Barangay 784 Zone 86 P/B Gandelbert M. De Chavez

Barangay 784 Zone 86 P/B Gandelbert M. De Chavez Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay 784 Zone 86 P/B Gandelbert M. De Chavez, Public Service, Road 3 Cor. Road 7, Santa Ana.

🇵🇭 MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI!Nakikiisa ang ating Barangay sa paggunita ng National Heroes Day.Saludo sa lahat ng bay...
30/08/2026

🇵🇭 MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI!

Nakikiisa ang ating Barangay sa paggunita ng National Heroes Day.

Saludo sa lahat ng bayaning nag-alay ng tapang, sakripisyo, at pagmamahal para sa ating bayan.

Mabuhay ang mga Bayani at mga Bagong Bayani!


🇵🇭BARANGAY WATCH PARTY!Sama-sama nating suportahan ang Gilas Pilipinas sa laban kontra Iran para sa FIBA Basketball Worl...
30/08/2026

🇵🇭BARANGAY WATCH PARTY!

Sama-sama nating suportahan ang Gilas Pilipinas sa laban kontra Iran para sa FIBA Basketball World Cup Qualifiers! 🔥

Laban, Gilas! Puso para sa Pilipinas! 🇵🇭💪🏀




🧹SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE AND DECLOGGING ACTIVITY | August 29, 2026Despite the rain, our Simultaneous Clean-Up Drive ...
29/08/2026

🧹SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE AND DECLOGGING ACTIVITY | August 29, 2026

Despite the rain, our Simultaneous Clean-Up Drive and Declogging Activity continued yesterday!

Our dedicated barangay personnel worked together to clean the streets, drainage canals, and surrounding areas to help prevent flooding and maintain a clean, safe, and orderly community.

We sincerely thank everyone who remained committed to serving our community despite the challenging weather. Your hard work and dedication truly make a difference!

Rain or shine, we continue to serve for a cleaner, safer, and better Barangay 784!




Important Notice from MANILA WATER. 💦 Temporary Water Interruption. Please read the details.
25/08/2026

Important Notice from MANILA WATER. 💦

Temporary Water Interruption.

Please read the details.



💡 STREETLIGHTS REPAIR | ROAD 15Agad na kumilos ang ating Punong Barangay upang matugunan ang problema sa mga streetlight...
24/08/2026

💡 STREETLIGHTS REPAIR | ROAD 15

Agad na kumilos ang ating Punong Barangay upang matugunan ang problema sa mga streetlights sa kahabaan ng Road 15. Matapos tumigil ang ulan, agad niyang ipinag-utos ang pagkukumpuni ng mga streetlights upang matiyak na maliwanag, ligtas, at maayos ang daan, lalo na sa gabi.

Patuloy ang ating Barangay sa agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga residente para sa isang mas ligtas at maayos na komunidad.

Maraming salamat po kina Kagawad BJ A. Ralloma, Kagawad Eduardo "Edong" S. Nicer, Ex-O Virginia C. Gilboy, Barangay Tanod Rommel Manaloto, Norman Montana, Rizal De Paz, at sa ating residente na si Badong sa kanilang tulong, oras, at dedikasyon sa pagsasagawa ng agarang aksyon na ito.

Mas maliwanag na daan, mas ligtas na Barangay 784!


🚧 ROAD RECONSTRUCTION | ROAD 2Sa patuloy na pagtugon sa mga problema at pangangailangan ng ating barangay, ang ating Pun...
24/08/2026

🚧 ROAD RECONSTRUCTION | ROAD 2

Sa patuloy na pagtugon sa mga problema at pangangailangan ng ating barangay, ang ating Punong Barangay Gandelbert “GB” M. De Chavez ay nakipag-ugnayan at humiling sa DPWH at PLDT para sa agarang aksyon sa Road 2, partikular sa PLDT manhole na nagdudulot ng pag-ipon ng tubig at pagbaha sa lugar.

Sa pamamagitan ng ating kahilingan at pakikipag-ugnayan, isinagawa na ngayon ang reconstruction at pagkukumpuni sa naturang bahagi ng kalsada upang makatulong na maiwasan ang pagbaha at mapabuti ang daloy ng tubig sa lugar.

Malaki rin ang naging tulong at suporta ng ating mga Barangay Officials, sina Kagawad BJ A. Ralloma, Kagawad Eduardo “Edong” S. Nicer, Kagawad Bernard F. Elbo, at Ex-O Virginia C. Gilboy, sa pagsubaybay at pagtugon sa concern na ito.

Patuloy ang ating Barangay sa pakikipagtulungan sa DPWH, PLDT, at iba pang concerned agencies para sa mas ligtas, maayos, at maunlad na komunidad.


🧹 SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE AND DECLOGGING ACTIVITY | August 22, 2026This morning, our dedicated barangay officials an...
22/08/2026

🧹 SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE AND DECLOGGING ACTIVITY | August 22, 2026

This morning, our dedicated barangay officials and appointees once again carried out our Simultaneous Clean-Up Drive and Declogging Activity to help maintain a clean, safe, and flood-ready community.

Through regular cleaning and declogging of our streets and drainage systems, we continue to promote proper sanitation, prevent water buildup, and keep our surroundings orderly.

Let us all do our part by keeping our community clean and disposing of waste properly. A clean barangay is a safe and healthy barangay!




🙏 IKALIMANG ARAW NG NOBENA MAYOR Kahapon, Agosto 18, 2026, ang ating Barangay ay naging isa sa mga pangunahing sponsors ...
19/08/2026

🙏 IKALIMANG ARAW NG NOBENA MAYOR

Kahapon, Agosto 18, 2026, ang ating Barangay ay naging isa sa mga pangunahing sponsors ng Pista ni Saint Pius. Bilang pakikiisa at pagpapakita ng suporta sa ating komunidad, tayo rin ay dumalo sa pangunguna ng ating Punong Barangay Gandelbert "GB" M. De Chavez at ang buong Konseho, Appointees at mga residente sa Banal na Misa para sa Ikalimang Araw ng Nobena Mayor sa Karangalan ni San Pio Ikasampu.

Ang Banal na Misa ay pinangunahan ni His Eminence Jose F. Cardinal Advincula, na naging makabuluhang bahagi ng ating pagdiriwang ng pananampalataya at pagkakaisa.

Patuloy nating ipinagmamalaki ang diwa ng pananampalataya, pagkakaisa, at pakikiisa sa mga gawaing espirituwal at pangkomunidad ng ating barangay.

Mabuhay ang Barangay 784!



Magandang araw, mga kabarangay!Kasalukuyan po tayong nakararanas ng matinding pag-ulan at pagbaha habang nasa ilalim tay...
17/08/2026

Magandang araw, mga kabarangay!

Kasalukuyan po tayong nakararanas ng matinding pag-ulan at pagbaha habang nasa ilalim tayo ng RED RAINFALL WARNING. Pinapayuhan ang lahat na manatiling alerto, iwasang lumusong o tumawid sa mga baha, at agad na lumikas sa mas ligtas na lugar kung kinakailangan.

Pinapayuhan din ang lahat na maghanda ng mga pangunahing pangangailangan, tulad ng:
• Mga maintenance at pangunahing gamot
• Pagkain
• Tubig
• Damit
• Flashlight at iba pang emergency supplies

Para sa mga nangangailangan ng Doxycycline, mayroon pong available na stock sa ating barangay. Mangyaring makipag-ugnayan sa barangay para sa assistance.

Nakikipag-ugnayan na rin ang ating Punong Barangay sa mga kaukulang ahensya, lalo na sa NDRRMC, para sa agarang aksyon at kinakailangang assistance habang patuloy ang pag-ulan at pagbaha.

Kung kayo po ay nangangailangan ng agarang tulong o assistance, mangyaring makipag-ugnayan sa ating Punong Barangay:

Punong Barangay Gandelbert M. De Chavez
+63 927 247 5037

Unahin po natin ang kaligtasan ng bawat isa, lalo na ang mga bata, senior citizens, persons with disabilities, at iba pang nangangailangan ng karagdagang assistance.

Manatiling ligtas, alerto, at magtulungan po tayo sa oras ng sakuna.

🧹SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE AND DECLOGGING ACTIVITY | August 15, 2026This morning, our dedicated barangay team once aga...
15/08/2026

🧹SIMULTANEOUS CLEAN-UP DRIVE AND DECLOGGING ACTIVITY | August 15, 2026

This morning, our dedicated barangay team once again carried out our weekly Clean-Up Drive and Declogging Activity as part of our continuing efforts to keep our Barangay clean, safe, and flood-ready.

Through consistent teamwork and community action, we continue to clear drainage areas, maintain our streets, and promote a cleaner and healthier environment for all our kabarangay.

Clean surroundings, safer community! Sama-sama para sa mas malinis na Barangay 784!




Address

Road 3 Cor. Road 7
Santa Ana
1009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay 784 Zone 86 P/B Gandelbert M. De Chavez posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category