San Teodoro Public Information Office

San Teodoro Public Information Office Official page of
Municipality of San Teodoro. Providing truthful and timely information to every citizen.

We promote transparency, good governance, and open communication in the service of the public.

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ, ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—˜๐—ข๐——๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ก July 31, 2026 | Naging matagumpay ang isinagawang Libreng Serbisyong Le...
07/08/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ, ๐—›๐—”๐—ง๐—œ๐—— ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—˜๐—ข๐——๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ก

July 31, 2026 | Naging matagumpay ang isinagawang Libreng Serbisyong Legal ng Public Attorney's Office (PAO) para sa mga mamamayan ng San Teodoro na ginanap sa Municipal Lobby, Municipal Grounds.

Sa pamamagitan ng programang ito, nabigyan ng pagkakataon ang mga Teodorean na makapagkonsulta nang libre sa iba't ibang usaping legal, kabilang ang legal advice sa mga usapin sa lupa, pamilya, ari-arian, at iba pang legal na concern, gayundin ang libreng notaryo, pagpapagawa ng affidavit, at tulong sa correction of birth certificate.

Layunin ng programang ito na mailapit ang serbisyong legal sa mamamayan at matiyak na ang bawat Teodorean ay may akses sa tamang gabay at serbisyong kinakailangan upang mapangalagaan ang kanilang mga karapatan.

Lubos na nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan ng San Teodoro sa Public Attorney's Office (PAO) sa patuloy nitong paghahatid ng mga serbisyong legal na tunay na napapakinabangan ng ating mga kababayan.

The Municipality of San Teodoro proudly congratulates our Municipal Accountant, Ms. Shiela Dimaculangan, for being crown...
04/08/2026

The Municipality of San Teodoro proudly congratulates our Municipal Accountant, Ms. Shiela Dimaculangan, for being crowned Mrs. Legacy Crown Philippines - Culture & Heritage 2026 during the coronation held on July 25, 2026, at The Heritage Hotel, Pasay City.

Your achievement reflects grace, excellence, and a true commitment to public service. We are proud of you!

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ž๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—”๐—ž ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ง๐—œ๐—š๐——๐—”๐—ฆ-๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—กAlam mo ba? Ang ๐™ง๐™ช๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™–, na kilala rin bilang ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜€-๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป, ay isang sak...
04/08/2026

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ž๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—”๐—ž ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ง๐—œ๐—š๐——๐—”๐—ฆ-๐—›๐—”๐—ก๐—š๐—œ๐—ก

Alam mo ba? Ang ๐™ง๐™ช๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™–, na kilala rin bilang ๐˜๐—ถ๐—ด๐—ฑ๐—ฎ๐˜€-๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ถ๐—ป, ay isang sakit na dulot ng ๐™๐™ช๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™– ๐™ซ๐™ž๐™ง๐™ช๐™จ. Karaniwan itong may mild na sintomas, ngunit maaari itong maging lubhang mapanganib, lalo na sa mga buntis dahil maaari itong magdulot ng pagkalaglag o malulubhang kapansanan sa sanggol.

๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™จ๐™ž๐™ฃ๐™ฉ๐™ค๐™ข๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™ช๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™– ๐™ฃ๐™– ๐™™๐™–๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™—๐™–๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ:
- Lagnat
- Pamumula ng mata
- Kulani (Lymphadenopathies)
- Panghihina ng katawan
- Mapupulang pantal o rashes

๐™‹๐™–๐™–๐™ฃ๐™ค ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ ๐™ช๐™ข๐™–๐™ ๐™–๐™ก๐™–๐™ฉ?
Kumakalat ang rubella sa pamamagitan ng maliliit na patak ng laway kapag ang isang taong may sakit ay ๐˜‚๐—บ๐˜‚๐˜‚๐—ฏ๐—ผ o ๐—ฏ๐˜‚๐—บ๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ด.
Ang pinakamabisang proteksyon laban sa tigdas at rubella ay ang pagbabakuna. ๐—Ÿ๐—ถ๐—ฏ๐—ฟ๐—ฒ. ๐—Ÿ๐—ถ๐—ด๐˜๐—ฎ๐˜€. ๐—˜๐—ฝ๐—ฒ๐—ธ๐˜๐—ถ๐—ฏ๐—ผ

๐Ÿ“… Mula ๐—”๐˜‚๐—ด๐˜‚๐˜€๐˜ ๐Ÿญ๐Ÿฌโ€“๐Ÿฎ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, isasagawa sa Bayan ng San Teodoro ang ๐™ˆ๐™š๐™–๐™จ๐™ก๐™š๐™จ-๐™๐™ช๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™– ๐™Ž๐™ช๐™ฅ๐™ฅ๐™ก๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™„๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ (๐™ˆ๐™-๐™Ž๐™„๐˜ผ) kasabay ng ๐™‘๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐˜ผ ๐˜ผ๐™™๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ.

Hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na edad ๐Ÿฒ ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐Ÿฑ๐Ÿต ๐—ป๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐˜„๐—ฎ๐—ป sa pinakamalapit na Health Center, Barangay Health Station, o designated vaccination post sa inyong barangay.

Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Teodorean laban sa tigdas at rubella.

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ž๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—”๐—ž ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ง๐—œ๐—š๐——๐—”๐—ฆAlam mo ba? Ang ๐™ฉ๐™ž๐™œ๐™™๐™–๐™จ (๐™ข๐™š๐™–๐™จ๐™ก๐™š๐™จ) ay isang lubhang nakakahawang sakit na maaaring...
01/08/2026

๐—ฃ๐—ฅ๐—ข๐—ง๐—˜๐—ž๐—ง๐—”๐—›๐—”๐—ก ๐—”๐—ก๐—š ๐—œ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—”๐—ก๐—”๐—ž ๐—ž๐—ข๐—ก๐—ง๐—ฅ๐—” ๐—ง๐—œ๐—š๐——๐—”๐—ฆ

Alam mo ba? Ang ๐™ฉ๐™ž๐™œ๐™™๐™–๐™จ (๐™ข๐™š๐™–๐™จ๐™ก๐™š๐™จ) ay isang lubhang nakakahawang sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon tulad ng pulmonya, impeksyon sa tenga at mata, pamamaga ng utak, malnutrisyon, at sa malalang kaso ay maaari pang humantong sa pagkamatay.

Mga ๐˜€๐—ถ๐—ป๐˜๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐˜€ ng tigdas na dapat bantayan:
- Mataas na lagnat
- Pamumula ng mata
- Sipon
- Ubo
- Mapupulang pantal o rashes

Ang pinakamabisang proteksyon laban dito ay ang pagbabakuna. Libre. Ligtas. Epektibo.

๐Ÿ“… Mula ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฌโ€“๐Ÿฎ๐Ÿด, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, isasagawa sa Bayan ng San Teodoro ang ๐— ๐—ฒ๐—ฎ๐˜€๐—น๐—ฒ๐˜€-๐—ฅ๐˜‚๐—ฏ๐—ฒ๐—น๐—น๐—ฎ ๐—ฆ๐˜‚๐—ฝ๐—ฝ๐—น๐—ฒ๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฎ๐—น ๐—œ๐—บ๐—บ๐˜‚๐—ป๐—ถ๐˜‡๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐˜† (๐— ๐—ฅ-๐—ฆ๐—œ๐—”) kasabay ng
๐—ฉ๐—ถ๐˜๐—ฎ๐—บ๐—ถ๐—ป ๐—” ๐—”๐—ฑ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป.

Hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na dalhin ang kanilang mga anak na edad 6 hanggang 59 na buwan sa pinakamalapit na Health Center, Barangay Health Station, o designated vaccination post sa inyong barangay.

Huwag nating hintaying magkasakit ang ating mga anak bago tayo kumilos.

Sama-sama nating protektahan ang bawat batang Teodorean laban sa tigdas at rubella.

๐—ฃ๐—”๐—š๐—›๐—œ๐—›๐—œ๐—š๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—ข๐Ÿšฆ Bilang tugon sa sunod-sunod na mga aksidente sa kalsada, paiigtingin ng Pa...
31/07/2026

๐—ฃ๐—”๐—š๐—›๐—œ๐—›๐—œ๐—š๐—ฃ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ฃ๐—”๐—ฃ๐—”๐—ง๐—จ๐—ฃ๐—”๐—— ๐—ก๐—š ๐—•๐—”๐—ง๐—”๐—ฆ ๐—ง๐—ฅ๐—”๐—ฃ๐—œ๐—ž๐—ข

๐Ÿšฆ Bilang tugon sa sunod-sunod na mga aksidente sa kalsada, paiigtingin ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro ang pagpapatupad ng ๐— ๐—จ๐—ก๐—œ๐—–๐—œ๐—ฃ๐—”๐—Ÿ ๐—ข๐—ฅ๐——๐—œ๐—ก๐—”๐—ก๐—–๐—˜ ๐—ก๐—ข. ๐Ÿฌ๐Ÿณ-๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿญ na may titulong:

"๐˜ผ๐™ฃ ๐™Š๐™ง๐™™๐™ž๐™ฃ๐™–๐™ฃ๐™˜๐™š ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ซ๐™ž๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ช๐™ก๐™š๐™จ ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™๐™š๐™œ๐™ช๐™ก๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐™‚๐™ค๐™ซ๐™š๐™ง๐™ฃ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‘๐™š๐™๐™ž๐™˜๐™ช๐™ก๐™–๐™ง ๐™๐™ง๐™–๐™›๐™›๐™ž๐™˜ ๐™ž๐™ฃ ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ˆ๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™˜๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ก๐™ž๐™ฉ๐™ฎ ๐™ค๐™› ๐™Ž๐™–๐™ฃ ๐™๐™š๐™ค๐™™๐™ค๐™ง๐™ค, ๐™Š๐™ง๐™ž๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™ˆ๐™ž๐™ฃ๐™™๐™ค๐™ง๐™ค ๐™–๐™ฃ๐™™ ๐™‹๐™ง๐™ค๐™ซ๐™ž๐™™๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™š๐™ฃ๐™–๐™ก๐™ฉ๐™ž๐™š๐™จ ๐™›๐™ค๐™ง ๐™‘๐™ž๐™ค๐™ก๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐™๐™๐™š๐™ง๐™š๐™ค๐™›."

Layunin ng ordinansang ito na mapangalagaan ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada at maisulong ang kaayusan, seguridad, at kaginhawaan ng publiko. Saklaw nito ang lahat ng uri ng sasakyan, pati na ang mga drayber at may-ari ng mga sasakyang bumibiyahe o dumaraan sa Bayan ng San Teodoro.

โš ๏ธ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—ธ๐—ฎ๐˜€, ๐—”๐—ด๐—ผ๐˜€๐˜๐—ผ ๐Ÿญ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ, mahigpit nang ipatutupad ang mga probisyon ng ordinansa. Sa pakikipagtulungan ng PNP San Teodoro Municipal Police Station, sa pamumuno ni PCPT Arthur A Atiwag II, Officer-in-Charge, magkakaroon ng checkpoint operations at mas pinaigting na traffic enforcement upang matiyak ang pagsunod ng lahat ng motorista sa umiiral na mga batas trapiko.

Ang pagpapatupad na ito ay hindi upang manghuli at magpataw lamang ng parusa, kundi upang maiwasan ang aksidente, maprotektahan ang buhay ng bawat motorista at pasahero, at mapanatiling ligtas ang ating mga lansangan.

Hinihiling ang kooperasyon at disiplina ng bawat isa. Ang pagsunod sa batas trapiko ay pagsunod sa kaligtasan.

๐Ÿ“Œ Para sa kumpletong listahan ng mga traffic violations at kaukulang penalties, pakibasa ng kopya ng ordinansa na kalakip ng post na ito.

31/07/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—ง๐—”๐—ฆ-๐—ง๐—œ๐—š๐——๐—”๐—ฆ ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ง๐—˜๐—ข๐——๐—ข๐—ฅ๐—ข

Bilang inyong Punong Bayan, ang kalusugan at kinabukasan ng bawat batang Teodorean ay isa sa aking pinakamahalagang prayoridad.

Kaya naman buong puso kong hinihikayat ang lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na makiisa sa ๐™ˆ๐™š๐™–๐™จ๐™ก๐™š๐™จ-๐™๐™ช๐™—๐™š๐™ก๐™ก๐™– ๐™Ž๐™ช๐™ฅ๐™ฅ๐™ก๐™š๐™ข๐™š๐™ฃ๐™ฉ๐™–๐™ก ๐™„๐™ข๐™ข๐™ช๐™ฃ๐™ž๐™ฏ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ ๐˜ผ๐™˜๐™ฉ๐™ž๐™ซ๐™ž๐™ฉ๐™ฎ (๐™ˆ๐™-๐™Ž๐™„๐˜ผ) at ๐™‘๐™ž๐™ฉ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ ๐˜ผ ๐˜ผ๐™™๐™ข๐™ž๐™ฃ๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ na isasagawa ngayong Agosto 10โ€“28, 2026.

Kung ang inyong anak ay edad 6 hanggang 59 na buwan, dalhin sila sa pinakamalapit na Health Center, Barangay Health Station, o designated vaccination post upang mabakunahan.

โœ… Libre
โœ… Ligtas
โœ… Epektibo

Sa pamamagitan ng pagbabakuna, napoprotektahan natin hindi lamang ang ating sariling mga anak, kundi pati ang buong komunidad laban sa tigdas at rubella.

Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat batang Teodorean. Pag bakunado, protektado!

๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—œ๐—Ÿ ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒJuly 30, 2026 | Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang mas matatag at napapa...
31/07/2026

๐—Ÿ๐—ข๐—–๐—”๐—Ÿ ๐—ง๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—œ๐—ฆ๐—  ๐—–๐—ข๐—จ๐—ก๐—–๐—œ๐—Ÿ ๐— ๐—˜๐—˜๐—ง๐—œ๐—ก๐—š ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

July 30, 2026 | Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng isang mas matatag at napapanatiling sektor ng turismo, isinagawa ng Municipal Tourism, Culture and the Arts Office (MTCAO) ang Local Tourism Council Meeting 2026, kung saan tinalakay ang mga plano, programa, at mga susunod na hakbang para sa patuloy na pagpapaunlad ng turismo sa Bayan ng San Teodoro.

Dumalo sa pagpupulong si Punong Bayan Hon. Karen Ponce-Miranda, DMD, kasama ang mga Department Heads ng Lokal na Pamahalaan, mga miyembro ng Local Tourism Council, mga kinatawan ng Community-Based Sustainable Tourism Organizations (CBSTOs), mga tourism site owners at managers, at iba pang mga stakeholder ng sektor ng turismo.

Sa pangunguna ni Mr. Joel D. Plaza, Tourism Operations Officer I, tinalakay ang Local Tourism Development Plan (LTDP) 2027โ€“2030, kabilang ang mga pangunahing programa, proyekto, at mga inisyatibong magsisilbing gabay sa pagpapaunlad ng turismo sa susunod na apat na taon. Tinalakay rin ang mga nakalatag na aktibidad para sa pagdiriwang ng 98th Founding Anniversary ng Bayan ng San Teodoro.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Karen Ponce-Miranda ang kahalagahan ng sama-samang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at buong komunidad sa pagsusulong ng turismo. Ayon sa kanya, ang turismo ay isa sa mga pangunahing susi sa pag-unlad ng Bagong San Teodoro, kaya't hinikayat niya ang bawat isa na makiisa, mangarap, at magtulungan upang higit pang maipakilala ang likas na yaman, kultura, at mga natatanging destinasyon ng bayan.

๐—”๐—ฅ๐—•๐—ข๐—ฅ ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒJuly 31, 2026 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day, nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Pama...
31/07/2026

๐—”๐—ฅ๐—•๐—ข๐—ฅ ๐——๐—”๐—ฌ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

July 31, 2026 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day, nagsagawa ng Tree Planting Activity ang Pamahalaang Bayan ng San Teodoro sa Sitio Agsambalilo, Barangay Calsapa upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan at pagpapalawak ng forest cover sa bayan.

Pinangunahan ang aktibidad ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO), at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Rotary Club of West Naujan and Calapan, kasama ang 138 TUPAD beneficiaries.

Sa nasabing aktibidad, humigit-kumulang 1,500 mahogany seedlings, na handog ng Rotary Club of West Naujan and Calapan, ang naitanim bilang ambag sa reforestation efforts at pangangalaga sa kagubatan ng San Teodoro.

Patunay ang gawaing ito na sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng lokal na pamahalaan, mga katuwang na organisasyon, at ng komunidad, mas mapapalakas ang mga programang nagtataguyod ng pangangalaga sa kalikasan at isang mas luntian at mas matatag na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—˜๐—ข๐——๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ก โš–May legal concern ka ba? Huwag nang mag-atubiling sumangguni!Maghahandog...
30/07/2026

๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—•๐—œ๐—ฆ๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ฃ๐—”๐—ฅ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐— ๐—š๐—” ๐—ง๐—˜๐—ข๐——๐—ข๐—ฅ๐—˜๐—”๐—ก โš–

May legal concern ka ba? Huwag nang mag-atubiling sumangguni!

Maghahandog ang ๐—ฃ๐˜‚๐—ฏ๐—น๐—ถ๐—ฐ ๐—”๐˜๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ป๐—ฒ๐˜†'๐˜€ ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ฒ (๐—ฃ๐—”๐—ข) ng ๐™ก๐™ž๐™—๐™ง๐™š๐™ฃ๐™œ ๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™‡๐™š๐™œ๐™–๐™ก para sa mga mamamayan ng San Teodoro. Ito na ang pagkakataon upang makakuha ng tamang legal na payo at iba pang serbisyong legal nang libre.

๐™ˆ๐™œ๐™– ๐™Ž๐™š๐™ง๐™—๐™ž๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™œ ๐™ƒ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™™ ๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐˜ผ๐™Š:
โœ… Legal Advice (tungkol sa lupa, pamilya, ari-arian, at iba pang usaping legal)
โœ… Libreng Notaryo
โœ… Pagpapagawa ng Affidavit
โœ… Tulong sa Correction of Birth Certificate

๐Ÿ—“ Petsa: July 31, 2026
๐Ÿ•˜ Oras: 9:00 AM
๐Ÿ“ Lugar: Municipal Lobby, Municipal Grounds, San Teodoro

Huwag palampasin ang pagkakataong ito. Dalhin ang mga kinakailangang dokumento kaugnay ng inyong legal na concern upang mas maayos kayong matulungan.

Serbisyong legal na abot-kamay para sa bawat Teodorean, hatid ng Public Attorney's Office.

๐Ÿฐ๐Ÿด๐˜๐—ต ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฅ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒJuly 22, 2026 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rig...
28/07/2026

๐Ÿฐ๐Ÿด๐˜๐—ต ๐—ก๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐——๐—ถ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ๐—น๐—ถ๐˜๐˜† ๐—ฅ๐—ถ๐—ด๐—ต๐˜๐˜€ ๐—ช๐—ฒ๐—ฒ๐—ธ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ
July 22, 2026 | Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 48th National Disability Rights Week 2026 na may temang "Rights First, Legislation Forward: Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development," buong pusong ipinagdiwang ng Pamahalaang Bayan ng San Teodoro ang talento, kakayahan, at inspirasyong hatid ng ating mga kababayang Persons with Disabilities (PWDs).

Sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pamumuno ni Ma'am Annabelle H. Medina, MSWDO, katuwang si Sir Heidi A. Arenillo, PDAO Focal Person, at si Mrs. Marlyn A. Bernados, President ng Taga San Teodorong May Kapansanan (TSMK), naging tampok sa programa ang Search for Ms. National Disability Rights Week 2026, kung saan ipinamalas ng mga kandidata ang kanilang ganda, talento, at kumpiyansa. Sa pamamagitan ng kanilang mga pagtatanghal, muli nilang pinatunayan na ang kapansanan ay hindi hadlang upang maipamalas ang kanilang kakayahan at maging inspirasyon sa iba.

Narito ang mga nagwagi:
๐Ÿ‘‘ Ms. National Disability Rights Week 2026 โ€“ Title Holder
โ€ข Ms. Gracechel H. Tolentino โ€“ Barangay Tacligan
๐Ÿฅˆ 1st Runner-Up
โ€ข Ms. Janna Marie C. Magbuhos โ€“ Barangay Calsapa
๐Ÿฅ‰ 2nd Runner-Up
โ€ข Ms. Joyce B. Lugatic โ€“ Barangay Lumangbayan
๐Ÿ† Special Awards
โ€ข Best in Production โ€“ Barangay Tacligan
โ€ข Best in Talent โ€“ Barangay Calsapa
โ€ข Best in Casual Wear โ€“ Barangay Lumangbayan

Nagbigay rin ng mensahe ng inspirasyon si Mr. Reginaldo M. Tolentino, MPA, PDAO Focal Person ng LGU Pinamalayan, na nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagkilala, paggalang, at pagsusulong ng mga karapatan at kakayahan ng bawat PWD.

Dumalo rin sa pagdiriwang sina Sangguniang Bayan Members Hon. Josilyn C. Alpuerto at Hon. Isagani M. Lazo, na nagpahayag ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong nagpoprotekta at nagtataguyod sa kapakanan ng sektor ng PWD.

Ipinaabot naman ni Punong Bayan Hon. Karen Ponce-Miranda, DMD ang kanyang taos-pusong suporta sa ating mga kababayang PWD. Binigyang-diin niya na nananatiling prayoridad ng kanyang administrasyon ang pagsusulong ng mga programang nagbibigay ng pantay na oportunidad para sa lahat. Ipinaalala rin niya na ang kapansanan ay hindi kakulangan, kundi isang patunay ng katatagan, determinasyon, at kakayahang magtagumpay sa buhay.

Muling pinatunayan ng ating mga kababayang PWD na walang pinipiling kapansanan ang husay, talento, at kakayahang magtagumpay.

Address

Western Nautical Highway
San Teodoro
5202

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Teodoro Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share