07/10/2026
Mas ligtas, mas handa, mas connected. 🤝
Isang magandang step forward para sa mas ligtas at mas prepared na Laguna ang ating MOA signing with the Provincial Government of Laguna and our fellow LGUs.
Through the Unified CCTV System and Automated Weather Stations (AWS), mas mapapalakas natin ang monitoring, traffic management, disaster preparedness, early warning, at emergency response sa ating mga communities.
Bilang isa sa mga component LGUs ng Laguna, nakikiisa ang San Pedro sa programang ito.Makikipagtulungan tayo sa Provincial Government sa installation at maintenance ng mga equipment, pati na rin sa pagbibigay ng mga kinakailangang sites, local support, utilities, permits, at security.
Hindi lang ito tungkol sa CCTV o bagong technology. It’s about using technology to better protect our people, para mas mabilis tayong makapag-monitor, makapag-warning, at makaresponde kapag kailangan.
Maraming salamat po sa ating sa Provincial Government of Laguna sa pangunguna sa programang ito.
Patuloy tayong makikipagtulungan para sa isang mas ligtas, mas handa, at mas makabagong San Pedro at Laguna. 🇵🇭🤝