Salapungan San Rafael Bulacan Official FB

Directions

Salapungan San Rafael Bulacan Official FB Salapungan San Rafael Bulacan

Magandang araw po sa lahat! Ito po ang listahan ng mga kasama po sa 1st batch ng CHOLOMANSI Iskolar Caravan po ng ating ...
01/10/2026

Magandang araw po sa lahat! Ito po ang listahan ng mga kasama po sa 1st batch ng CHOLOMANSI Iskolar Caravan po ng ating Cong. Cholo Violago.
Petsa: October 2, 2026
oras: 8 am to 12 nn
Saan: NEW GYM, SAN RAFAEL BULACAN (MUNICIPAL COMPOUND)

Mangyaring dalhinang mga sumusunod:
- 1 Government Valid Id ( kailangan dalhin mismo ang ID)
- 2 Photocopies of Valid ID na may 3 pirma sa baba at contact no.
- Black Ballpen

30/09/2026

Street Dance competition!

30/09/2026

Salamat Salapungan Angels!

23/09/2026

Ipinababatid po namin sa lahat na kami po ay mag lalathala ( post) ng opisyal na listahan ng 5 indibidwal na pinalad pong mapasama sa 'Bagong Pilipinas Barangay Scholars' ng ating Barangay.

Sa ngayon po ay hinihintay pa po namin ang pinal na desisyon na manggagaling sa mas mataas na ahensya ukol sa 1 scholar na kailangan po naming palitan dahil sa kanyang biglaang pagpanaw.

Sa oras na matanggap po namin ang 'approval', ilalathala po namin ang listahan at larawan ng pagtanggap ng scholarship dito sa ating opisyal n FB account.
Maraming salamat po sa inyong pangunawa.

Magkakaroon po tayo ng " free"  training sa paggawa po ng empanada at butchi po sa ating Barangay ( court) sa Oktubre 8,...
23/09/2026

Magkakaroon po tayo ng
" free" training sa paggawa po ng empanada at butchi po sa ating Barangay ( court) sa Oktubre 8, araw ng Myerkules, sa ganap na alas 8 ng umaga.
Magpalista na po sa BHW o Mother Leader na naka assign po sa inyong purok. Unang 25 tao lamang po na magpapalista ang makakalahok.
Maraming salamat po.

23/09/2026

Magandang gabi po sa lahat ng taga Salapungan !
Ipinababatid po namin na wala muna po tayong tyangge sa darating na Linggo( Sept. 27). Ilalaan muna po ang court sa maghapong General Practice po ng ating Angels . Huling araw na po ito ng kanilang practice . Maraming salamat po sa inyong pangunawa.

Isama po natin sa ating panalangin na maging maayos at ligtas po ang kanilang pagtatanghal sa Sept 29.

📢 PANAWAGAN SA NAWAWALANG TATAYNawawala po si Tatay Renato Inovero, 74 taong gulang, residente ng Barangay Maronquillo, ...
03/09/2026

📢 PANAWAGAN SA NAWAWALANG TATAY

Nawawala po si Tatay Renato Inovero, 74 taong gulang, residente ng Barangay Maronquillo, San Rafael, Bulacan.

Noong Setyembre 2, 2026, bandang 9:00 ng umaga, umalis po siya ng kanilang bahay. Ayon sa kanyang pamilya, sinabi niyang pupunta siya sa Upig, Mananambo upang maghanapbuhay .

Hanggang ngayong Setyembre 3, 2026, ay hindi pa rin po siya nakauuwi at wala pa ring nakakaalam ng kanyang kinaroroonan. Naka-bike lamang po siya na inilarawang parang Japan bike.

Kung sino man po ang may nakakita o may anumang impormasyon tungkol kay Tatay Renato Inovero, makiusap po kami na agad makipag-ugnayan sa kanyang pamilya o sa pinakamalapit na barangay.

Maraming salamat po sa inyong tulong at pakikiisa. Pakishare na rin po upang mas marami ang makaratingan ng impormasyong ito.

29/05/2026

Good afternoon Po
May TESDA po dito satin naghahanap Po ng mga tao na willing Po mag WELDING

Ito Po mga requirements baka Po may Kilala kayo.

A.M Shift
7:00 Am to 1:00 Pm
16 persons need

P.M
2:00 Pm to 8:00 Pm
4 persons need

Duration Hours: 268 Hrs.
54 Days

Requirements

Valid ID
PSA
BRGY. INDIGENCY
BRGY. CLEARANCE
DIPLOMA and TOR
Piso Account Land bank ( dahil dito papasok Yung allowance after ng Training)
Medical Certificate ( na dapat walang epilepsy, walang Hika)
Kailangan magkaron ng Fit To Study

Ang Training Po ay sa FJ Driving Mabalas-balas San Rafael, Bulacan

Field of Dreams Skills Training and Assessment Academy Inc.

Sa paggunita ng Mother's Day 2026, nagkaroon ng simpleng activity ang mga volunteers ng barangay. Lahat ay maaaring mags...
10/05/2026

Sa paggunita ng Mother's Day 2026, nagkaroon ng simpleng activity ang mga volunteers ng barangay.
Lahat ay maaaring magsubmit ng photo entry ng mga nanay kasama ang kanilng mga anak o pamilya. Sa 25 nagpasa ng entries, ito pong 3 ang mga napili ( sweet, cute, and unique) .
Congratulations po sa inyo at salamat po sa mga nakiisa.
Pinapahalagahan po namin ang mga Nanay ng bawat pamilya lalo na ang Brgy. Salapungan.

Happy Mother’s Day sa lahat ng Mama sa buong mundo! Salamat sa walang hanggang pagmamahal, pag-aaruga, at sakripisyong i...
09/05/2026

Happy Mother’s Day sa lahat ng Mama sa buong mundo! Salamat sa walang hanggang pagmamahal, pag-aaruga, at sakripisyong ibinibigay ninyo araw-araw. Kayo ang tunay na haligi ng tahanan at inspirasyon ng pamilya. Mabuhay ang lahat ng Ina! 💐❤️

Pagbati Mula sa Sangguniang Barangay ng Salapungan, San Rafael, Bulacan

Address

Salapungan San Rafael Bulacan
San Rafael

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Salapungan San Rafael Bulacan Official FB posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share