Information & Communication Section of San Vicente, Palawan

Information & Communication Section of  San Vicente, Palawan San Vicente, Palawan Information and Communications Section
(1)

๐…๐ฅ๐š๐  ๐‘๐š๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐žAktibong nakilahok ang mga kawani ng Lokal na ...
24/08/2026

๐…๐ฅ๐š๐  ๐‘๐š๐ข๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐‚๐ž๐ซ๐ž๐ฆ๐จ๐ง๐ฒ, ๐ˆ๐ฌ๐ข๐ง๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐Œ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ ๐š๐ฐ๐š ๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐ง๐  ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž

Aktibong nakilahok ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente sa isinagawang Flag Raising Ceremony, ngayong araw, ika- 24 ng Agosto, 2026, sa Municipal Ground ng San Vicente.

Dumalo sa seremonya ang ating butihing Ikalawang Punong Bayan, Kgg. Maria Carmen Libarra-Silagan, ating Sangguniang Bayan Members, Kgg. Rowell C. Molo, Kgg. Cesar Caballero, at Kgg. Eddie Yayen, kasama ang mga kawani ng ibaโ€™t ibang tanggapan ng ating munisipyo.

Samantala, nagbahagi rin ng mahahalagang anunsyo ang mga Department Heads mula sa kani-kanilang tanggapan upang maipabatid sa mga empleyado ang mga kasalukuyang gawain at aktibidad ng lokal na pamahalaan.

Nagbigay naman ng paalala si Vice Mayor Libarra-Silagan sa mga empleyado na bilang mga lingkod-bayan, mahalagang patuloy na gawin ang kanilang tungkulin nang maayos at magsikap na makagawa ng mga bagay na makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng San Vicente.


๐Œ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐๐‰๐Œ๐ ๐“๐š๐ฒ๐ญ๐š๐ฒ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐‰๐š๐ข๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ค๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จNagtungo sa opisina ng ating Punong Bayan, ngayong ar...
20/08/2026

๐Œ๐ ๐š ๐Š๐š๐ฐ๐š๐ง๐ข ๐ง๐  ๐๐‰๐Œ๐ ๐“๐š๐ฒ๐ญ๐š๐ฒ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐ญ๐ซ๐ข๐œ๐ญ ๐‰๐š๐ข๐ฅ, ๐๐š๐ ๐ญ๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ค๐š๐ฒ ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐๐š๐›๐ฅ๐ข๐œ๐จ

Nagtungo sa opisina ng ating Punong Bayan, ngayong araw, ika-20 ng Agosto, 2026, ang mga kawani ng BJMP Taytay District Jail upang personal na makausap si Mayor Ramir Rodriguez Pablico.

Ang nasabing pagbisita ay pinangunahan ni SJO4 Barbara G. Lim, Acting Jail Warden, kasama sina JO1 Jonel S. Buncag, Chief Operation Logistics; JO1 Yra O. Figueroa, Chief Admin/Records; JO1 John Keeply D. Cervantes, Chief Welfare and Development; JO1 Lovely Y. Cadlaon, CRS Officer; JO1 Nicole Rey Balofinos, Food Service Supervisor; at JO1 John Paul P. Jimenez, Paralegal JNOR.

Layunin ng kanilang pagbisita na makipag-ugnayan kay Mayor Pablico at humiling ng suporta para sa mga operasyon ng BJMP Taytay District Jail. Bahagi ito ng patuloy na pagtutulungan at koordinasyon ng ating lokal na pamahalaan at ng nasabing ahensya.


๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ฌ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ โ€” Bumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan Kgg. Ramir R. Pablico ang mga kawani ng Provincial Legal Off...
18/08/2026

๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ฌ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ โ€” Bumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan Kgg. Ramir R. Pablico ang mga kawani ng Provincial Legal Office sa pangunguna ni Atty. Mary Joy Cascara, Acting Provincial Legal Officer, kasama sina Atty. Caroline Legaspino, PCSD Lawyer; Atty. Ria Gabinete, PCSD Lawyer; Atty. Jan Vemer A. Ponce De Leon, PCSD Lawyer; Atty. Ariel A. Abis, PLO Lawyer; at SB Member Rowell C. Molo, ngayong araw, Agosto 18, 2026.

Ang pagbisita ay kaugnay ng isasagawang Libreng Legal na Konsultasyon at Libreng Notaryo para sa ating mga kababayang nangangailangan ng serbisyong legal.

Sa pamamagitan ng inisyatibang ito, mailalapit ng Pamahalaang Panlalawigan at Pamahalaang Lokal ang ganitong serbisyo sa ating mga kababayan nangangailangan ng wastong gabay at payo.


๐Œ๐๐’๐„๐, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‹๐ž๐ ๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž Lumahok ang mga kawani ng Municipal Public Safety ...
18/08/2026

๐Œ๐๐’๐„๐, ๐๐š๐ค๐ข๐ข๐ฌ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ซ๐จ๐ฏ๐ข๐ง๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐‹๐ž๐ ๐š๐ฅ ๐Ž๐ซ๐ข๐ž๐ง๐ญ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐’๐ž๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ซ ๐ฌ๐š ๐’๐š๐ง ๐•๐ข๐œ๐ž๐ง๐ญ๐ž

Lumahok ang mga kawani ng Municipal Public Safety and Enforcement Program (MPSEP) ng Lokal na Pamahalaan ng San Vicente sa Provincial Legal Orientation Seminar on Law and Enforcement na isinagawa ngayong araw, ika-18, 2026, Malagnang Room, Municipal Building, San Vicente, Palawan.

Dumalo rin sa aktibidad ang ating butihing Punong Bayan, Kgg. Ramir Rodriguez Pablico, kasama ang ating Sangguniang Bayan Member Kgg. Rowell C. Molo, na kapwa nagbigay ng espesyal na mensahe bilang bahagi ng pagbubukas ng programa.

Tinalakay sa nasabing programa ang mahahalagang batas na may kaugnayan sa pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa kapaligiran, kabilang ang P.D. 705 o Revised Forestry Code of the Philippines at Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Layunin ng aktibidad na higit pang mapalawak ang kaalaman ng mga kawani ng MPSEP sa mga umiiral na batas upang maging mas maayos at epektibo ang kanilang pagpapatupad ng mga tungkulin para sa kaayusan at kapakanan ng ating komunidad.


18/08/2026
[UPDATED] ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก at ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌInaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayan na dumalo sa i...
18/08/2026

[UPDATED] ๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก at ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayan na dumalo sa isasagawang Free Legal Consultation ng Provincial Legal Office at Integrated Bar of the Philippines Palawan Chapter na gaganapin sa Municipal Gymnasium ngayong ika-19 ng Agosto 2026.

Ito ay kaugnay ng Provincial Legal Extension Services Program para sa lahat ng ating mga kababayan na may nais idulog o hingan ng payo patungkol sa mga legal na usapin at sitwasyon ng libre. Samantalahin natin ang ganitong mga aktibidad upang magkaroon tayo ng mas malawak na kaalaman sa mga usaping legal.


๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก at ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayan na dumalo sa isasagawang Free Legal Consultation ng Provincial Legal Office at Integrated Bar of the Philippines Palawan Chapter na gaganapin sa Municipal Gymnasium ngayong ika-19 ng Agosto 2026.

Ito ay kaugnay ng Provincial Legal Extension Services Program para sa lahat ng ating mga kababayan na may nais idulog o hingan ng payo patungkol sa mga legal na usapin at sitwasyon ng libre. Samantalahin natin ang ganitong mga aktibidad upang magkaroon tayo ng mas malawak na kaalaman sa mga usaping legal.


๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ฌ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ โ€” Bumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan Kgg. Ramir R. Pablico ang mga kawani ng DILG Provincial Offi...
17/08/2026

๐—–๐—ข๐—จ๐—ฅ๐—ง๐—˜๐—ฆ๐—ฌ ๐—–๐—”๐—Ÿ๐—Ÿ โ€” Bumisita sa tanggapan ng ating Punong Bayan Kgg. Ramir R. Pablico ang mga kawani ng DILG Provincial Office na sina LGOO V Randell B. Dotillos, LGOO II Melissa Joy S. Amon, at LGOO II Krizza Mae R. Rareza, kasama ang ating MLGOO Katrina G. Ferrer, ngayong araw, Agosto 17, 2026.

Layunin ng pagbisita ang pormal na ipaalam ang kanilang isasagawang onsite validation ng LETrAS ng tanggapan ng Sangguniang Bayan ng San Vicente upang itampok sa Bahaginan Digital Governance. Ang LETrAS ng San Vicente ang entry ng bayan sa buong Palawan.


๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—ข๐—ž๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”Isinagawa ngayong araw, Agosto 17, 2026,...
17/08/2026

๐—ฆ๐—˜๐—ฅ๐—˜๐— ๐—ข๐—ก๐—ฌ๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—ช๐—”๐—ง๐—”๐—ช๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—” ๐—Ÿ๐—ข๐—ž๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐— ๐—”๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—”๐—ก ๐—ก๐—š ๐—ฆ๐—”๐—ก ๐—ฉ๐—œ๐—–๐—˜๐—ก๐—ง๐—˜, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—”

Isinagawa ngayong araw, Agosto 17, 2026, ang Seremonya ng Pagtaas ng Watawat sa Lokal na Pamahalaan ng San Vicente, na dinaluhan ng ibaโ€™t ibang kawani at opisyal ng Pambansa at Lokal na Ahensya.

Matapos ang seremonya, isang taos-pusong pasasalamat ang ipinahayag nina Punong Bayan Kgg. Ramir R. Pablico at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Maria Carmen Libarra-Silagan, kasama sina Sangguniang Bayan Member Rowell C. Molo at IPMR Eddie Yayen, para sa matagumpay na pagdaraos ng Malagnang Festival 2026. Kasabay naman nito ang paghikayat na gamitin ang pambansang wika ng Pilipinas bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.

Ang ganitong gawain ay simpleng paalala ng ating responsibilidad bilang kawani ng gobyerno at bilang isang Pilipino.


๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก at ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌInaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayan na dumalo sa isasagawang...
17/08/2026

๐—ฃ๐—”๐—”๐—ก๐—ฌ๐—”๐—ฌ๐—” || ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—Ÿ๐—˜๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—–๐—ข๐—ก๐—ฆ๐—จ๐—Ÿ๐—ง๐—”๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก at ๐—™๐—ฅ๐—˜๐—˜ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—”๐—ฅ๐—ฌ

Inaanyayahan ang lahat ng ating mga kababayan na dumalo sa isasagawang Free Legal Consultation ng Provincial Legal Office at Integrated Bar of the Philippines Palawan Chapter na gaganapin sa Municipal Gymnasium ngayong ika-19 ng Agosto 2026.

Ito ay kaugnay ng Provincial Legal Extension Services Program para sa lahat ng ating mga kababayan na may nais idulog o hingan ng payo patungkol sa mga legal na usapin at sitwasyon ng libre. Samantalahin natin ang ganitong mga aktibidad upang magkaroon tayo ng mas malawak na kaalaman sa mga usaping legal.


๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐ƒ๐ข๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก 2026 ๐‚๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒNaging makabuluhan ang selebrasyon ng...
12/08/2026

๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐š๐ญ ๐Š๐š๐ฅ๐ข๐ค๐š๐ฌ๐š๐ง, ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐š๐ง๐ -๐ƒ๐ข๐ข๐ง ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐Œ๐จ๐ง๐ญ๐ก 2026 ๐‚๐ฎ๐ฅ๐ฆ๐ข๐ง๐š๐ญ๐ข๐ง๐  ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ

Naging makabuluhan ang selebrasyon ng Nutrition Month 2026 Culminating Activity na may temang โ€œNutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaanโ€ matapos itong isagawa nitong ika-11 ng Agosto, 2026, sa Municipal Gymnasium ng ating bayan.

Lumahok sa nasabing aktibidad ang ating butihing Punong Bayan, Kgg. Ramir Rodriguez Pablico, kasama ang ating Municipal Administrator, Atty. Elqueen Hannah Faith Rada, at mga Punong Barangay mula sa ibaโ€™t ibang barangay ng ating bayan, bilang bahagi ng kanilang sama-samang pakikiisa sa pagtataguyod ng isang bayang malusog at masigla.

Pinangunahan ang gawain ng Municipal Nutrition Action Office sa pamumuno ni Ms. Patricia Eunice E. Feticio, MNA Officer, katuwang ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni Mr. Ian B. Ichanes, kasama ang kani-kanilang mga kasamahan sa opisina.

Kasabay nito ay isinagawa rin ang awarding ceremony para sa mga barangay na nagwagi bilang Outstanding Barangay Nutrition Committee, bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at aktibong pagpapatupad ng mga programang pangkalusugan at pangnutrisyon sa kani-kanilang komunidad.

Sa pagtatapos ng programa, muling binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat sektor sa pagpapanatili ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan para sa kapakinabangan ng buong komunidad.


Address

Poblacion
San Vicente
5309

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639399242803

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Information & Communication Section of San Vicente, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Information & Communication Section of San Vicente, Palawan:

Shortcuts

Share