SK Leet 2018-2023

SK Leet 2018-2023 Mabuhay Kabataan ng Leet

13/11/2023

Good morning.

We would like to inform everyone that SANGGUNIANG KABATAAN NG BRGY.LEET fb page is now available. All updates/Projects/activities/accomplishments will be posted soon on our new and official SK page.🙂

For now, TEAM PAULINO fb page is officially signing off.

SK COUNCIL 2018-2023...Taong 2018, araw ng Mayo 14, nanganap ang Barangay/SK Elections. At nabigyan ng pagkakataon ang w...
10/11/2023

SK COUNCIL 2018-2023...

Taong 2018, araw ng Mayo 14, nanganap ang Barangay/SK Elections. At nabigyan ng pagkakataon ang walong kabataan na maging parte ng SK Council.
Sk chairwoman Estephanie Q. Feliciano, SK Kagawad Dick Lloyd Meneses, SK Kagawad Arlyn Sison, SK Kagawad Bresly Paulino, SK kagawad Rolly Cabison, SK Kagawad Elizabeth Fernandez, SK Kagawad Berly Cariaga, SK Kagawad Melody Aquino...walong kabataang nabigyan ng pagkakataong maglingkod at bigyang boses ang mga kabataan ng barangay, kasama ang appointed SK Secretary Sherylyne Vinluan at SK Treasurer Mary Joy Cabanlig.

Sa tulong ng mga leadership trainings at pag gabay at suporta ng mga taong niniwala ay nalinang at nagkaroon ng mga kaalamang nagamit ang ating mga SK Council upang maging epektibong lider ng mga kabataan.
Maraming proyekto ang naisakatuparan ng ating SK Council 2018-2023 dahil na rin sa suporta ng mga taong naniniwala sa kanilang kakayanan. Ilan sa mga ito ang Clean & Green Projects, Distribution of School Supplies, Health/Hygiene kits at mga Sports Tournaments.

Madalas na komento ng mga taong hindi naniniwala sa kakayahan at pamamahala ng ating SK Council ang mga salitang "Anggapoy agawaan" pero dahil sa mga taong sumusuporta, patuloy na naging matatag at hindi nagpatinag, at lalo pang naging aktibo sa mga proyekto nito ang SK Council 2018-2023. Kaya sa nalalapit na pagbaba namin sa pwesto, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong buo ang paniniwala sa aming mga kakayahan, sa mga taong buo ang suporta at pagmamahal sa amin hanggang sa dulo.

Nawa'y hindi po ninyo kami makalimutan. Maraming salamat sa limang taong pagkakataon na kayo ay mapagsilbihan, mahal naming kabataan ng Leet. Mananatili po sa aming mga puso ang mga taong nagmahal at sumuporta sa amin.

Sa ating mga susunod na elected SK Council, nawa'y maging matagumpay kayo sa lahat ng gagawin niyo para sa ikabubuti ng ating mahal na kabataan. Kami ay handang sumuporta sa inyo sa lahat ng pagkakataon.

Muli po, maraming maraming salamat...

SK LEET 2018-2023 is now signing off....

22/07/2023
27/06/2023

Address

Santa Barbara

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK Leet 2018-2023 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share