11/08/2026
๐๐ข๐ก๐๐ฅ๐๐ง๐จ๐๐๐ง๐๐ข๐ก๐ฆ, Nutripage Food Products Trading!
Taos-puso kong binabati si Ms. Jeriza Kristine D. Page at ang Nutripage Food Products Trading, sa pagiging kabilang sa Top 10 Winners ng BPI Foundation SINAG Beyond, na ginanap noong August 3โ6, 2026.
Isang malaking karangalan para sa ating bayan na makita ang isang Teodorean na kinikilala hindi lamang dahil sa husay sa pagnenegosyo, kundi dahil ginagamit din ang kanyang negosyo upang magbukas ng oportunidad at makatulong sa ating mga katutubong komunidad sa Oriental Mindoro.
Ang tagumpay na ito ay patunay na ang isang negosyo ay maaaring maging higit pa sa pagkakakitaan, maaari itong maging daan upang mapalago ang ating mga lokal na produkto, masuportahan ang ating mga magsasaka at katutubong komunidad, at makalikha ng mas maraming oportunidad para sa ating mga kababayan.
Jeriza, ipinagmamalaki natin ang iyong sipag, malasakit, at vision na umunlad habang may kasamang ibang umaangat.
Para naman sa mga gustong tikman ang kanilang healthy snacks at products, matatagpuan ang store ng Nutripage Food Products Trading sa E and B Farm, Barangay Ilag, San Teodoro. Suportahan natin ang ating mga lokal na produkto at negosyo.
Congratulations! Nawa'y maging inspirasyon ang iyong tagumpay sa marami pang Teodorean entrepreneurs na may pangarap at pusong maglingkod sa komunidad. ๐ฑ๐ฉท