LTO San Simon District Office

LTO San Simon District Office The Official page of LTO R3-San Simon District Office. Stay informed and engage with the LTO Community.

LTO MISSION - Rationalize the land transport services and facilities to effectively implement the various land transportation laws, rules and regulations. LTO VISION- A frontline agency showcasing fast and efficient public service for a progressive land transport sector.

๐Ÿš—๐Ÿ’™ ROAD SAFETY STARTS WITH YOU! ๐Ÿ’™๐Ÿš—Every decision behind the wheel can save a life.Stay alert, drive responsibly, and mak...
28/05/2026

๐Ÿš—๐Ÿ’™ ROAD SAFETY STARTS WITH YOU! ๐Ÿ’™๐Ÿš—

Every decision behind the wheel can save a life.
Stay alert, drive responsibly, and make safety your priority every time you hit the road.

โœ… Donโ€™t drink and drive
โœ… Keep a safe distance
โœ… Always use your turn signals

Remember: A few seconds of caution can prevent a lifetime of regret.

PUBLIC ADVISORYWORK SUSPENSION: Pursuant to Proclamation No. 1264, s. 2026, please be informed that LTO San Simon Distri...
25/05/2026

PUBLIC ADVISORY

WORK SUSPENSION: Pursuant to Proclamation No. 1264, s. 2026, please be informed that LTO San Simon District Office will be CLOSED on May 27, 2026 (Wednesday) in observance of Eid'l Adha.

Regular office operations will resume on May 28, 2026 (Thursday).

Thank you.

PUBLIC ADVISORYPursuant to Republic Act No. 8815, please be informed that LTO San Simon District Office will be CLOSED o...
06/05/2026

PUBLIC ADVISORY

Pursuant to Republic Act No. 8815, please be informed that LTO San Simon District Office will be CLOSED on May 7, 2026 (Thursday) in observance of Jose Abad Santos Day.

Regular office operations will resume on May 8, 2026 (Friday).

29/04/2026

๐Œ๐š๐ฒ ๐’๐ฎ๐ฆ๐›๐จ๐ง๐  ๐Š๐š? ๐ˆ-๐‘๐ž๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐Œ๐จ ๐Š๐š๐ฒ ๐‹๐“๐Ž ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ!
๐˜“๐˜›๐˜–, ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ข๐˜ฅ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ช๐˜ณ๐˜ฆ๐˜ฌ๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ด๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ถ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ฐ ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข-๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ โ€˜๐˜’๐˜ถ๐˜ธ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ต๐˜ถ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ธ๐˜ช๐˜ต๐˜ฉ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ ๐˜“๐˜›๐˜– ๐˜Š๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฆ๐˜งโ€™ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ถ๐˜ฎ

Bilang bahagi ng ika-anim na buwan ng mga naisagawang hakbang ng pamunuan, nagkaroon ng programang โ€œKuwentuhan with the LTO Chiefโ€ ang Land Transportation Office (LTO) na naglalayong magbigay ng malinaw at accessible na paliwanag sa publiko hinggil sa nga polisiya, reporma, at resulta ng operasyon ng ahensya. Tampok sa unang sesyon nang nasabing programa ang paglulunsad ng โ€œI-Report Mo Kay LTO Chief,โ€ isang direktang sumbungan na nagbibigay sa publiko ng mabilis at madaling paraan upang mag-ulat ng reklamo, katiwalian, o concern sa pamamagitan ng website na www.ireportmokayltochief.ph at opisyal na page/messenger nito na I-Report Mo Kay LTO Chief. Ang inisyatibong ito ay kaayon ng 7-point priority agenda ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, partikular sa pagpapalakas ng transparency, accountability, at agarang pagtugon sa mga hinaing ng publiko.

Sa ilalim ng โ€œI-Report Mo Kay LTO Chief,โ€ maaaring magsumite ang sinumang motorista o mamamayan ng kanilang ulat kaugnay ng operasyon, serbisyo, o kaugalian ng mga tauhan ng LTO, kabilang ang mga insidente ng road rage, mapanganib na pagmamaneho, at iba pang paglabag na naglalagay sa peligro sa kaligtasan sa kalsada. Ang mga matatanggap na sumbong ay agad na dadaan sa kaukulang beripikasyon upang matiyak na naaaksyunan ang bawat reklamo alinsunod sa umiiral na mga patakaran.

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na reporma ng ahensya upang palakasin ang accountability at gawing mas bukas ang komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at publiko.

Hinihikayat ng LTO ang publiko na gamitin ang โ€œI-Report Mo Kay LTO Chiefโ€ bilang isang responsableng paraan ng pakikilahok upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at mabisang sistema ng transportasyon sa bansa.

29/04/2026

๐‹๐“๐Ž ๐‚๐‡๐ˆ๐„๐… ๐ˆ๐๐ˆ๐๐€๐†-๐”๐“๐Ž๐’ ๐€๐๐† ๐€๐†๐€๐‘๐€๐๐† ๐๐€๐†๐’๐ˆ๐๐€๐Š ๐’๐€ ๐€๐๐€๐“ ๐๐€ ๐๐‚๐‘ ๐‹๐€๐– ๐„๐๐…๐Ž๐‘๐‚๐„๐‘๐’ ๐๐€ ๐’๐€๐๐†๐Š๐Ž๐“ ๐’๐€ ๐๐€๐๐†๐Ž๐๐†๐Ž๐“๐Ž๐๐†

Sinibak sa kanilang kasalukuyang puwesto ang apat (4) na Law Enforcement Officers ng Land Transportation Officeโ€“National Capital Region (LTO-NCR) kaugnay ng kanilang pagkakasangkot sa isang insidente ng pangingikil na naganap noong Abril 23, 2026, sa kahabaan ng C3 Road sa Navotas City.

Alinsunod sa isang pormal na kautusan, inatasan ang mga nasabing tauhan na isuko ang lahat ng law enforcement paraphernalia at iba pang pananagutan sa Operations Division sa loob ng 24 na oras mula sa pagtanggap ng kanilang relief at reassignment orders, ayon sa umiiral na mga pamantayan.

Binigyang-diin ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang matibay na paninindigan ng ahensya laban sa anumang uri ng maling asal sa hanay nito. Aniya, ang pagsugpo sa katiwalian ay nananatiling pangunahing bahagi ng kanyang 7-Point Priority Agenda.

โ€œHindi kukunsintihin ng LTO ang anumang pang-aabuso sa kapangyarihan. Nananatili kaming nakatuon sa pagtiyak na ang aming mga kawani ay ginagampanan ang kanilang tungkulin nang may pinakamataas na antas ng integridad at propesyonalismo,โ€ pahayag ni Lacanilao.

Tiniyak din niya sa publiko na magsasagawa ang ahensya ng masusi at patas na imbestigasyon, at ang sinumang mapatunayang may pananagutan ay haharap sa kaukulang administratibo at legal na parusa.

Bilang bahagi ng patuloy na pagsulong ng pananagutan, transparency, at kaligtasan sa kalsada, hinihikayat ng LTO ang publiko na iulat ang anumang insidente ng maling asal na kinasasangkutan ng kanilang mga tauhan.

16/04/2026

๐ˆ๐ ๐‘๐„๐’๐๐Ž๐๐’๐„ ๐“๐Ž ๐๐‘๐„๐’๐ˆ๐ƒ๐„๐๐“ ๐Œ๐€๐‘๐‚๐Ž๐’ ๐‰๐‘. ๐€๐๐ƒ ๐ƒ๐Ž๐“๐‘ ๐’๐„๐‚๐‘๐„๐“๐€๐‘๐˜ ๐‹๐Ž๐๐„๐™โ€™๐ฌ ๐ƒ๐ˆ๐‘๐„๐‚๐“๐ˆ๐•๐„๐’: ๐‹๐“๐Ž ๐„๐—๐“๐„๐๐ƒ๐’ ๐•๐€๐‹๐ˆ๐ƒ๐ˆ๐“๐˜ ๐Ž๐… ๐‹๐ˆ๐‚๐„๐๐’๐„๐’ ๐€๐๐ƒ ๐‘๐„๐†๐ˆ๐’๐“๐‘๐€๐“๐ˆ๐Ž๐, ๐–๐€๐ˆ๐•๐„๐’ ๐๐„๐๐€๐‹๐“๐ˆ๐„๐’ ๐“๐Ž ๐„๐€๐’๐„ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐๐”๐‘๐ƒ๐„๐

In line with the directive of President Ferdinand R. Marcos Jr. and memorandum of Department of Transportation Secretary Giovanni Z. Lopez, and pursuant to the declaration of a State of National Energy Emergency, the Land Transportation Office (LTO) announces the extension of validity for documents expiring beginning April 2026 for a period of three (3) months.

This measure aims to ease the burden of the public amid the rising costs of fuel and basic commodities, giving motorists sufficient time to comply without additional financial strain.

Covered by this directive are:
โ€ข Driverโ€™s and Conductorโ€™s Licenses
โ€ข Student-Driverโ€™s Permits
โ€ข Motor Vehicle Registration

During the extended period, no surcharges, penalties, or fines will be imposed for late renewal.

06/04/2026

๐ƒ๐‘๐ˆ๐•๐„๐‘ ๐๐€ ๐๐€๐๐€๐Š๐ˆ๐“ ๐๐† ๐ˆ๐’๐€๐๐† ๐†๐€๐’๐Ž๐‹๐ˆ๐๐„ ๐†๐ˆ๐‘๐‹, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐€๐“ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€ ๐€๐๐† ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐

Nag-isyu ng Show Cause Order (SCO) ang LTO laban sa may-ari at driver ng Toyota Innova kaugnay ng insidente sa Bacoor, Cavite kung saan nakuhanan ng video na naninigaw, nanakot, at nanakit ang driver sa empleyado ng gasolinahan dahil sa hindi pagkakaunawaan sa transaksyon.

Dahil dito, agad na isinuspinde sa loob ng 90 araw ang lisensya ng driver at ang sasakyan naman ay inilagay sa alarm status habang patuloy ang imbestigasyon.

Ayon sa SCO, inaatasan silang humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division (IID) upang magbigay ng paliwanag kung bakit hindi dapat parusahan ang driver dahil sa paglabag sa batas trapiko bilang Improper Person to Operate a Motor Vehicle.

Paalala ng LTO na ang hindi pagharap ay ituturing na pagpayag na ituloy ang proseso at magdedesiyon ang ahensya base sa mga ebidensya. Maaari sila kumuha ng abogado sa araw ng pagdinig.

06/04/2026

๐๐€๐“๐€ ๐๐€ ๐๐ˆ๐๐€๐†๐Œ๐€๐๐„๐‡๐Ž ๐๐† ๐“๐‘๐”๐‚๐Š, ๐ˆ๐๐ˆ๐’๐˜๐”๐‡๐€๐ ๐๐† ๐’๐‡๐Ž๐– ๐‚๐€๐”๐’๐„ ๐Ž๐‘๐ƒ๐„๐‘ ๐๐† ๐‹๐“๐Ž ๐€๐๐† ๐Œ๐€๐˜-๐€๐‘๐ˆ ๐€๐“ ๐ˆ๐๐€๐‹๐€๐‘๐Œ๐€ ๐€๐๐† ๐’๐€๐’๐€๐Š๐˜๐€๐

Nag-isyu ng Show Cause Order ang LTO laban sa rehistradong may-ari at nakatalagang driver ng Hino Truck kaugnay ng video na kumakalat sa social media kung saan nakuhanan ang isang bata na nagmamaneho ng nasabing mabigat na sasakyan.

Dahil dito, agad na isinuspinde sa loob ng 90 araw ang lisensya ng nakatalagang driver nito, habang ang truck naman ay inilagay sa alarm status.

Inaatasan silang humarap sa LTO Intelligence and Investigation Division (IID) upang magbigay ng paliwanag ukol sa mga paratang na Reckless Driving, paglabag sa batas ukol sa Children in Rear Seats, at pagiging Improper Person to Operate a Motor Vehicle. Maaari sila kumuha ng abogado sa araw ng pagdinig ng kaso.

Paalalla ng LTO na ang hindi pagharap ay ituturing na pagpayag na ituloy ang proseso at pagpapasiyahan ang kaso base sa mga ebidensya.

02/04/2026

๐๐”๐๐‹๐ˆ๐‚ ๐€๐ƒ๐•๐ˆ๐’๐Ž๐‘๐˜

In Observance of Holy Week 2026

In accordance with Proclamation No. 1006, the Land Transportation Office (LTO) announces that all its offices will be closed to the public on April 2, 2026 (Maundy Thursday) and April 3, 2026 (Good Friday), as these are declared regular holidays.

Operations will resume on April 6, 2026 (Monday).

We encourage the public to plan their transactions accordingly and take this time to observe the holy week with reverence.

Keep safe on the road!

Address

Global Plaza/San Simon
San Simon
2015

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639275891196

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LTO San Simon District Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to LTO San Simon District Office:

Share