20/07/2026
Bagong Linggo, Handa sa Paglilingkod!
Nagsimula na naman ang panibagong linggo ng pangangalaga at serbisyo ngayong araw ng Lunes, ang ating medical health consultation para sa mga kinakailangan ng agarang medical tsek-ap, serbisyo para sa mga buntis, Tuberculosis (TB) Treatment, Family Planning, Encoding para sa YAKAP patients at pagbabakuna sa sanggol, bakuna at suri para sa kagat ng hayop. Kasabay nito, maayos ding isinasaayos at kinukumpuni ng ating team ang listahan at reserba ng mga gamot sa pharmacy upang makasigurong sapat, ligtas at kumpleto ang ibinibigay nating gamot para sa bawat pasyente.
📍 Ang iyong kaligtasan at kalusugan ang aming prayoridad.
💡 Paalala: Kapag nakagat, hugasan agad ng sabon at tubig ang sugat sa loob ng 15 minuto at pumunta agad sa pinakamalapit na Animal Bite Center!