18/08/2026
RESCUE OPERATION | BARANGAY CALSAPA
๐ธ Nag-iisang larawan na aming nakuhanan habang nagsasagawa ng rescue operation sa ating barangay.
Hindi na nakakuha pa ng karagdagang larawan dahil sa patuloy na pagtaas ng baha pasado alas-dos ng hapon, kasabay ng patuloy na paglakas ng ulan. Sa kabila nito, buong tapang na sumuong sa baha upang magbigay ng pangalawang abiso sa ating mga mamamayan sina Konsehal Emer Abutan at SK Ma. Rhoda Xahara Puras, kasama ang ating mga Barangay Tanod na sina Joker Suazo at Robert Populi kaiisa ang MDRRMO.
Samantala, ang unang nagbigay ng abiso bandang alas-nuwebe ng umaga ay sina Konsehal Alex Aparato, Konsehal Recto Cruzat, at Konsehal Jojo Bisa, upang agad na maipabatid sa ating mga kabarangay ang sitwasyon at ang kinakailangang pag-iingat.
Gayundin, nagsagawa ng rescue operation sa Sitio Nagpatay ang mga Barangay Officials na sina Konsehal Eric Aclan at Konsehal Emer Abutan, kasama ang ating mga Barangay Tanod na sina Joker Suazo at Robert Populi kaiisa ang MDRRMO.
Maraming salamat sa lahat ng mga opisyal at MDRRMO SAN TEODORO lalo't higit kay Mayor Karen Ponce Miranda na patuloy na nagseserbisyo at tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kabarangay, lalo na sa ganitong oras ng kalamidad.
Sa bawat pagtaas ng tubig, sama-sama tayong kumikilos. Serbisyo at kaligtasan ng mamamayan ang pangunahing layunin.
MULI PONG PAALALA HUWAG NA PO MAGHINTAY NA UMABOT PA SA LOOB NG BAHAY ANG BAHA BAGO MAG-EVACUATE. ITO PO AY PAALALA PARA SA KALIGTASAN NG LAHAT. SUMUNOD PO AT MAKIISA SA LAHAT NG MGA OPISYAL AT RESCUER. LUMIKAS NA PO NG MAAGA LALO NA SA MGA MALAPIT SA ILOG O MADALING TUMAAS ANG TUBIG.
HUWAG NA PO HINTAYIN NA KAYO AY MAABISAHAN BAGO PO LUMIKAS PARA PO SA GAYON AY HINDI NA RIN MALAGAY SA PANGANIB ANG ATING MGA RESCUER. KUNG ALAM NIYO PO NA KAYO AY NASA MABABANG AREA MAGKUSA NA PO TAYONG MAG-EVACUATE SANA PO MAUNAWAAN ITO NG LAHAT. MAKINIG AT SUMUNOD PO ANG BAWAT ISA SA ORAS NG KALAMIDAD.
------------------------------------------
Nasa larawan: Konsehal Emerson Abutan, Tanod Joker Suazo, at Tanod Robert Populi
Kumuha ng Litrato: SK Ma Rhoda Xahara Puras at Ms. Erica Carandang