26/07/2026
๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐จ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ญ๐ฒ ๐๐๐๐๐ฌ ๐๐ฌ๐ฌ๐๐ฌ๐ฌ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฎ๐ซ๐ฏ๐๐ฒ ๐๐จ๐ซ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐จ๐ฉ๐จ๐ฌ๐๐ ๐๐ง๐ง๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ง๐ฏ๐๐ฌ๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ฅ๐๐ง (๐๐๐) ๐
๐ ๐๐๐๐
Bilang bahagi ng pagsusulong ng 10-Point Agenda ng Lokal na Pamahalaan ng San Simon, partikular sa Accountable and Transparent Governance, Approachable and Responsive Public Service, at Neighborhood and Barangay Development, sa pangunguna ni Acting Mayor Anne Canlas, inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng San Simon ang lahat ng mamamayan na makilahok sa Community Needs Assessment Survey bilang bahagi ng paghahanda ng Proposed Annual Investment Plan (AIP) para sa Taong 2027.
Layunin ng survey na ito na matukoy ang mga prayoridad na pangangailangan ng bawat barangay at komunidad upang magsilbing batayan sa pagbuo ng mga programa, proyekto, at mga gawaing isasama sa Annual Investment Plan ng ating bayan.
Mahalaga ang inyong mga mungkahi at pananaw sa isang participatory at evidence-based planning process upang matiyak na ang mga programang ipatutupad ng Lokal na Pamahalaan ay tunay na nakabatay sa pangangailangan ng mamamayan.
๐ Sagutan ang survey sa pamamagitan ng pag-scan ng QR Code na nasa ibaba ng poster o sa pagbisita sa:
๐ https://forms.gle/Bw4BdssJsStGEYz67
Ang lahat ng impormasyong inyong ibabahagi ay gagamitin lamang para sa layunin ng pagpaplano at mananatiling kumpidensyal alinsunod sa mga umiiral na batas at patakaran.
Ang inyong pakikilahok ay mahalagang hakbang tungo sa isang mas maunlad, mas maayos, at mas inklusibong Bayan ng San Simon.
Planning and Development Office - San Simon