SAMASA PUP CPSPA

Directions Contact the organization

SAMASA PUP CPSPA CPSPA’s chapter of SAMASA PUP—the oldest & broadest political alliance in the university est. 1982.

16/10/2026

Ay sino po bang president niyo?



𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗜𝗦 𝗗𝗔! 𝗡𝗔𝗡𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗-𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡!Simula Oktubre 10 hanggang Oktubre 14 ay sinuyod na ng SAMASA PUP...
15/10/2026

𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡 𝗜𝗦 𝗗𝗔! 𝗡𝗔𝗡𝗗𝗜𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗢𝗗-𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡!

Simula Oktubre 10 hanggang Oktubre 14 ay sinuyod na ng SAMASA PUP CPSPA ang mga klasrum ng mga Lingkod-Bayan at ng ating mga akademikong organisasyon at lokal na pahayagan upang ipresenta sa kanila ang ating General and Specific Plans of Action na binibitbit ang mga lokal na suliranin ng CPSPA hanggang sa mga pambansang kampanyang ipinaglalaban natin.

Masaya nating sinagot ang mga katanungan ng mga sumusunod na klase: BAPE 2-1, BAPE 2-2, at BPA 3-1.

Makabuluhan din nating ibinahagi sa isang konsultasyon ang GSPOA sa mga sumusunod na organisasyon at pahayagan: Junior Political Economists’ Guild (JPEG), JPEG Klaryon, Political Science Society (PSS), The Vanguard, Circle of Public Administration and Good Governance Students (CPAGS).

Asahan ng mga Lingkod-Bayan ang determinasyon ng SAMASA PUP CPSPA na ipakita sa inyo ang deserve niyong konseho!

𝗖𝗣𝗦𝗣𝗔 𝗦𝗖 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗥𝗔𝗗𝗝 𝗛𝗘𝗥𝗠𝗔𝗡
𝗖𝗣𝗦𝗣𝗔 𝗦𝗖 𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗜𝗔𝗡𝗧𝗘𝗬 𝗦𝗔𝗠𝗜𝗢
𝗖𝗣𝗦𝗣𝗔 𝗦𝗖 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗛𝗔𝗥𝗢𝗟𝗗 𝗖𝗨𝗥𝗜𝗔 𝗳𝗼𝗿 𝗣𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲’𝘀 𝗔𝗱𝘃𝗼𝗰𝗮𝗰𝘆, 𝗥𝗲𝘀𝗲𝗮𝗿𝗰𝗵, 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝗮𝗺𝗽𝗮𝗶𝗴𝗻 (𝗣𝗔𝗥𝗖) 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲
𝗖𝗣𝗦𝗣𝗔 𝗦𝗖 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗞𝗨𝗥𝗧 𝗠𝗜𝗚𝗨𝗘𝗟 𝗜. 𝗗𝗔𝗧𝗢 𝗳𝗼𝗿 𝗚𝗲𝗻𝗱𝗲𝗿 𝗜𝗻𝗰𝗹𝘂𝘀𝗶𝘃𝗶𝘁𝘆, 𝗦𝗮𝗳𝗲 𝗦𝗽𝗮𝗰𝗲𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗖𝘂𝗹𝘁𝘂𝗿𝗲 (𝗚𝗗𝗜𝗦𝗦𝗖) 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲
𝗖𝗣𝗦𝗣𝗔 𝗦𝗖 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗖𝗛𝗥𝗜𝗦𝗧𝗜𝗔𝗡 𝗟𝗟𝗢𝗬𝗗 "𝗝𝗔𝗡𝗗𝗥𝗜𝗞" 𝗗𝗘𝗟𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝗮𝗿𝗶𝗮𝘁, 𝗥𝗲𝗰𝗼𝗿𝗱𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗩𝗼𝗹𝘂𝗻𝘁𝗲𝗲𝗿 𝗖𝗼𝗿𝗽𝘀 (𝗦𝗲𝗥𝗩) 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲
𝗖𝗣𝗦𝗣𝗔 𝗦𝗖 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗝𝗔 𝗘𝗦𝗣𝗜𝗡𝗔 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀’ 𝗥𝗶𝗴𝗵𝘁𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗼𝗹𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰 𝗪𝗲𝗹𝗳𝗮𝗿𝗲 (𝗦𝗧𝗥𝗔𝗪) 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲
𝗖𝗣𝗦𝗣𝗔 𝗦𝗖 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗛𝗔𝗭𝗘𝗟 𝗟𝗜𝗖𝗨𝗣 𝗳𝗼𝗿 𝗙𝗶𝗻𝗮𝗻𝗰𝗲, 𝗟𝗼𝗴𝗶𝘀𝘁𝗶𝗰𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝗻𝗸𝗮𝗴𝗲𝘀 (𝗙𝗟𝗟) 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲

Tungo sa kolehiyong tunay na naglilingkod sa sambayanan, Lingkod-Bayan, !


Matagal nang inabandona ng rehimen ni Marcos Jr. ang Sintang Paaralan. Hinog ang pamantayan upang tuloy-tuloy na isulong...
15/10/2026

Matagal nang inabandona ng rehimen ni Marcos Jr. ang Sintang Paaralan. Hinog ang pamantayan upang tuloy-tuloy na isulong ng mga Lingkod-Bayan ang kanilang laban.

Nagtitiis ang mahigit dalawang libong Lingkod-Bayan sa piling mga klasrum ng ikalawang palapag ng Main Building. Halos Biyernes at Sabado lamang ang aming face-to-face na klase sa kabila ng napakaraming kursong aming inaaral. Nalilimita sa online na pagkatuto habang muling isinusubo sa amin ang bogus na NPU Bill na anila’y ang awtonomiyang bitbit ay magpapataas ng pondo ng PUP.

Walang sinumang Lingkod-Bayan ang naniniwala sa pangakong ito.

Pilit din naming ipinagkakasya sa aming bulsa ang mahal na presyo ng bilihing pagkain, sumisirit na pamasahe, at dagdag na bayarin sa ekswela na sinasalo rin naming mga Iskolar. Nakikita namin sa teorya ang kahulugan ng ‘good governance’ ngunit mapait at nakakatawa na lamang ang nangyayaring ‘pagpapanagot’ sa mga kurakot ng kasalukuyang administrasyon.

Walang sinumang Lingkod-Bayan ang naniniwala sa pangakong ito.

Kaya batid naming mga Lingkod-Bayan ang kahalagahan ng kolektibong pagkilala ng ating mga pakikibaka rito sa loob ng pamantasan at sa labas man nito. Sa gitna ng salimuot na akademyang pinipilit tayong mawalan ng pakielam sa isa’t isa, hamon sa atin ang kolektibong paninindigan. Sa gitna ng patuloy na dagok ng represyon at pasismo, hinihingi sa atin ng panahon na huwag matakot.

Kaya mga kapwa Lingkod-Bayan, kasama kayo ay ihalal natin ang Konsehong hindi tayo aatrasan!

Malugod na ipinapakilala ng SAMASA PUP CPSPA ang aming mga kumakandidato para sa Konseho ng ating lokal na Kolehiyo na bibitbitin ang diwa ng pagiging tunay, palaban, at makabayan!

PRESIDENT:
🔻 HERMAN, Radj

VICE-PRESIDENT:
🔻 SAMIO, Ciantey

COUNCILOR:
🔻 CURIA, Harold - People's Advocacy, Research, and Campaign (PARC) Committee
🔻 DATO, Kurt Miguel I. - Gender Diversity and Inclusivity, Safe Spaces, and Culture (GDISSC) Committee
🔻 DELANTE, Christian Lloyd "Jandrik" Z. - Secretariat, Records, and Volunteer Corps (SeRV) Committee
🔻 ESPINA, Ja - Students' Rights and Holistic Welfare (STRAW) Committee
🔻 LICUP, Hazel - Finance, Logistics, and Linkages (FLL) Committee

Tungo sa kolehiyong tunay na naglilingkod sa sambayanan, Lingkod-Bayan, !



MGA LINGKOD-BAYAN, BUMOTO NG MGA TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG LIDER-ESTUDYANTE! ❤️‍🔥✊🏻Sa harap ng lantarang pandarambon...
09/10/2026

MGA LINGKOD-BAYAN, BUMOTO NG MGA TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG LIDER-ESTUDYANTE! ❤️‍🔥✊🏻

Sa harap ng lantarang pandarambong at korapsyon, pagsirit ng presyo ng langis, at laganap na hidwaan ng mga naghaharing uri, higit lalong kinakailangan ng konseho ng mga tunay, palaban, at makabayang lider-estudyante na handang suriin at baguhin ang lipunan.

Mga Lingkod-Bayan, narito na ang inyong mga susunod na tunay, palaban, at makabayang konsehal ng Kolehiyo!

COUNCILOR:
🔻 CURIA, Harold - People's Advocacy, Research, and Campaign (PARC) Committee
🔻 DATO, Kurt Miguel I. - Gender Diversity and Inclusivity, Safe Spaces, and Culture (GDISSC) Committee
🔻 DELANTE, Christian Lloyd "Jandrik" Z. - Secretariat, Records, and Volunteer Corps (SeRV) Committee
🔻 ESPINA, Ja - Students' Rights and Holistic Welfare (STRAW) Committee
🔻 LICUP, Hazel - Finance, Logistics, and Linkages (FLL) Committee

Tungo sa kolehiyong tunay na naglilingkod sa sambayanan, Lingkod-Bayan, !



Ngayon | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA sa pagkundinar ng barat na budget ng PUP nilabas na National Expenditure Program n...
09/10/2026

Ngayon | Nakiisa ang SAMASA PUP CPSPA sa pagkundinar ng barat na budget ng PUP nilabas na National Expenditure Program ng tuta at pahiral na gubyerno ni BongBong Marcos.

NGAYON | Bilang bahagi ng ating Peasant Month celebration, kasalukuyang tayong nag-aaral ng ikalawang balangkas ng Lipun...
07/10/2026

NGAYON | Bilang bahagi ng ating Peasant Month celebration, kasalukuyang tayong nag-aaral ng ikalawang balangkas ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino; Ang Tatlong Salot.

Nandito kami sa E215, tara na! Pag-aralan natin ang lipunan!

Bilang bahagi ng ating Peasant Month celebration, dumalo at Magpadalo sa pag-aaral ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino.Di...
06/10/2026

Bilang bahagi ng ating Peasant Month celebration, dumalo at Magpadalo sa pag-aaral ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino.

Dito na kami sa W208, ikaw na lang hinihintay

STUDENT REPRESSION ALERT!Apat (4) na lider-estudyante ng University of Sto. Tomas (UST) ang isinuspinde ng Admin. Samant...
05/10/2026

STUDENT REPRESSION ALERT!

Apat (4) na lider-estudyante ng University of Sto. Tomas (UST) ang isinuspinde ng Admin. Samantala, si Sean Capara ng UST Central Student Council (UST CSS) ay walang batayang sinibak mula sa kaniyang puwesto. Kinilala ang mga estudyanteng nasuspinde bilang sina Raven Racelis, Ray Manuel, Dex Frogoso, at CSC PRO Sean Capalar.

Matatandaan na ang apat (4) na lider-estudyanteng ito ang inisyal nang inipit ng UST admin, matapos mapahiya ang Philippine Air Force (PAF) sa pagsusubok nitong lumapag sa loob ng UST at magkaroon ng programa.

Mariing kinukundina ng SAMASAPUP CPSPA at ng malawak na hanay ng mga Lingkod-bayan ang ano mang tipo ng pananakot at panggigipit sa mga lider-estudyante. Kadyat nating ipinapanawagan ang agarang pagpapasawalang bisa ng desisyong ito. Nanawagan din kami sa mga kapwa Lingkod-bayan na makiisa sa mga kabaro nila España sa pagkukundina sa UST admin at Philippine Air Force (PAF).


TUNAY. PALABAN. MAKABAYAN. Naniniwala ka ba na ang edukasyon ay karapatan na dapat natatamasa ng bawat kabataan? IF YES,...
22/05/2026

TUNAY.
PALABAN.
MAKABAYAN.

Naniniwala ka ba na ang edukasyon ay karapatan na dapat natatamasa ng bawat kabataan? IF YES, THIS OPPORTUNITY MAYBE FOR YOU!

Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayanan PUP College of Political Science and Public Administration (SAMASA PUP CPSPA) is a local chapter under SAMASA PUP, the leading student formation in the Polytechnic University of the Philippines established during 1982.

In line with SAMASA PUP’s principles, SAMASA PUP CPSPA firmly believes that education is a right and that there is a need to champion a nationalist, scientific, and mass-oriented education system. As a local chapter within the oldest and broadest party alliance at PUP, our foundation is built upon uniting the students and aligning their struggles with the struggles of the most basic sectors of Philippine society.

Learn from the masses and serve the people!
Join SAMASA PUP CPSPA now!

Scan the QR Code or Click the Link below!

https://forms.gle/5TLZZF2mAWZkqb4i7
https://forms.gle/5TLZZF2mAWZkqb4i7
https://forms.gle/5TLZZF2mAWZkqb4i7


Address

San Roque

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SAMASA PUP CPSPA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SAMASA PUP CPSPA:

Shortcuts

Share