Ito po ang inyong Lingkod Kabataang "K*K o Kabataang Kaagapay sa Kaunlaran " mula sa Barangay Tambubong San Rafael Bulacan. Bilang pinagkatiwalaang mamuno at maging boses ng mga kabataan, maaasahan nyo po na kami ay hindi mapapagod gumanap sa aming tungkulin.Magiging tapat,masipag at tunay na maaasahan sa responsibilidad na aming tinanggap. At patuloy na mag-hahatid ng mga proyektong makakatulong
sa pag-unlad ng aming kapwa kabataan. Sama sama po tayo sa pagbabago! Hangad namin ang laging suporta ng bawat isa higit lalo sa mga programang ihahatid ng inyong lingkod kasama ang Sangguniang Barangay ng Tambubong.Maraming salamat po sa Pagmamahal at Tiwala mga Ka-Barangay!