02/09/2026
PATULOY PARIN ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN PARA SA ATING MGA KABABAYAN
Sa kabila ng anumang hamon at kalagayan ng panahon, patuloy na naglilingkod ang Rural Health Unit San Simon upang matugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng ating mga mamamayan.
Patuloy din ang pagbibigay ng Doxycycline para maiwasan ang banta ng Leptospirosis at mga essential medicines sa mga residenteng nangangailangan,Nutritional Assessment, Online Consultation, Online Prescription, alinsunod sa wastong assessment at gabay ng ating mga health personnel. Patuloy din ang Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity, pagbibigay ng Vitamin A, at RUSF ( Ready to use supplemental food) at micronutrient powder.
📢 PANAWAGAN SA PUBLIKO
Ang mga residenteng nangangailangan ng konsultasyong medikal, serbisyong pangkalusugan, o agarang assessment ay pinapayuhang makipag-ugnayan sa ating mga health personnel o barangay health workers upang mabigyan ng nararapat na atensyon at gabay.
RHU San Simon — Patuloy na Naglilingkod, Anuman ang Panahon, Para sa Kalusugan ng Mamamayan.