Katipunan Student Movement - San Rafael Campus

Directions

Katipunan Student Movement - San Rafael Campus lumahok. lumaban. lumaya

🍜 𝐇𝐚𝐛𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚, 𝐌𝐚𝐲 𝐈𝐧𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐆𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚 Matagumpay nating naisagawa ang donation drive para sa mga naapektuhan ng Bagyon...
11/08/2026

🍜 𝐇𝐚𝐛𝐚𝐠 𝐚𝐭 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚, 𝐌𝐚𝐲 𝐈𝐧𝐢𝐭 𝐚𝐭 𝐆𝐢𝐧𝐡𝐚𝐰𝐚

Matagumpay nating naisagawa ang donation drive para sa mga naapektuhan ng Bagyong Maymay at Habagat, lalo na para sa mga naka-dorm at mga residente ng Gulod, San Rafael, Bulacan.

Nakapaghatid tayo ng mainit na lugaw at pandesal sa ating mga kababayan, at maging sa ilang drivers ng TODA na patuloy na bumibiyahe at naghahanapbuhay sa kabila ng masamang panahon.

Kahit simpleng bagay lang, sana'y nakatulong, nakapagbigay ng kaunting ginhawa, at nakapagpainit ng mga sikmura ng ating mga kababayan. Sa panahon ng pangangailangan, bawat tulong, maliit man o malaki, ay may halaga.

Maraming salamat sa ating mga volunteers mula sa KASAMA SRC BM Daphnee, BM Arvin, at VG Rusty, at sa ating volunteer na si Mx. Aron Romero, para sa oras, effort, at pusong handang tumulong.

Sa simpleng paraan, sama-sama nating naipakita na kapag may malasakit, may bayanihan.



📢 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐏𝐄𝐊𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓Sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, marami na namang pamilya ang na...
09/08/2026

📢 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐌𝐆𝐀 𝐀𝐏𝐄𝐊𝐓𝐀𝐃𝐎 𝐍𝐆 𝐇𝐀𝐁𝐀𝐆𝐀𝐓

Sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, marami na namang pamilya ang nakakaranas ng pagbaha at matinding pagbuhos ng ulan. Apektado rin dito ang ating mga kababayan sa San Rafael, Bulacan na naapektuhan ng pagtaas ng tubig.

Sa panahong mahirap para sa marami, anumang tulong, maliit man o malaki ay maaaring maging malaking ginhawa para sa isang pamilyang nangangailangan.

Kung nais at may kakayahan po kayong tumulong, tumatanggap kami ng online donations via GCash at BDO Bank. Maaari ninyong gamitin ang mga QR code na kalakip sa post na ito para sa inyong donasyon.

GCASH: 0907-893-7152 (Name: Rusty Tero)

BDO:
SAMANTHA DAPHNEE L. LIWANAG
ACC. NO. - 013690031863

Maraming salamat sa bawat taong makikiisa at magbabahagi. Any amount will do po. Para naman sa mga in-kind donations and goods, makipag ugnayan lamang sa aming page upang maibigay ang buong detalye kung saan pwede itong idrop off o ibigay. Ang mga makukuhang donasyon at goods ay ibibigay sa mga apektadong pamilya lalo sa San Rafael, Bulacan, magbibigay din po kami ng Transparency report upang makasigurong ang mga donasyon ay maayos na nagamit.

“𝙎𝙖 𝙥𝙖𝙣𝙖𝙝𝙤𝙣 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙨𝙪𝙗𝙤𝙠, 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙪𝙣𝙩𝙞𝙣𝙜 𝙩𝙪𝙡𝙤𝙣𝙜 𝙣𝙖 𝙞𝙗𝙞𝙣𝙞𝙗𝙞𝙜𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙖𝙮 𝙢𝙖𝙖𝙖𝙧𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙠𝙞𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜-𝙖𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙧𝙖 𝙨𝙖 𝙞𝙗𝙖.”

Maraming salamat po at ibayong pag-iingat po sa lahat.



📣 6-POINT ISKONARS DEMAND: PANAWAGAN NG MGA ESTUDYANTE NG NARSING SA BULACAN STATE UNIVERSITY Sa gitna ng mga pagbabagon...
18/04/2026

📣 6-POINT ISKONARS DEMAND: PANAWAGAN NG MGA ESTUDYANTE NG NARSING SA BULACAN STATE UNIVERSITY

Sa gitna ng mga pagbabagong kinahaharap ng programa ng Narsing sa Bulacan State University, mahalagang malinaw ang isang bagay: ang mga desisyon tungkol sa edukasyon ay dapat nakabatay sa kalidad, akses, at kapakanan ng mga estudyante.

Hindi maikakaila na may mga patuloy na hamon—mula sa accessibility ng kampus, limitadong slots, kakulangan sa pasilidad at instructors, hanggang sa bigat ng gastusin sa clinical duties. Sa halip na manatili lamang bilang mga suliranin, panahon na upang tugunan ang mga ito sa pamamagitan ng konkretong hakbang.

Ang panawagang ito ay hindi lamang para sa iisang kampus, kundi para sa lahat ng IskoNars—mula Main Campus hanggang San Rafael Campus. Naniniwala kami na posible ang pag-unlad kung ito ay inklusibo, planado, at may sapat na suporta.

Kaya inilalatag ng KASAMA BulSU SRC at CON ang 6-Point IskoNars Demand bilang gabay tungo sa mas maayos at makatarungang sistema ng edukasyong pang-narsing:

✊ Ibalik ang CON sa Main Campus
✊ Siguruhin ang accessibility ng San Rafael Campus at mga clinical hospitals nito
✊ Palawakin ang access sa kursong nursing sa parehong kampus
✊ Palakihin ang pondo para sa kursong Narsing
✊ Siguruhin ang sapat na faculty at clinical instructors
✊ Gawing permanenteng libre ang Related Learning Experience (RLE) Fee

Ang mga panawagang ito ay hindi lamang mungkahi—ito ay mga kinakailangang hakbang upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon at matiyak na walang estudyanteng maiiwan dahil sa kakulangan sa sistema.

Kung tunay nating layunin ang paghubog ng mga competent, compassionate, at globally competitive na nurse, kinakailangan na ang mga polisiya at desisyon ay sumabay sa tunay na pangangailangan bg mga estudyante.




“𝙃𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙢𝙖𝙣, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙣—𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙣𝙖 𝙨𝙪𝙢𝙞𝙨𝙞𝙜𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙢...
13/04/2026

“𝙃𝙞𝙜𝙞𝙩 𝙠𝙖𝙞𝙡𝙖𝙣𝙢𝙖𝙣, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙩𝙪𝙣𝙜𝙠𝙤𝙡 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙠𝙪𝙡𝙖𝙮 𝙖𝙩 𝙥𝙖𝙣𝙜𝙖𝙡𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙝𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖𝙣—𝙠𝙪𝙣𝙙𝙞 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙩𝙞𝙣𝙞𝙜 𝙣𝙖 𝙨𝙪𝙢𝙞𝙨𝙞𝙜𝙖𝙬 𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙜𝙗𝙖𝙗𝙖𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙥𝙖𝙢𝙖𝙣𝙩𝙖𝙨𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙡𝙞𝙥𝙪𝙣𝙖𝙣”✊🏻

Ang 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐒𝐚𝐧 𝐑𝐚𝐟𝐚𝐞𝐥 ay buong pusong nagpapasalamat sa lahat ng SRC Saints, na maalab na nakilahok at nakialam sa katatapos lamang na halalan. Hindi man pare-pareho ang kulay ng ating pinaninindigan, iisa pa rin ang layuning ating pinanghahawakan. Dahil higit sa resulta, ang namumutawi ay ang tiwalang inyong ipinagkaloob at responsibilidad na kaakibat nito. Naniniwala tayo, na ang tagumpay na ito, ay tagumpay ng bawat isang iskolar ng bayan.

Nais din naming magpasalamat sa mga Class Mayors at mga Faculty, na tumanggap sa amin sa mga Room-to-Room Campaigns (RTR), upang matagumpay naming maiparating sa mga estudyante ang mga platapormang aming bitbit.

Ipinaaabot din namin ang aming pasasalamat sa mga publikasyon, lalong higit sa opisyal na publikasyon ng mga mag-aaral ng San Rafael Campus—ang PLUMALAYA, na malaki ang naging gampanin sa pagtataguyod ng eleksiyon. Maraming salamat sa inyong oras, pagsasakripisyo, at pagpapamalas ng inyong paninindigan sa isang malay at tapat na pamamahayag.

Sa mga volunteers at supporters ng aming partido, kayo ang tunay na lakas at dahilan ng tagumpay na ito. Hindi maisasakatuparan ang bagay na ito, kung wala ang presensya ng bawat isa sa inyo.

Sa huli, natapos man ang halalan, pero ang nag-aapoy na hangarin ay hindi kailanman huhupa at mawawala. Ito pa lamang ang simula tungo sa isang konsehong kumakalinga, kumikilala, at mas matapang na maninindigan sa masang BulSUans.

Muli, maraming salamat at , SRC Saints!✊💙

16/03/2026

Handa na ba kayo sa isang Pamumunong may Pananagutan, SRC Saints?

Para naman po sa Serbisyong “Higit pa sa Sapat,” at ang ating Board Member na Magsisilbing, LIWANAG sa dilim.

Ang ating Board Member na KarapatDAPHat para sa pagbibigay ng pananagutan sa Programa ng Psychology, Board Member Daph Liwanag!

Tindig tayong kilalanin ang ating susunod na Psychology Board Member na maghahatid ng pananagutan para sa Campus ng San Rafael!




16/03/2026

Handa na ba kayo sa isang Pamumunong may Pananagutan, SRC Saints?

Para sa Serbisyong VINtekwatro Oras, kilalanin ang susunod na Board Member na magbibigay pananagutan sa Programa ng Pagkalinga!

Tindig tayong kilalanin ang ating susunod na Nursing Board Member na maghahatid ng pananagutan para sa Campus ng San Rafael!




Saints, na-miss nyo ba ang ating SGE Local Student Council Debate?Huwag kayo mag-alala dahil walang maiiwan sa ating pag...
15/03/2026

Saints, na-miss nyo ba ang ating SGE Local Student Council Debate?

Huwag kayo mag-alala dahil walang maiiwan sa ating pagtindig para sa Pananagutan!

Ating inilalatag ang mga Pananagutan na mayroong Mekanismo sa mga Plataporma ng ating susunod na Local na Konseho. Mga pananagutang may maayos at planadong mekanismo, binuo mula sa mga danas ng ating mga saints, at para sa bawat programa ng ating Campus!

Mula sa ating Gobernador na Patuloy na ipapatiKIM ang Pananagutan para sa Campus ng San Rafael:
- 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗚𝗿𝗶𝗲𝘃𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗗𝗲𝘀𝗸
- 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗪𝗲𝗯𝘀𝗶𝘁𝗲
- 𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝘀



Saints, na-miss nyo ba ang ating SGE Local Student Council Debate?Huwag kayo mag-alala dahil walang maiiwan sa ating pag...
15/03/2026

Saints, na-miss nyo ba ang ating SGE Local Student Council Debate?

Huwag kayo mag-alala dahil walang maiiwan sa ating pagtindig para sa Pananagutan!

Ating inilalatag ang mga Pananagutan na mayroong Mekanismo sa mga Plataporma ng ating susunod na Local na Konseho. Mga pananagutang may maayos at planadong mekanismo, binuo mula sa mga danas ng ating mga saints, at para sa bawat programa ng ating Campus!

Mula sa ating Senador na Magbibigay Pananagutan para sa malayang kamalayan ay kaisipan:
- 𝗗𝗔𝗟𝗨𝗬𝗔𝗡
- 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻: 𝗗𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗚𝗶𝗻𝗵𝗮𝘄𝗮
- 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸
- 𝗣𝗲𝗲𝗿 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽𝘀 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀

Mula sa ating Gobernador na Patuloy na ipapatiKIM ang Pananagutan para sa Campus ng San Rafael:
- 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗚𝗿𝗶𝗲𝘃𝗮𝗻𝗰𝗲 𝗗𝗲𝘀𝗸
- 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗧𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗪𝗲𝗯𝘀𝗶𝘁𝗲
- 𝗘𝗺𝗽𝗼𝘄𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗦𝗲𝗰𝘁𝗼𝗿𝘀

Mula sa ating Bise Gobernador na walang pero-pero at may serbisyong sigurado para sa sangay ng lehislatibo:
- 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗜𝗡𝗢
- 𝗣𝗔𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗠𝗢, 𝗦𝗨𝗣𝗣𝗟𝗬𝗔𝗡 𝗠𝗢
- 𝗔𝗥𝗜𝗕𝗔 𝗔𝗧𝗟𝗘𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗜𝗡𝗧𝗦

Mula sa ating Biology Board Member na KaZAMa ninyong ti-tindig sa isang konsehong Sama-sama at walang Nag-iiwanan:
- 𝗟𝗮𝗯𝘁𝗮𝘀𝘁𝗶𝗰: 𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗢𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁𝘂𝗻𝗶𝘁𝘆 𝗠𝗮𝘆𝗯𝗲 𝗙𝗼𝗿 𝗨
- 𝗕𝗶𝗼𝗕𝗹𝗮𝘀𝘁: 𝗛𝗮𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗛𝗮𝘆𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻
- 𝗖𝗼𝗺𝗳𝗼𝗿𝘁 𝗨: 𝗛𝘆𝗴𝗶𝗲𝗻𝗲 𝗔𝗰𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗙𝗼𝗿 𝗔𝗹𝗹

Mula sa ating Medical Technology Board Member na inyong KARAH-may sa tungo sa tagumapay:
- 𝗟𝗮𝗯-𝗽𝗮𝗵𝗶𝗿𝗮𝗺
- 𝗟𝗮𝗯-𝗸𝘂𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗼
- 𝗣𝗮𝘁𝗮𝗸
- 𝗠𝗲𝗱𝗧𝗲𝗰𝗵 𝗪𝗲𝗲𝗸

Mula sa ating Nursing Board Member na titinding para sa Serbisyong VINtekwatro Oras:
- 𝗣𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 "𝗣𝗔𝗛𝗜𝗡𝗔"
- 𝗞𝘂𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗡𝗮𝗿𝘀?!
- 𝗣𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝗚𝗶𝗻𝗵𝗮𝘄𝗮
- 𝗣𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 "𝗟𝗜𝗬𝗔𝗚"

Mula sa ating Psychology Board Member na karapatDAPHat at may serbisyong “higit pa sa sapat” at magsisilbing, LIWANAG sa dilim:
- 𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢-𝗦𝗔𝗬𝗞: 𝗔 𝗠𝗼𝘁𝗶𝘃𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗖𝗮𝗿𝗲𝗲𝗿 𝗧𝗮𝗹𝗸 𝗳𝗼𝗿 𝗣𝘀𝘆𝗰𝗵𝗼𝗹𝗼𝗴𝘆 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺
- 𝗥𝗘𝗔𝗖𝗛𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵
- 𝗦𝗔𝗚𝗜𝗣: 𝗔 𝗠𝗲𝗻𝘁𝗮𝗹 𝗛𝗲𝗮𝗹𝘁𝗵 𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗔𝗶𝗱 𝗪𝗼𝗿𝗸𝘀𝗵𝗼𝗽



Saints, na-miss nyo ba ang ating SGE Local Student Council Debate?Huwag kayo mag-alala dahil walang maiiwan sa ating pag...
15/03/2026

Saints, na-miss nyo ba ang ating SGE Local Student Council Debate?

Huwag kayo mag-alala dahil walang maiiwan sa ating pagtindig para sa Pananagutan!

Ating inilalatag ang mga Pananagutan na mayroong Mekanismo sa mga Plataporma ng ating susunod na Local na Konseho. Mga pananagutang may maayos at planadong mekanismo, binuo mula sa mga danas ng ating mga saints, at para sa bawat programa ng ating Campus!

Mula sa ating Senador na Magbibigay Pananagutan para sa malayang kamalayan ay kaisipan:
- 𝗗𝗔𝗟𝗨𝗬𝗔𝗡
- 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗖𝗮𝗿𝗮𝘃𝗮𝗻: 𝗗𝗶𝘄𝗮 𝗻𝗴 𝗚𝗶𝗻𝗵𝗮𝘄𝗮
- 𝗞𝗔𝗣𝗪𝗔 𝗡𝗲𝘁𝘄𝗼𝗿𝗸
- 𝗣𝗲𝗲𝗿 𝗦𝘂𝗽𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽𝘀 𝘀𝗮 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀



Address

San Rafael

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Katipunan Student Movement - San Rafael Campus posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share