04/09/2026
๐๐๐๐๐/๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Noong Setyembre 4, 2026, Isinagawa ng mga tauhan ng San Vicente Municipal Station ang OSAEC/CSAEM AWARENESS CAMPAIGN, bilang bahagi ng patuloy na kampanya upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga panganib sa online na mundo, isinagawa ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM) Awareness Campaign para sa mga mag-aaral ng New Canipo National High School.
Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga mag-aaral ng sapat na kaalaman tungkol sa mga panganib ng online sexual abuse at exploitation, kabilang ang maling paggamit ng social media at iba pang online platforms upang pagsamantalahan ang mga kabataan.
Binigyang-diin din sa talakayan ang kahalagahan ng pagiging mapanuri, maingat, at responsable sa paggamit ng internet, gayundin ang agarang pag-uulat sa mga kinauukulang awtoridad, magulang, g**o, o iba pang pinagkakatiwalaang nakatatanda kapag nakaranas o nakasaksi ng anumang uri ng online exploitation o pang-aabuso.
Sa pamamagitan ng ganitong mga programa, patuloy na isinusulong ang ligtas na online environment para sa bawat bata at pinapalakas ang kamalayan ng kabataan upang sila ay maging mas handa sa pag-iwas at pagprotekta sa kanilang sarili laban sa mga panganib sa cyberspace.