Honorable WONG Leonora

Honorable WONG Leonora Honorable Mayor Leonora Wong

Binabati po namin ang Lokal na Pamahalaan  ng San Simon sa panguguna ni Acting Mayor Leonora C. Wong at ng San Simon Rur...
10/12/2021

Binabati po namin ang Lokal na Pamahalaan ng San Simon sa panguguna ni Acting Mayor Leonora C. Wong at ng San Simon Rural Health Unit sa isang matagumpay na hakbanging ito.

Ang San Simon Isolation Facility po ay PhilHealth Accredited na bilang Community Isolation Unit. Isa po ito sa mga patunay na patuloy pa rin ang ating p**ikipaglaban upang maagapan at matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan sa San Simon sa banta ng Covid-19.

Patuloy po tayong sumunod sa mga minimum health protocols ng ating lokal na pamahalaan sa San Simon upang ang virus ay maiwasan



Atin pong ipanalangin ang kaluluwa ng yumaong si MR. ROGELIO "KAP JON" SALVADOR upang makamit niya ang hustisya at katah...
27/11/2021

Atin pong ipanalangin ang kaluluwa ng yumaong si MR. ROGELIO "KAP JON" SALVADOR upang makamit niya ang hustisya at katahimikan kasama ng ating Dakilang Lumikha šŸ™.

Taos-pusong p**ikiramay ang nais ipaabot ng lokal na pamahalaan ng San Simon sa mga naulila at naiwang kaanak ni Kap Jon.


BAKUNA FOR SIMONIANS UPDATE!Simula ng simulan ang pagbabakuna sa mga Simonians ay nakapagbigay na po ang San Simon DVAS ...
16/11/2021

BAKUNA FOR SIMONIANS UPDATE!

Simula ng simulan ang pagbabakuna sa mga Simonians ay nakapagbigay na po ang San Simon DVAS Center ng 46, 249 doses sa ating mga kababayan sa San Simon mula sa alokasyon ng Munisipyo at donasyon ng Pamahalaang Panlalawigan at ng iba't ibang ahensya at business sectors. Mula sa total na 46, 249 doses ng bakuna ay 35, 576 o 77% na dito ay naibakuna na sa ating mga kababayan. Mula sa 35, 576 na naibakuna ay 23, 602 o 66% dito ay 1st dose at 11, 974 o 34% ay para sa 2nd dose.

Ang bayan po ng San Simon ay may target na 41, 999 na mabakunahan na kung saan 60% nito ay nakatanggap na ng 1st dose at 29% nito at fully vaccinated na.

Taos pusong pasasalamat po ang nais iparating ng lahat ng opisyal at mamamayan ng San Simon sa San Simon Vaccination Team na pinangungunahan ni Dra. Marline Dela Rosa kasama ang mga Nurses, Medical at Technical Staffs at sa mga Barangay Health Workers at Nanay Community Workers. Saludo po kami sa inyo!

Pasasalamat din po ang nais ipaabot sa National at Provincial Government sa pangunguna nina Governor Dennis "Delta" Pineda at Vice Governor Lilia "Nanay" Pineda. Gayundin sa Global Aseana, NGCP at DOH. Maraming Salamat po!

Nais din po naming magpasalamat sa mga Department Heads ng San Simon, Sangguniang Bayan Members, PNP, BFP at mga empleyado ng San Simon sa pangunguna at inisyatibo ni Acting Mayor Leonora C. Wong. Maraming salamat po!

Lagi po nating tatandaan na ligtas at epektibo ang lahat ng mga bakuna. Ibayong pag-iingat at disiplina ang kailangan kalakip ng panalangin sa Dakilang Lumikha ang dapat nating panatilihin.

Marami pa po tayong hamon na haharapin at hindi pa tapos ang ating laban sa banta ng Covid-19, nawa'y tayo ay magsama-sama at magtulung-tulong para sa herd immunity at safe and healthy San Simon!

Sa kabila ng ilang pagluwang ng ilang mga health protocols, panatilihin po natin ang disiplina at pagsunod pa rin sa mga minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask at pagpapanatili ng social distancing upang tayo ay makaiwas sa virus.

Gawin po nating Covid-19 free at virus free ang bayan ng San Simon. Sa iyo magsisimula ang disiplina kabalen!





BAKUNA DRIVE!Upang lalo pang mapabilis at dumami ang bilang ng mga Bakunadong Simonians,  naglunsad ang lokal na pamahal...
16/11/2021

BAKUNA DRIVE!

Upang lalo pang mapabilis at dumami ang bilang ng mga Bakunadong Simonians, naglunsad ang lokal na pamahalaan ng San Simon sa inisyatibo ni Acting Mayor Leonora Wong ng Bakuna Drive.

Ang Bakuna Drive ay nagsimula kanina Nobyembre 16, 2021 hanggang Disyembre 1, 2021, 8am -5pm sa G24 Warehouse, Quezon Road, San Pablo Propio, San Simon, Pampanga.

Layunin ng nasabing programa na palawigin pa ang pagbabakuna sa ating mga kababayan upang tayo ay magkaroon ng proteksyon sa banta ng mapanganib na Covid-19.

Ang Bakuna Drive ay bukas para sa lahat ng mga Simonians na hindi pa nababakunahan, ito man ay mula sa barangay, pambuliko at pampribadong ahensya sa ating bayan.

Lagi po nating tatandaan na ligtas at epektibo ang anumang uri ng bakuna. Ito po ang isa sa magiging panangga natin laban sa Covid-19. Patuloy din po tayong sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing. Patuloy din po tayong manalangin sa ating Dakilang Lumikha upang tayo ay magabayan sa araw-araw na gawain.

Tandaan, kapag ligtas ang pamilya, ligtas din ang bayan!




AYUDA PARA SA SENIOR CITIZENS NG SAN SIMON!Kasalukuyan pong ginaganap ang pamimigay ng ayuda sa ating mga Senior Citizen...
16/11/2021

AYUDA PARA SA SENIOR CITIZENS NG SAN SIMON!

Kasalukuyan pong ginaganap ang pamimigay ng ayuda sa ating mga Senior Citizens o Social Pension sa Bayan ng San Simon sa pangunguna ni Acting Mayor Leonora Wong, Ms. Arminda Abenoja, MSWDO at Ms. Evelyn Simbulan, OSCA ngayong araw Nobyembre 16, 2021 sa Sto. Nino Covered Court.

Ang kabuuang bilang ng mga Senior na makakakuha ng 3,000 pesos bawat isa ay 285 ay base sa master listing at kalakip na kwalipikasyon ng Social Pension.

Upang dagdagan ang tuwa at sigla ng mga benepisyaryo ay mamimigay din ng Food Packs ang lokal na pamahalaan na binigyang inisyatibo ni Acting Mayor Wong.

Paalala po na ang programa ay sumusunod sa mga minimum health protocols batay na rin sa MIATF rules.



RESBAKUNA UPDATE!1,134 (1st dose) na po ang bilang ng mga nabakunahang menor de edad sa bayan ng San Simon simula noong ...
16/11/2021

RESBAKUNA UPDATE!

1,134 (1st dose) na po ang bilang ng mga nabakunahang menor de edad sa bayan ng San Simon simula noong Nobyembre 4, 2021 hanggang Nobyembre 12, 2021.

Pinapaalalahanan pa rin po ang lahat na sumunod sa minimum health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at pagpapanatili ng social distancing.

Para sa karagdagang impormasyon, maaaring p**i bisita ang RHU San Simon page. https://www.facebook.com/San-Simon-Rural-Health-Unit-102818001658997


Anunsiyo sa Publiko! Iskedyul ng Bakuna sa Nobyembre 16-19, 2021 sa San Simon DVAS Center,  Government Center,  Sto. NiƱ...
13/11/2021

Anunsiyo sa Publiko!

Iskedyul ng Bakuna sa Nobyembre 16-19, 2021 sa San Simon DVAS Center, Government Center, Sto. NiƱo, San Simon, Pampanga.

Paalala po magdala ng ballpen at magsuot ng facemask at faceshield at panatilihin ang social distancing.
Pakidala po ang inyong vaccination card para sa mga 2nd dose.


EXECUTIVE ORDER NO. '21-027SUSPENSION OF WORK IN ALL GOVERNMENT OFFICES AND CLASSES IN ALL LEVELS,  BOTH PUBLIC AND PRIV...
11/11/2021

EXECUTIVE ORDER NO. '21-027

SUSPENSION OF WORK IN ALL GOVERNMENT OFFICES AND CLASSES IN ALL LEVELS, BOTH PUBLIC AND PRIVATE SCHOOLS, IN THE MUNICIPALITY OF SAN SIMON, PAMPANGA ON NOVEMBER 15, 2021- THE CELEBRATION OF SAN SIMON DAY OR THE 250TH FOUNDING ANNIVERSARY OF THE MUNICIPALITY.

Address

San Simon
2015

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Honorable WONG Leonora posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Honorable WONG Leonora:

Share

Category