29/05/2026
๐๐ ๐ ๐๐ ๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐จ๐ง ๐๐๐, ๐๐ฆ๐๐ง๐ข ๐ง๐ ๐๐๐ซ๐๐ง๐ ๐๐ฅ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐๐ฐ๐๐ ๐๐๐ค๐
Isang malaking karangalan at kasiyahan sa National Irrigation Administration (NIA) Region III ang pagkilala sa ilan sa mga Irrigators Association (IA) mula sa probinsya ng Nueva Ecija sa ginanap na Department of Agriculture - Regional Field Office III 51st Gawad Saka sa Tarlac City Gymnatorium, Brgy. Baras-baras, Tarlac City, Tarlac.
Sa temang โParangal para sa mga Natatanging Magsasaka at Mangingisda,โ muling pinatunayan ng mga magsasaka at lider ng IA sa rehiyon ang kanilang kahusayan, dedikasyon, at mahalagang ambag sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura.
Itinanghal bilang Regional Level Outstanding Rice Cluster - Irrigators Association para sa Communal Irrigation System Category ang Laur Communal Irrigators Association. Kinilala ang samahan dahil sa mahusay nitong pamamahala, matatag na pagkakaisa, at patuloy na pagsusulong ng episyente at sustenableng irigasyon para sa kapakinabangan ng kanilang mga miyembro at komunidad.
Malaking bahagi sa tagumpay na ito ang mga opisyal ng samahan, na siyang tumanggap ng parangal, na sina Pangulo Emeterio R. Dizon, Pangalawang Pangulo Reynaldo P. Vallanta, Secretary Teresita F. Del Rosario, Treasurer Teresita A. Besa, at Auditor Antonio Manuel Jr.
Samantala, isa pang karangalan ang iniuwi ng rehiyon matapos tanghaling Regional Level Outstanding Rural Woman si Sapang Bato Irrigators Association Secretary Ana Catalina P. Trinidad. Kinilala siya dahil sa kanyang natatanging pamumuno at inspirasyong hatid sa kapwa magsasaka at kababaihan sa kanayunan.
Bukod sa mga natamong parangal ng mga IA, kinilala rin ang NIA Region III bilang isa sa mga katuwang na ahensya ng Department of Agriculture Regional Field Office III sa patuloy na pagsusulong ng mga programang naglalayong mapalakas ang sektor ng agrikultura at mapabuti ang kabuhayan ng mga magsasaka sa rehiyon.
Hindi pinalampas ng pamunuan ng NIA Region III ang tagumpay na ito ng mga IA. Personal na dumalo sa programa sina Acting Regional Manager Engr. Christian C. Manalo, kasama sina ANE IMO Acting Manager Engr. Kristoffer A. Santiago at IDS Chief Eden N. Garcia, at ANE IDU staff bilang pagpapakita ng kanilang buong suporta at pakikiisa sa tagumpay ng mga samahan.
Ang mga parangal na ito ay sumasalamin sa bunga ng sama-samang pagkilos, matibay na ugnayan ng ating mga IA at NIA, at walang sawang pagsisikap ng mga magsasakang patuloy na nagsisilbing haligi ng seguridad sa pagkain at kaunlaran ng bansa.
Patunay lamang na kapag nagkakaisa ang mga magsasaka at kanilang samahan, mas malayo ang mararating at mas marami pang tagumpay ang maaani para sa sektor ng agrikultura.
sa