18/06/2026
Alinsunod sa kautusan ng Civil Defense Office, ngayong araw ay isinagawa ang ating Barangay Wide Earthquake Drill bilang pakikiisa at kahandaan ng bawat residente ng Barangay 901 sa oras ng pangangailangan.
Ang gawain ay pinangunahan ng pamunuaan ng Barangay 901 Committee on Risk Reduction (Kag. Fidel Avestruz, Comm. Chair) sa tulong at gabay ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) at mga residente ng Barangay 901.
Gayundin, ang pamunuan ng Barangay 901 ay lubos na nagpapasalamat sa pamahalaang lungsod, Yorme Isko Moreno Domagoso sa dagliang pagtugon sa kahilingan na maisagawa ang gawain sa gabay ng mga kawani ng MDRRMO.
Sa darating na Hulyo 2026 nakatakda rin ang isang training series para sa pagbuo at pagsasanay ng Barangay 901 Emergency Response Team.
Patuloy ang ating Barangay sa pangunguna ng ating butihing Punong Barangay Jerome S. Advincula na isusulong ang mga gawain na higit na makakatulong para sa kaligtasan at kapakanan ng bawat isa.