Government of Barangay Calsapa - San Teodoro Oriental Mindoro

Government of Barangay Calsapa - San Teodoro Oriental Mindoro Government of Barangay Calsapa

Pabatid sa PublikoSa lahat po ng sumuong sa baha, magtungo po sa Rural Health Unit San Teodoro para po mabigyan ng Doxyc...
19/08/2026

Pabatid sa Publiko

Sa lahat po ng sumuong sa baha, magtungo po sa Rural Health Unit San Teodoro para po mabigyan ng Doxycycline

Ctto Tribune

19/08/2026

Rescue Operation 🚨

Rescuer:
Hon. Emer Abutan
Hon. Eric Aclan
Barangay Tanod Joker Suazo
Barangay Tanod Robert Populi

19/08/2026

PABATID SA PUBLIKO
Barangay Calsapa Hotline: 09509445673

San Rafael & Crossing: Hon. Alex Aparato
Nagpatay: Hon. Rian Perez
Proper 1: Hon. Joseph Bisa
Proper 2: Hon. Emerson Abutan
Duluhan: Hon. Eric Aclan
Agsambalilo: Hon. Recto Cruzat

Marami po nagtatanong at nagtataka bakit daw po wala assign na konsehal sa Sitio Ibuye?

Pansamantala po na kung sino po ang available na mga Barangay Officials sa oras ng kalamidad o may problema po maaari po tawagan ang Barangay Hotline at kung sino po duty sa araw na yon o available po sa araw na yon na mga Barangay Officials ay sila po ang tutungo sa Sitio Ibuye. Ang isa po sa mga konsehal ng Barangay Calsapa ay hindi pa po pansamantala pinahihintulutan ng DILG na dumuty sa Barangay kung kaya't kami po ay nasunod sa DILG. Sana po maunawaan ninyo . Maraming salamat po.

19/08/2026

Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng ating Barangay.

Lubos na nagpapasalamat ang Government of Barangay Calsapa sa mga naging katuwang sa paghahanda, pagluluto, at pamamahagi ng pagkain para sa ating mga evacuees at pag-ta-tala ng mga evacuees—sina Secretary Marissa Dimaculangan, Treasurer Ednalyn Alpay, at Mrs. Loleny Aday.

Maaaring wala man tayong larawan ng bawat sandali, ngunit mananatili ang pasasalamat sa bawat tulong, oras, at effort na inyong ibinahagi.

Maraming salamat sa malasakit at pakikiisa. Tunay na bayanihan at pagtutulungan ang susi sa pagbangon ng ating Barangay.

Pagpapala at Paglilinis sa Lined Canal, Isinagawa sa Sitio Nagpatay, Barangay CalsapaNagsagawa ng pagpapala at paglilini...
19/08/2026

Pagpapala at Paglilinis sa Lined Canal, Isinagawa sa Sitio Nagpatay, Barangay Calsapa

Nagsagawa ng pagpapala at paglilinis sa pangunguna ni Kapitan Larry Abutan, kasama ang mga Barangay Officials na sina Konsehal Recto Cruzat, Konsehal Eric Aclan, Konsehal Emer Abutan, at Konsehal Alex Aparato.

Isinagawa ang hakbang na ito matapos ang malakas na ulan kahapon na nagdulot ng pag-ipon ng putik at mga bato sa daanan at sa Lined Canal. Layunin nitong matiyak ang ligtas na pagdaan ng mga residente at maayos na daloy ng tubig sa kanal.

Ang Lined Canal ay isa sa mga proyektong isinagawa ng Barangay Calsapa upang makatulong sa maayos na daloy ng tubig at maiwasan ang pagbabara at pagbaha sa lugar.

Maraming salamat sa mga barangay officials at residente sa kanilang pagtutulungan para sa kaligtasan at kapakanan ng komunidad.

Kumuha ng litrato: Kapitan Larry Abutan

18/08/2026

Patuloy po ang pag-buhos ng ulan. Ingat po ang lahat.

MULI PONG PAALALA HUWAG NA PO MAGHINTAY NA UMABOT PA SA LOOB NG BAHAY ANG BAHA BAGO MAG-EVACUATE. ITO PO AY PAALALA PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT. SUMUNOD PO AT MAKIISA SA LAHAT NG MGA OPISYAL AT RESCUER. LUMIKAS NA PO NG MAAGA LALO NA SA MGA MALAPIT SA ILOG O MADALING TUMAAS ANG TUBIG.

HUWAG NA PO HINTAYIN NA KAYO AY MAABISAHAN BAGO PO LUMIKAS PARA PO SA GAYON AY HINDI NA RIN MALAGAY SA PANGANIB ANG ATING MGA RESCUER. KUNG ALAM NIYO PO NA KAYO AY NASA MABABANG LUGAR MAGKUSA NA PO TAYONG MAG-EVACUATE SANA PO MAUNAWAAN ITO NG LAHAT. MAKINIG AT SUMUNOD PO ANG BAWAT ISA SA ORAS NG KALAMIDAD.

📌Barangay Calsapa Hotline: 09509445673

San Rafael & Crossing: Hon. Alex Aparato
Nagpatay: Hon. Rian Perez
Proper 1: Hon. Joseph Bisa
Proper 2: Hon. Emerson Abutan
Duluhan: Hon. Eric Aclan
Agsambalilo: Hon. Recto Cruzat

📌Narito ang mga opisyal na emergency hotlines na maaaring lapitan kung may baha, landslide, pagkasira ng bahay, o iba pang sakuna.

📞 I-save ang mga numerong ito at ibahagi rin sa inyong pamilya at kapitbahay.

MUNICIPAL DISASTER RISK REDUCTION OFFICE
09750533143
09637414109

SAN TEODORO MUNICIPAL HEALTH OFFICE
09667515691

SAN TEODORO MUNICIPAL POLICE STATION
09985985826

SAN TEODORO BUREAU OF FIRE PROTECTION
09668918501

PROVINCIAL MOBILE FORCE COMPANY
09569113917
09190937990

MUNICIPAL AGRICULTURE OFFICE
09276974479

Sa kabila ng walang tigil na ulan, pinagpatuloy parin ang Immunization sa ating Barangay. Maraming salamat po RHU San Te...
18/08/2026

Sa kabila ng walang tigil na ulan, pinagpatuloy parin ang Immunization sa ating Barangay.

Maraming salamat po RHU San Teodoro at Barangay Health Workers ng Barangay Calsapa.

Lagay sa Sitio Ibuye, Barangay Calsapa Personal na binisita ni Hon. Karen Ponce Miranda, kasama ang SK Chairperson na si...
18/08/2026

Lagay sa Sitio Ibuye, Barangay Calsapa

Personal na binisita ni Hon. Karen Ponce Miranda, kasama ang SK Chairperson na si Hon. Ma Rhoda Xahara Puras, ang Sitio Ibuye, Barangay Calsapa upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng lugar, partikular ang lagay ng ilog.

Una ng binisita ito ni Konsehal Eric Aclan at Konsehal Jojo Bisa.

Patuloy ang pagbisita sa mga komunidad upang maisulong ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

18/08/2026

Lagay sa Sitio Ibuye, Barangay Calsapa

Personal na binisita ni Hon. Karen Ponce Miranda, kasama ang SK Chairperson na si Hon. Ma Rhoda Xahara Puras, ang Sitio Ibuye, Barangay Calsapa upang alamin ang kasalukuyang kalagayan ng lugar, partikular ang lagay ng ilog.

Una ng binisita ito ni Konsehal Eric Aclan at Konsehal Jojo Bisa.

Patuloy ang pagbisita sa mga komunidad upang maisulong ang kanilang kaligtasan at kapakanan.

Address

Proper 1 Barangay Calsapa
San Teodoro
5202

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Government of Barangay Calsapa - San Teodoro Oriental Mindoro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share