23/05/2026
Para kay Patrick Realco Mamay, aming minamahal na kaibigan,
Lubos ang aming dalamhati sa iyong pagpanaw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin lubos maisip at matanggap ang pagkawala mo. Malaki ang puwang na iniwan mo hindi lamang sa Social’ Cafe, kundi lalo na sa aming mga puso.
Bilang barista at may ari ng Social' Cafe, higit pa sa serbisyong ibinibigay mo ang naipamalas mo sa amin. Ikaw ang naging sentro ng saya, init, at samahan sa lugar na iyon. Sa pamamagitan ng simpleng tasa ng kape, nakabuo ka ng mga alaala at pagkakaibigang mananatili sa amin magpakailanman.
Ang iyong kabutihan, kasipagan, at pagiging approachable ay tunay naming hinding hindi makakalimutan. Hindi ka lamang isang kakilala o taong pinupuntahan namin ikaw ay naging isang tunay na kaibigan, na laging handang makinig, umunawa, at magbigay saya sa kabila ng pagod.
Malaki ang pagbabago sa Social’ Café ngayon na wala ka, ngunit patuloy naming dadalhin ang mga alaala mo sa bawat pagkakataong kami’y magsasama-sama. Ang iyong presensya ay mananatiling buhay sa mga kwentuhan, tawanan, at bawat tasa ng kape na aming pagsasaluhan.
Maraming salamat, Patrick, sa lahat ng iyong naiambag sa oras, sa malasakit, at higit sa lahat, sa tunay na pagkakaibigan.
Nawa’y makamit mo na ang kapayapaang walang hanggan sa piling ng Maykapal. Hindi ka namin malilimutan.
Lubos na nagmamahal,
— Ang iyong mga kaibigan sa Social’ Café