Mayor Dinan Labung

Mayor Dinan Labung Engr. Dinan Labung, fondly referred to as the "darling of the masses," is a distinguished figure in Philippine civil engineering and public service.

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat, sinuspinde ng Office of the President ang kl...
18/08/2026

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa patuloy na pag-ulan at pagbaha dulot ng Habagat, sinuspinde ng Office of the President ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan, gayundin ang pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga tanggapan ng pamahalaan sa lalawigan ng Pampanga at iba pang karatig na lugar bukas, AUGUST 19, 2026, alinsunod po ito sa Memorandum Circular No. 129.

Suspendido rin po ang online classes sa Sta. Ana. Ito po ay upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na naapektuhan ng pagbaha at patuloy na pag-ulan na makapagbigay-pansin sa kanilang kaligtasan at pangangailangan.

Maging ligtas po tayong lahat, patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo, at hintayin ang mga susunod na abiso. Para naman sa ating mga mag-aaral, gamitin nang mabuti ang libreng oras sa pagtulong sa mga gawaing bahay.

18/08/2026
18/08/2026

UPDATE | Mula kay Mayor Dinan Labung tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng lebel ng tubig-baha sa bahagi ng Arayat–San Agustin–Sta. Ana Road sa Barangay San Agustin.

Patuloy po ang panalangin ni Mayor Dinan na tuluyang tumila ang ulan at unti-unting bumaba ang lebel ng tubig-baha upang maging ligtas at maayos ang kalagayan ng ating mga kababayang Pimpeño.

TINGNAN | Kasalukuyan pong nagsasagawa ng clearing operation ang mga kawani ng ating Municipal Environment and Natural R...
18/08/2026

TINGNAN | Kasalukuyan pong nagsasagawa ng clearing operation ang mga kawani ng ating Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa bahagi ng Matubig Creek sa Barangay San Agustin, kung saan isinasagawa ang paghahakot ng mga nakabarang basura at halaman.

Isinasagawa po ang clearing operation alinsunod sa direktiba ni Mayor Dinan Labung upang agad na maalis ang mga nakabara sa daluyan ng tubig at makatulong na maiwasan ang pag-apaw ng creek.

Nagtungo rin po si Mayor Dinan sa lugar upang personal na tingnan at suriin ang kasalukuyang kondisyon ng Matubig Creek at matiyak na agad na naaaksyunan ang anumang maaaring magdulot ng pag-apaw, lalo na ngayong patuloy ang pag-ulan.

Personal din po niyang kinumusta ang ating mga kababayang naapektuhan ng pagbaha at siniguro na patuloy na nakatutok ang Pamahalaang Bayan sa kanilang kalagayan.

Patuloy pong nakaantabay ang ating mga kawani upang mapanatiling maayos ang daluyan ng tubig at makatulong na maprotektahan ang ating mga kababayan mula sa epekto ng pagbaha.

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, sinuspinde ng Office of the President ang klase sa laha...
17/08/2026

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat, sinuspinde ng Office of the President ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa lalawigan ng Pampanga at iba pang karatig na lugar, para bukas, AUGUST 18, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 128.

Suspendido rin po ang online classes sa Sta. Ana. Ito po ay upang mabigyan ng sapat na oras ang mga mag-aaral na naapektuhan ng pagbaha at patuloy na pag-ulan na makapagbigay-pansin sa kanilang kaligtasan at pangangailangan.

Maging ligtas po tayong lahat, patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo, at hintayin ang mga susunod na abiso. Para naman sa ating mga mag-aaral, gamitin nang mabuti ang libreng oras sa pagtulong sa mga gawaing bahay.

DRAINAGE MASTER PLAN AT FOOD PACKS PARA SA LAHAT NG PIMPEÑOkasama ang mga department heads at mga kapitan ng barangay, a...
17/08/2026

DRAINAGE MASTER PLAN AT FOOD PACKS PARA SA LAHAT NG PIMPEÑO

kasama ang mga department heads at mga kapitan ng barangay, ang masusing pag-aaral sa topograpiya ng ating bayan bilang bahagi ng pagsasapinal ng Drainage Master Plan. Layunin nitong matukoy at malagyan ng maayos na drainage system ang mga barangay at lugar na madalas nakararanas ng pagbaha.

Napag-usapan din po ang pagsasapinal ng pamamahagi ng food packs para sa mga pamilyang Pimpeño na hindi nabigyan ng ayuda mula sa Kapitolyo at National Government.

Magsisimula po bukas ang pamamahagi ng bigas at mga delata at magtutuloy-tuloy ito sa mga susunod na araw hanggang sa mabigyan ang mahigit 12,000 kabahayan na hindi naisama sa unang batch ng pamamahagi.

Patuloy po ang ating pagsisikap upang matugunan ang pangangailangan ng bawat pamilyang Pimpeño, lalo na ngayong patuloy nating nararanasan ang epekto ng mga walang patid na pag-ulan at pagbaha.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labu...
16/08/2026

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa inaasahang patuloy na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labung ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Sta. Ana para bukas, August 17, 2026.

Maging ligtas po tayong lahat, patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo, at hintayin ang mga susunod na abiso. Para naman sa ating mga mag-aaral, gamitin nang mabuti ang libreng oras sa pag-aaral ng mga aralin.

16/08/2026

PANOORIN | Nabigyan na po ng ayuda ang ating mga kababayang naapektuhan ng magkakasunod na pag-ulan dulot ng Habagat, mula sa DSWD, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa pangunguna nina Governor Nanay Pineda at Vice Governor Delta Pineda.

Gayundin, naging maagap ang pakikipag-ugnayan ni Mayor Dinan Labung sa Pamahalaang Panlalawigan upang agad na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang Pimpeño.

MARAMING SALAMAT PO GOV. NANAY, VICE GOV DELTA, AT SA NATIONAL GOVERNMENT MALAKING TULONG PO ITO SA MGA PIMPEÑO NA NAAPEKTUHAN NG PAGBAHA.

Ayon kay Mayor Dinan Labung, magkakaroon pa ng karagdagang pamamahagi ng ayuda para sa mga hindi naisama sa unang batch, gamit ang Calamity Fund ng bayan at mga barangay.

Patuloy ang mabilis na koordinasyon ni Mayor Dinan upang agad na matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Kasama ni Mayor Dinan sa pamamahagi ng ayuda at pagkumusta sa ating mga kababayan sina 3rd District Board Member Lucky Labung, Vice Mayor Oday Nacpil, mga konsehal, at mga department head.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labung ang klas...
13/08/2026

ANUNSYO PIMPEÑO | Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Hanging Habagat, sinuspinde na po ni Mayor Dinan Labung ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Sta. Ana ngayong araw, August 14, 2026.

Maging ligtas po tayong lahat, patuloy na mag-monitor sa mga opisyal na anunsyo, at hintayin ang mga susunod na abiso. Para naman sa ating mga mag-aaral, gamitin nang mabuti ang libreng oras sa pag-aaral ng mga aralin.

AGARANG TULONG | Lubos po ang pasasalamat ni Mayor Dinan Labung sa agarang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampang...
10/08/2026

AGARANG TULONG | Lubos po ang pasasalamat ni Mayor Dinan Labung sa agarang tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pampanga, sa pangunguna nina Governor Nanay Pineda at Vice Governor Delta Pineda, sa agarang pagpapadala ng long arm upang maalis ang mga nakabarang water lily sa bahagi ng Matubig Creek sa Barangay San Agustin at sa bahagi ng Inumang Baka Creek sa Barangay Santiago.

Kayo po ang sagot sa mga suliraning hindi kayang solusyunan ng aming bayan, tune ko pung pag-asa da reng Kapampangan, maraming salamat po!

Taos puso din po ang pasasalamat ni Mayor Dinan sa mga kababayan nating Pimpeño na nagbayanihan para maalis ang mga nakabarang water lily.

Mabilis ang aksyon at walang korapsyon!
miDINAN neng LABUNG ing B***N!

Address

San Roque
Santa Ana
2022

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mayor Dinan Labung posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category