Dur-as Sanchez Mira

Dur-as Sanchez Mira Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Dur-as Sanchez Mira, Public & Government Service, Sanchez Mira.

Malugod na binabati ni ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ ang lahat ng mga kapatid sa ๐ˆ๐†๐‹๐„๐’๐ˆ๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐€ ๐ˆ๐๐ƒ๐„๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐„๐๐“๐„ (๐ˆ...
04/08/2026

Malugod na binabati ni ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ ang lahat ng mga kapatid sa ๐ˆ๐†๐‹๐„๐’๐ˆ๐€ ๐…๐ˆ๐‹๐ˆ๐๐ˆ๐๐€ ๐ˆ๐๐ƒ๐„๐๐„๐๐ƒ๐ˆ๐„๐๐“๐„ (๐ˆ๐…๐ˆ) sa pagdiriwang ng kanilang ๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ’๐ญ๐ก ๐๐ซ๐จ๐œ๐ฅ๐š๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐ง๐ง๐ข๐ฏ๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ.

Sa loob ng 124 taon mula nang ito ay iproklama noong Agosto 3, 1902, patuloy na ipinamalas ng Iglesia Filipina Independiente ang katatagan sa pananampalataya, pagkakaisa, at malalim na pagmamahal sa bansang Pilipinas. Ang kanilang kasaysayan ay bahagi na rin ng ating sariling kasaysayan bilang bayan โ€” isang patunay kung ano ang makakamtan ng mga Pilipino kapag pinapatnubayan ng matibay na paniniwala at diwang makabayan.

Nawa'y patuloy tayong maging matatag sa ating mga tungkulin at manatiling nagkakaisa sa pagsunod sa mga aral ng Diyos.

Mabuhay ang Iglesia Filipina Independiente! Maligayang Ika-124 Anibersaryo! ๐Ÿ™




Nakibahagi ang ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ sa pagdiriwang ng Nutrition Month Celebration ng Barangay Nagra...
31/07/2026

Nakibahagi ang ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ sa pagdiriwang ng Nutrition Month Celebration ng Barangay Nagrangtayan, bilang pagpapakita ng suporta sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan at wastong nutrisyon sa komunidad.
Sa temang "Nutrisyon at Kalikasan," binibigyang-diin ang mahalagang ugnayan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa ating kapaligiran. Ipinapaalala rin nito na ang pagkakaroon ng ligtas, malinis, at napapanatiling kalikasan ay mahalagang salik sa pagkakaroon ng sapat at masustansiyang pagkain para sa bawat pamilya.
Patuloy na hinihikayat ni Vice Mayor Connie Marie O. Sacramed ang bawat mamamayan na makiisa sa mga programang nagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan. Sa sama-samang pagkilos, makakamit natin ang isang mas malusog, mas matatag, at mas maunlad na komunidad para sa kasalukuyan at sa mga susunod pang henerasyon.



Muling naihatid sa mga mamamayan ng Sanchez Mira ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng Mobile Clinic Program ng...
29/07/2026

Muling naihatid sa mga mamamayan ng Sanchez Mira ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng Mobile Clinic Program ng ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ, na matagumpay na isinagawa sa Barangay Tokitok.

Nakiisa at nagbigay-suporta rin sa programa ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina, ๐‡๐จ๐ง. ๐๐š๐ฉ๐จ๐ฅ๐ž๐จ๐ง ๐Œ๐š๐ฅ๐ญ๐จ, ๐‡๐จ๐ง. ๐‚๐š๐ซ๐ฅ๐จ ๐‚๐š๐œ๐ก๐š๐ฉ๐ž๐ซ๐จ, at ๐‡๐จ๐ง. ๐Œ๐ž๐ฅ๐›๐ข๐ง๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐จ๐ฌ๐ข๐ง๐  kasama rin si Kagawad ๐€๐ซ๐๐ž๐ญ๐ก ๐‰๐š๐ง๐ž ๐ƒ๐ฎ๐ฅ๐ข๐ -๐Ž๐š๐ฆ๐ข๐ฅ ng Barangay Centro-1.

Sa pamamagitan ng Mobile Clinic na ito, naipagkakaloob sa mga residente ang libreng konsultasyon at iba pang pangunahing serbisyong medikal, lalo na sa mga lugar na malayo sa mga rural health facilities. Patunay ito ng patuloy na pagsisikap ng ating Vice Mayor na gawing mas abot-kamay at mas mabilis ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa bawat mamamayan.




Maayos na isinagawa ang 55th Regular Session noong July 27, 2026 ng 12th Council ng Sangguniang Bayan ng Sanchez Mira sa...
28/07/2026

Maayos na isinagawa ang 55th Regular Session noong July 27, 2026 ng 12th Council ng Sangguniang Bayan ng Sanchez Mira sa pangunguna ng ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ bilang Presiding Officer.

Sa pakikipagtulungan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin, kabilang ang mga panukalang ordinansa at resolusyon na naglalayong magpatupad ng mga programang makatutugon sa pangangailangan ng mamamayan at makapag-aambag sa patuloy na pag-unlad ng Bayan ng Sanchez Mira.

Ang bawat regular na sesyon ay nagsisilbing mahalagang daan upang mapagtibay ang pagkakaisa, maayos na pamamahala, at sama-samang pagpapasya ng mga pinuno ng bayan. Sa pamamagitan nito, natitiyak na ang bawat hakbang at polisiyang ipinatutupad ay nakatuon sa kapakanan at pinakamahusay na interes ng komunidad.




Malugod na binabati ng ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ ang lahat ng mga kapatid sa ๐ˆ๐†๐‹๐„๐’๐ˆ๐€ ๐๐ˆ ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž sa pagdir...
27/07/2026

Malugod na binabati ng ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ ang lahat ng mga kapatid sa ๐ˆ๐†๐‹๐„๐’๐ˆ๐€ ๐๐ˆ ๐‚๐‘๐ˆ๐’๐“๐Ž sa pagdiriwang ng kanilang ika-112 Anibersaryo.

Sa loob ng 112 taon, patuloy na ipinamalas ng Iglesia Ni Cristo ang katatagan sa pananampalataya, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod sa Diyos. Nawaโ€™y patuloy tayong maging matatag sa ating mga tungkulin at manatiling nagkakaisa sa pagsunod sa mga aral ng Diyos.

Mabuhay ang Iglesia Ni Cristo! Maligayang Ika-112 Anibersaryo! ๐Ÿ™




Taos-pusong nakikiisa si ๐•๐ข๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‚๐จ๐ง๐ง๐ข๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ž ๐Ž. ๐’๐š๐œ๐ซ๐š๐ฆ๐ž๐ sa pagdiriwang ng ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค 2026, bil...
23/07/2026

Taos-pusong nakikiisa si ๐•๐ข๐œ๐ž ๐Œ๐š๐ฒ๐จ๐ซ ๐‚๐จ๐ง๐ง๐ข๐ž ๐Œ๐š๐ซ๐ข๐ž ๐Ž. ๐’๐š๐œ๐ซ๐š๐ฆ๐ž๐ sa pagdiriwang ng ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค 2026, bilang pagkilala sa karapatan, dignidad, at mahalagang papel ng ating mga kababayang Persons with Disabilities (PWDs).

Ang pagdiriwang na ito ay nagsisilbing paalala na ang bawat isa, anuman ang kanilang kakayahan, ay nararapat na magkaroon ng pantay na oportunidad, paggalang, at akses sa mga serbisyong makatutulong sa kanilang pag-unlad. Hinihikayat din nito ang lahat na sama-samang isulong ang isang lipunang inklusibo at malaya sa diskriminasyon.

Patuloy na ipinapahayag ni Vice Mayor Connie Marie O. Sacramed ang kanyang suporta sa mga programang nagtataguyod ng kapakanan ng sektor ng PWD. Naninindigan siya na ang isang maunlad na komunidad ay yaong kumikilala at nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa bawat mamamayan.

Muli, isang mapagpalang ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐ƒ๐ข๐ฌ๐š๐›๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐‘๐ข๐ ๐ก๐ญ๐ฌ ๐–๐ž๐ž๐ค sa ating lahat!




Nagbigay ng suporta ang ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ ๐Œ.๐ƒ, sa isinagawang Buntis Congress, programa nga atin...
23/07/2026

Nagbigay ng suporta ang ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ ๐Œ.๐ƒ, sa isinagawang Buntis Congress, programa nga ating Rural Health Unit - Sanchez Mira na naglalayong itaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga buntis sa ating komunidad.

Ang gawaing ito ay nagsilbing pagkakataon upang higit na mapalawak ang kaalaman ng mga nagdadalang-tao tungkol sa wastong pangangalaga sa kanilang kalusugan at sa ligtas na pagbubuntis, habang naipapahatid din ang iba't ibang serbisyong makatutulong sa kanila.

Patuloy ang suporta ng ating Vice Mayor sa mga programang nagtataguyod ng kalusugan ng mga ina at sanggol, bilang bahagi ng layuning makapaghatid ng dekalidad at makataong serbisyo sa bawat mamamayan.




Patuloy na nagsasagawa si ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ, ๐Œ.๐ƒ. ng mga hakbang upang matugunan ang mga pangangailang...
21/07/2026

Patuloy na nagsasagawa si ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ, ๐Œ.๐ƒ. ng mga hakbang upang matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kababayan, lalo na ang mga may kapansanan at may limitadong kakayahang makagalaw.

Matapos ang matagumpay na Libreng Physical at Occupational Therapy Program na isinagawa sa bayan ng Sanchez Mira, napansin ni Doktora ang malaking pangangailangan ng maraming benepisyaryo para sa mga wheelchair at iba pang assistive devices. Dahil dito, agad siyang nagsikap na humanap ng mga donor at katuwang upang maipagkaloob ang mga kinakailangang kagamitan sa ating mga kababayan.

Bilang pagpapatuloy ng inisyatibong ito, nagsagawa ang mga kinatawan ng ๐‚๐€๐†๐€๐˜๐€๐ ๐•๐€๐‹๐‹๐„๐˜ ๐Œ๐„๐ƒ๐ˆ๐‚๐€๐‹ ๐‚๐„๐๐“๐„๐‘ (๐‚๐•๐Œ๐‚) Rehab Medicine Department sa pangunguna ni ๐ƒ๐‘. ๐„๐’๐“๐„๐‹๐ˆ๐“๐€ ๐Œ๐ˆ๐‚๐‡๐„๐‹๐‹๐„ ๐‰๐€๐‚๐ˆ๐๐“๐Ž, ng initial assessment at pagsusukat sa mga posibleng benepisyaryo upang matiyak ang tamang sukat at angkop na wheelchair para sa bawat isa. Ang prosesong ito ay mahalagang hakbang upang masiguro na ang tulong na kanilang matatanggap ay akma sa kanilang kondisyon at tunay na makapagpapagaan sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Patuloy din ang suporta ng
ating mga ๐’๐€๐๐†๐†๐”๐๐ˆ๐€๐๐†
๐๐€๐˜๐€๐ ๐Œ๐„๐Œ๐๐„๐‘๐’ na sina
๐‡๐Ž๐. ๐Œ๐„๐‹๐๐ˆ๐๐€ ๐Œ๐€๐๐†๐Ž๐’๐ˆ๐๐†, ๐‡๐Ž๐. ๐‚๐€๐‘๐‹๐Ž ๐‚๐€๐‚๐‡๐€๐๐„๐‘๐Ž,
๐‡๐Ž๐. ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐‹๐”๐ˆ๐’๐€ ๐ƒ๐„ ๐‚๐€๐’๐“๐‘๐Ž, at
๐‡๐Ž๐. ๐๐€๐๐Ž๐‹๐„๐Ž๐ ๐Œ๐€๐‹๐“๐Ž
na patuloy na nakikiisa sa paghahatid ng dekalidad at makataong serbisyo sa komunidad.

Patuloy na pinatutunayan ng programang ito na ang tunay na serbisyo ay umaabot maging sa mga taong higit na nangangailangan. Isang serbisyong may malasakit, may pag-unawa, at taos-pusong hangaring mapabuti ang kalusugan at kapakanan ng bawat mamamayan.

Lubos ang pasasalamat ni Vice Mayor Connie Marie O. Sacramed sa ๐“๐ก๐ž ๐‚๐ก๐ฎ๐ซ๐œ๐ก ๐จ๐Ÿ ๐‰๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐‚๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐š๐ญ๐ญ๐ž๐ซ-๐๐š๐ฒ ๐’๐š๐ข๐ง๐ญ๐ฌ sa kanilang bukas-palad na suporta sa programang ito. Ang kanilang kabutihang-loob ay nagbibigay ng pag-asa at kaginhawaan sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong, lalo na sa mga may kapansanan.




Matagumpay na inilunsad ang muling pagbabalik ng Mobile Clinic na programa ng ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ ...
16/07/2026

Matagumpay na inilunsad ang muling pagbabalik ng Mobile Clinic na programa ng ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ na isinagawa sa Sitio Labbeng Barangay Dagueray kahapon. Ang programang layong ihatid ang serbisyong pangkalusugan nang direkta sa mga mamamayan ng Sanchez Mira.

Sumuporta at nakiisa din sa Mobile Clinic ang ating mga ๐’๐š๐ง๐ ๐ ๐ฎ๐ง๐ข๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฒ๐š๐ง ๐Œ๐ž๐ฆ๐›๐ž๐ซs na sina
๐‡๐Ž๐. ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐€ ๐‹๐”๐ˆ๐’๐€ ๐ƒ๐„ ๐‚๐€๐’๐“๐‘๐Ž,
๐‡๐Ž๐. ๐Œ๐„๐‹๐๐ˆ๐๐€ ๐Œ๐€๐๐†๐Ž๐’๐ˆ๐๐† at ๐‡๐Ž๐. ๐‚๐€๐‘๐‹๐Ž ๐‚๐€๐‚๐‡๐€๐๐„๐‘๐Ž kasama si ๐Š๐ ๐. ๐€๐‘๐ƒ๐„๐“๐‡ ๐‰๐€๐๐„ ๐ƒ๐”๐‹๐ˆ๐†-๐Ž๐€๐Œ๐ˆ๐‹ ng Barangay Centro-1.

Ang Mobile Clinic na programa ng ating Vice Mayor ay layuning ilapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga mamamayan ng Sanchez Mira, partikular sa mga lugar na malayo sa mga health center. Sa tulong ng Mobile Clinic, maipagkakaloob ang libreng konsultasyon at gamutan - isang hakbang na nagpapakita ng malasakit at konkretong aksyon mula sa ating mga inihalal na liders.




Isinagawa kaninang umaga ang regular na Flag Raising Ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Sanchez Mira na dinaluhan ng ati...
13/07/2026

Isinagawa kaninang umaga ang regular na Flag Raising Ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Sanchez Mira na dinaluhan ng ating ๐•๐ˆ๐‚๐„ ๐Œ๐€๐˜๐Ž๐‘ ๐‚๐Ž๐๐๐ˆ๐„ ๐Œ๐€๐‘๐ˆ๐„ ๐Ž. ๐’๐€๐‚๐‘๐€๐Œ๐„๐ƒ kasama ang ilan sa kanyang mga kapwa opisyal at mga kawani ng ating LGU.

Kasunod nito ay ang 53rd Regular Session ng 12th Council ng Sangguniang Bayan ng Sanchez Mira na pinangunahan ni Vice Mayor Connie Marie O. Sacramed bilang Presiding Officer.

Sa pamamagitan ng sesyong ito, muling ipinamalas ng mga miyembro ng konseho ang kanilang matibay na paninindigan at patuloy na pagsuporta sa mga programang naglalayong maghatid ng makabuluhang pagbabago at pangmatagalang pag-unlad para sa bayan.




Address

Sanchez Mira
3518

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dur-as Sanchez Mira posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share