Barangay GSIS Public Information

Barangay GSIS Public Information Ito ay para sa mga impormasyon / anunsyo na para sa publiko at mamamayan ng Barangay GSIS.

KATARUNGANG PAMBARANGAY BINGO BONANZA FOR A CAUSESa pangunguna ng Lupon ng Katarungang Pambarangay, matagumpay na idinao...
23/08/2026

KATARUNGANG PAMBARANGAY BINGO BONANZA FOR A CAUSE

Sa pangunguna ng Lupon ng Katarungang Pambarangay, matagumpay na idinaos ang Bingo Bonanza for a Cause!

Layunin ng aktibidad na makalikom ng pondo para sa mga paparating na proyekto ng Lupon. Maraming salamat sa Barangay Staff, BPSO, at sa lahat ng tumulong at nakiisa upang maging matagumpay ang gawaing ito.

Patunay ito na sa pagtutulungan at pagkakaisa, mas marami tayong magagawa para sa ating komunidad!

📢 ANUNSYO | ROAD REHABILITATION SA NEW YEAR’S AVENUEIpinapaalam po sa ating mga residente na bilang bahagi ng 2026 Annua...
17/08/2026

📢 ANUNSYO | ROAD REHABILITATION SA NEW YEAR’S AVENUE

Ipinapaalam po sa ating mga residente na bilang bahagi ng 2026 Annual Investment Project ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro, sa pamamagitan ng San Pedro City Engineering Office, magsasagawa ng Road Rehabilitation sa bahagi ng New Year’s Avenue, Barangay GSIS simula ngayong araw, Agosto 17, 2026 (Lunes).

🚧 Kaugnay nito, magkakaroon ng Partial Road Closure at One-Way Traffic Scheme simula 7:00 AM upang bigyang-daan ang pagsasagawa ng nasabing proyekto.

Pinapayuhan ang mga motorista at residente na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe, maglaan ng karagdagang oras, at sumunod sa mga traffic sign at abiso sa lugar.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang proyektong ito para sa mas maayos at ligtas na kalsada sa ating barangay.

Maraming salamat po!

48TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEKBilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week, namahagi an...
15/08/2026

48TH NATIONAL DISABILITY RIGHTS WEEK

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week, namahagi ang Barangay GSIS ng tig-tatatlong kilo ng bigas bilang subsidiya para sa mahigit 95 miyembro ng Persons with Disabilities (PWD) sa ating barangay.

Ang programa ay pinangunahan ng Committee on Social Services Chairman, Kagawad Geraldine Rivera, bilang bahagi ng patuloy na pagkilala at pagsuporta sa mga karapatan, kapakanan, at pangangailangan ng sektor ng PWD.

Taos-puso rin nating sinasaluduhan ang ating mga PWD officers sa kanilang dedikasyon, aktibong paglilingkod, at patuloy na pagtataguyod ng kapakanan at karapatan ng kanilang mga kapwa PWD. Patuloy po tayong magsusulong ng isang inklusibong komunidad kung saan walang naiiwan at bawat isa ay may pantay na pagkakataon.

TREE-TRIMMING OPERATIONSPatuloy ang ating tree-trimming operations sa iba’t ibang bahagi ng ating barangay, sa pangungun...
14/08/2026

TREE-TRIMMING OPERATIONS

Patuloy ang ating tree-trimming operations sa iba’t ibang bahagi ng ating barangay, sa pangunguna ng Committee on Environment Chairman, Kag. Elvie Giron, katuwang si Kag. Kristin Fajardo, at ang ating mga volunteers.

Maraming salamat sa CENRO, sa pangunguna ni Ms. Malou Balba, at sa CDRRMO, sa pamumuno ni Sir Nico Pavino, sa patuloy na pakikipagtulungan at suporta sa mga operasyong ito.

Ang gawaing ito ay bahagi ng ating patuloy na paghahanda para sa mga paparating na bagyo at upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng mga sanga at punong maaaring makasagabal, makapinsala, o magdulot ng aksidente sa ating komunidad.

Patuloy nating paiigtingin ang mga ganitong hakbang upang mapanatiling ligtas, maayos, at handa ang Barangay GSIS, lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at maagap na paghahanda, mas nagiging ligtas ang bawat pamilya at ang buong komunidad.

📢 PAALALA: Dahil sa patuloy na pag-ulan at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, ang Katarungang Pambarangay’s Bingo Bo...
13/08/2026

📢 PAALALA: Dahil sa patuloy na pag-ulan at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat, ang Katarungang Pambarangay’s Bingo Bonanza for a Cause ay inilipat sa Agosto 21, 2026 (Biyernes), mula alas-3:00 ng hapon onwards, sa Independence Court.

🎁 Mga Premyo:

• 1st–5th Games — ₱1,000
• 6th–10th Games — 25 kilos ng bigas
• Blackout Game — ₱2,000

Ang lahat ng malilikom na pondo ay ilalaan sa mga proyekto at programa ng ating Katarungang Pambarangay upang higit pang mapalawak ang serbisyong maibibigay sa ating komunidad.

Para sa mga nais bumili ng Bingo Cards, makipag-ugnayan lamang sa Barangay Office o sa ating mga Barangay Lupon.

Maraming salamat po sa inyong pag-unawa. Magkita-kita po tayo sa bagong petsa!

🚨   | Looking for your next career opportunity? The Rolling Pin Food Corp. is expanding, and we’re looking for passionat...
06/08/2026

🚨 | Looking for your next career opportunity? The Rolling Pin Food Corp. is expanding, and we’re looking for passionate and dedicated individuals to join our growing team!

🥖 NOW HIRING:
✅ Baker
✅ Baker Assistant
✅ Ovenman
✅ All Around Helper
✅ Quality Assurance Specialist
✅ Sanitation Personnel
✅ Driver
✅ Salesman
✅ Electrical Engineer
✅ Machine Operator
✅ Marketing Officer

📍 Work Location:
Lot 4A Narra Road, San Antonio, San Pedro City, Laguna

📧 Send your resume to:
[email protected]

Don’t miss this opportunity to build your career with a company committed to quality, innovation, and growth. Apply today and become part of The Rolling Pin Food Corp. family! 🍞✨

KATARUNGANG PAMBARANGAY’S BINGO BONANZA FOR A CAUSEInaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Bingo Bonanza for a Cause nga...
02/08/2026

KATARUNGANG PAMBARANGAY’S BINGO BONANZA FOR A CAUSE

Inaanyayahan po ang lahat na makiisa sa Bingo Bonanza for a Cause ngayong Agosto 15, 2026 (Sabado), alas-5:00 ng hapon, sa Independence Court.

🏆 Mga Premyo:
• 1st–5th Games — ₱1,000
• 6th–10th Games — 25 kilos ng bigas
• Blackout Game — ₱2,000

Ang lahat ng malilikom na pondo mula sa Bingo Bonanza ay ilalaan sa mga proyekto at programa ng ating Katarungang Pambarangay, upang mas mapalawak pa ang serbisyong maibibigay sa ating komunidad.

🎟️ Para sa mga nais bumili ng Bingo Cards, makipag-ugnayan lamang sa Barangay Office o sa ating mga Barangay Lupon.

BARANGAY BUDGET 2027 PREPARATIONNakiisa ang Barangay GSIS sa “One Stop Shop on Barangay Budget 2027 Preparation” na isin...
29/07/2026

BARANGAY BUDGET 2027 PREPARATION

Nakiisa ang Barangay GSIS sa “One Stop Shop on Barangay Budget 2027 Preparation” na isinagawa ng DILG at Lungsod ng San Pedro. Layunin ng programang ito na higit pang mapahusay ang proseso ng paghahanda ng budget upang matiyak na ang bawat programa, proyekto, at serbisyong ilalaan para sa ating komunidad ay naaayon sa tunay na pangangailangan ng ating barangay.

Sa pamamagitan ng maingat na pagpaplano, wastong paglalaan, at responsableng paggamit ng pondo, masisiguro nating tuloy-tuloy ang paghahatid ng de-kalidad na serbisyo para residente ng . 🇵🇭

TREE-TRIMMING OPERATIONSMaraming salamat sa CENRO, sa pangunguna ni Ms. Malou Balba, at sa CDRRMO, sa pamumuno ni Sir Ni...
28/07/2026

TREE-TRIMMING OPERATIONS

Maraming salamat sa CENRO, sa pangunguna ni Ms. Malou Balba, at sa CDRRMO, sa pamumuno ni Sir Nico Pavino, sa isinagawang tree-trimming operation sa ating barangay.

Ang gawaing ito ay bahagi ng ating paghahanda para sa mga paparating na bagyo at upang maiwasan ang mga panganib na dulot ng mga sanga at punong maaaring makasagabal o magdulot ng aksidente.

Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, mas nagiging ligtas at handa ang ating komunidad.

NUTRITION MONTH CELEBRATIONMasayang ipinagdiwang ng ating mga Day Care learners ang Nutrition Month sa isang makulay at ...
23/07/2026

NUTRITION MONTH CELEBRATION

Masayang ipinagdiwang ng ating mga Day Care learners ang Nutrition Month sa isang makulay at masustansyang selebrasyon na puno ng saya, pagkatuto, at aktibong pakikilahok ng mga magulang.

Sa pangunguna ng Health Committee Chairman, Kag. Kristin Fajardo, at sa pakikipagtulungan ng ating Health Team, naging matagumpay ang programa kung saan ipinamalas ng mga bata ang kanilang mga makukulay na costume at sigla sa pagdiriwang ng kahalagahan ng wastong nutrisyon.

Lubos ang suporta ng Sangguniang Barangay sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at maayos na pag-unlad ng ating mga kabataan.

Taos-puso rin ang aming pasasalamat kay CDC President Ms. Jincky Rivera, at ang kanyang mga opisyales, sa kanyang dedikasyon at malaking ambag upang maging matagumpay ang pagdiriwang na ito.

Sama-sama nating ipagpatuloy ang pagsusulong ng isang mas malusog at mas masiglang komunidad.

Address

San Pedro
4023

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay GSIS Public Information posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share