24/09/2026
GOOD NEWS SA UMAGA: Ilang beses nang umaabot sa regional spotlight ang Public Employment Service Office (PESO) ng Sanchez Mira -- at ngayong 2026, panibagong magandang balita na naman ang hatid nito sa bayan.
Muling kinilala ang Local Government Unit (LGU) of Sanchez Mira sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) bilang Regional Winner sa 2025 Search for Best PESO – 2nd Class Municipality Category ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office No. 02. Ang pagkilalang ito ay dagdag sa sunod-sunod na pagkapanalo sa regional level ng PESO Sanchez Mira mula pa taong 2022.
Personal na dumalo sa awarding ceremony kahapon Setyembre 24, 2026 sa Tuguegarao City, Cagayan sina Mayor Abe Bagasin at PESO Manager Glennah Marie F. Fuertes upang tanggapin ang parangal para sa LGU.
Ayon sa DOLE Regional Office No. 02, ipinagkaloob ang pagkilala bilang patunay sa mahusay na performance, dedikasyon at commitment ng PESO sa epektibong paghahatid ng employment facilitation programs at serbisyo ng DOLE, gayundin sa suporta ng LGU sa pagsusulong ng employment opportunities at pagbibigay ng responsive at de-kalidad na serbisyo sa mga mamamayan.
Bahagi ang awarding ng 2026 Regional Kabuhayan & 2025 Best PESO Awards, kung saan kabilang sa mga kinilala ang mga natatanging PESO mula sa iba't ibang kategorya ng mga munisipalidad, lungsod at lalawigan sa buong rehiyon.
Para kay Fuertes, higit pa sa isang trophy ang pagkilalang ito dahil dala nito ang tiwalang ibinibigay ng mga taong patuloy na sumusuporta sa PESO.
“These recognitions would not have been possible without the people who supported and gave their confidence to PESO Sanchez Mira,” wika ni Fuertes.
Ipinahayag din niya ang kanyang pasasalamat kay Mayor Abe Bagasin dahil sa buong suporta nito sa mga programa ng PESO, gayundin sa DOLE Cagayan Field Office, DILEEP focal persons, TSSD, DOLE Regional Office No. 2, at sa lahat ng naging katuwang ng tanggapan.
📸 PESO
🖋 M.P Ulep-Ambrosio