11/08/2026
โจ ISANG MATAGUMPAY NA LINGGO NG KABATAAN 2026 & SK NIGHT! โจ
โDifferent Context, Same Common Aspiration.โ ๐ค
Sa bawat kabataan, maaaring magkakaiba ang ating kwento, karanasan, at pinanggalinganโngunit iisa ang ating hangarin: isang mas makabuluhan, nagkakaisa, at mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan.
Taos-puso ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026 at SK Night ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Banzal. Ang tagumpay na ito ay hindi lamang bunga ng isang programa, kundi bunga ng pagkakaisa, pagtutulungan, at malasakit ng bawat taong naglaan ng oras, talento, at pagod.
Isang malaking pasasalamat kay Hon. Carlito โNoyโ Zaplan, sa kanyang pagdalo at patuloy na suporta sa ating mga kabataan.
Lubos din ang aming pasasalamat sa ating Guest of Honor and Speaker, Hon. Vice Mayor Bobby Barbiran, sa pagbibigay ng kanyang oras at sa pagbabahagi ng isang makabuluhan at inspirasyonal na mensahe para sa ating kabataan. Tunay na isang karangalan ang inyong presensya sa aming pagdiriwang. ๐ค
Maraming salamat din sa ating mahusay at masiglang Emcee, SK Kagawad Jomari Velasquiz, na naging bahagi ng saya at energy ng ating programa mula simula hanggang wakas. ๐ค
Sa Luna Light and Soundsystem, maraming salamat sa inyong mahusay na serbisyo at sa pagbibigay-buhay sa ating SK Night. ๐ถโจ
Sa taong nasa likod ng maganda at maayos na stage design, maraming salamat sa inyong oras, talento, at effort upang maging mas espesyal at memorable ang ating programa.
At higit sa lahat, sa aking SK Council, maraming salamat sa inyong walang sawang suporta, oras, pagod, at pagtutulungan. Hindi naging madali ang mga paghahanda, ngunit dahil sama-sama nating hinarap ang bawat hamon, naging posible ang tagumpay ng ating mga programa.
Isang special appreciation din para sa ating SK Kagawad Princess Raguindin, na walang sawang nag-edit at nag-asikaso ng napakaraming bagay para sa ating mga posts, photos, videos, at iba pang documentation.
At isang napaka-special na pasasalamat sa ating SK Treasurer, Andrae Balcita. ๐ค
Maraming salamat sa pagiging punong abalaโsa pag-aasikaso ng napakaraming bagay, sa pagod na hindi nakikita ng lahat, sa pagiging present sa bawat kailangan, at sa pagiging isa sa mga taong maaasahan ko sa bawat programa.
And of course, sa Tropas ni Andraeโalam niyo na kung sino kayo! ๐ค
Maraming salamat sa inyong tulong, oras, effort, at sa pagiging laging handang tumulong kapag kinakailangan. Hindi man lahat ng ginawa ninyo ay nakikita sa mga larawan o nababanggit sa programa, alam namin at pinahahalagahan namin ang lahat ng inyong ginawa.
Sa aming Punong Barangay at mga Barangay Kagawad, maraming salamat po sa inyong presensya, gabay, suporta, at pakikiisa sa mga programa ng Sangguniang Kabataan. Malaking bagay po ang inyong suporta upang patuloy naming maisulong ang mga programang para sa ating kabataan.
At siyempre, sa lahat ng kabataan ng Barangay Banzalโmaraming, maraming salamat! ๐ซถ๐ป
Kayo ang dahilan kung bakit patuloy kaming nagsusumikap na makapaghatid ng mga programang hindi lamang masaya, kundi may layunin at tunay na makabuluhan.
Mula sa Laro ng Lahi, Poster Making, SK Got Talent, hanggang sa SK Night, naging mas makulay at mas memorable ang ating Linggo ng Kabataan dahil sa inyong pakikiisa, talento, enerhiya, at suporta.
Hindi man pare-pareho ang ating kwento, karanasan, at pinanggalingan, iisa ang ating pangarap para sa kabataan.
Different Context, Same Common Aspiration.
Magkakaiba man ang ating konteksto, iisa ang ating hangarinโisang mas magandang kinabukasan para sa bawat kabataan. ๐ฑโจ
Mula sa puso ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Banzal, maraming salamat sa inyong lahat. ๐ค
This celebration may have lasted only a few days, but the memories, friendships, and lessons we created together will stay with us for much longer.
Para sa Kabataan. Para sa Kinabukasan. Para sa Banzal. ๐ต๐ญ๐