ang maintenance activity ng online system ng ahensya at nangangailangan pa ng karagdagang troubleshooting upang matiyak ang ganap nitong kaayusan.

Dahil dito, pansamantalang hindi magagamit ang online services ng LTO sa lahat ng tanggapan sa CALABARZON.

Pinapayuhan ang lahat ng kliyente na huwag munang magsagawa ng anumang transaction upang maiwasan ang mga posibleng aberya, kabilang ang hindi kumpletong pagproseso ng transaksyon at ang hindi pagkakatugma sa mga rekord gaya ng Official Receipt at iba pang kaugnay na dokumento.

Maglalabas ang LTO ng panibagong abiso sa oras na maibalik ang normal na operasyon ng sistema.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pasensya, pang-unawa, at pakikiisa.




18/07/2026

𝐀𝐏𝐀𝐓 𝐍𝐀 π‚πŽπ‹πŽπ‘π”πŒ 𝐍𝐀 π“π‘π”π‚πŠ, 𝐍𝐀𝐒𝐀𝐁𝐀𝐓 𝐒𝐀 πŽππ„π‘π€π’π˜πŽπ 𝐍𝐆 π‹π“πŽ π‚π€π‹π€ππ€π‘π™πŽπ 𝐒𝐀 ππˆΓ‘π€π, 𝐋𝐀𝐆𝐔𝐍𝐀

Bilang pagtupad sa direktiba ni Pangulong Ferdinand β€œBongbong” R. Marcos Jr., at sa gabay nina Department of Transportation Acting Secretary Atty. Giovanni Z. Lopez at LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na panatilihing ligtas, maayos, at disiplinado ang paggamit ng mga kalsada, patuloy na pinapalakas ng LTO CALABARZON ang pagpapatupad ng mga batas at regulasyong pangtransportasyon.

Sa pamumuno ni LTO CALABARZON Regional Director Elmer J. Decena, mas pinaigting ng rehiyon ang kampanya laban sa mga colorum na sasakyan at iba pang paglabag sa mga umiiral na batas at alituntunin sa transportasyon.

Ngayong araw, apat na colorum na closed van truck ang nahuli sa isinagawang law enforcement operation ng LTO CALABARZON kaninang madaling araw sa Mamplasan, BiΓ±an City, Laguna.

Pinangunahan ng LTO Cabuyao District Office sa pamumuno ni Officer-In-Charge Cloyd Deo Librea ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Regional Law Enforcement Service (RLES), kung saan natuklasan ang iba't ibang paglabag ng mga nahuling sasakyan.

Kabilang sa mga naitalang paglabag ang pagpapatakbo ng colorum na sasakyan, paggamit ng hindi rehistradong sasakyan, pagpapakita ng pinaghihinalaang pekeng Official Receipt (OR), pagmamaneho nang walang balidong driver’s license, paggamit ng improvised na plaka na walang kaukulang awtorisasyon, at mga depektong may kaugnayan sa kaligtasan gaya ng sirang headlight at pudpod na mga gulong.

Bunsod nito, agad na nag-isyu ang mga enforcer ng kaukulang Temporary Operator’s Permit (TOP) at ipina-impound ang apat na closed van truck. Isasailalim ang mga ito sa tamang proseso bago iendorso sa LTO Central Office para sa kaukulang disposisyon.

Ayon kay RD Decena, magpapatuloy ang LTO CALABARZON sa mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa mga colorum at iba pang lumalabag sa mga regulasyon.

β€œPatuloy nating palalakasin ang ating mga operasyon upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas. Ang mga colorum na sasakyan ay nagdudulot ng panganib hindi lamang sa kanilang mga pasahero kundi pati na rin sa iba pang gumagamit ng kalsada. Mahigpit naming hinihikayat ang lahat ng operator at motorista na sumunod sa mga umiiral na batas at tiyaking ligtas at legal ang kanilang mga sasakyan bago bumiyahe.”

Muli ring pinaaalalahanan ng LTO CALABARZON ang lahat ng may-ari at operator ng sasakyan na tiyaking sumusunod sa mga umiiral na batas at regulasyon upang mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista at kaayusan sa mga lansangan.



Address

KM 31 Atienza Compound, National Highway Brgy. Nueva, City Of San Pedro, Laguna
San Pedro
4023

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO San Pedro Extension Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO San Pedro Extension Office:

Shortcuts

Share