01/09/2023
๐๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ฎโ๐ ๐บ๐ฎ๐ธ๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ!
Ang Pambansang Aklatan ng Pilipinas, kasama ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna, sa pangunguna ng Panlalawigang Aklatan ng Laguna, kasama rin ang Asosasyon ng mga Laybrayran sa Pampublikong Sektor, Inc. (Association of Librarians in the Public Sector, inc.), ay nagagalak na anyayahan kayong makilahok sa idaraos na Ikalabing-Isang Pagpupulong Ukol sa mga Gawing Pang-Laybraryan Para sa Mga Bata at Kabataan (๐ญ๐ญ๐๐ต ๐๐ผ๐ป๐ณ๐ฒ๐ฟ๐ฒ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐๐ต๐ถ๐น๐ฑ๐ฟ๐ฒ๐ป ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ฌ๐ผ๐๐ป๐ด ๐๐ฑ๐๐น๐ ๐๐ถ๐ฏ๐ฟ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐๐ต๐ถ๐ฝ) na gaganapin sa ika-11 hanggang sa ika-13 ng Oktubre sa Splash Mountain Resort, Los Baรฑos, Laguna.
Ang tema ngayong taon ay pinamagatang, โ๐๐๐ป๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ง๐๐น๐ผ๐ป๐ด ๐ป๐ด ๐๐ธ๐น๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ฃ๐๐ต๐๐ป๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐๐ป๐น๐ฎ๐ฑ ๐ป๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป,โ [translation: ๐๐ฏ๐ฐ๐ธ๐ญ๐ฆ๐ฅ๐จ๐ฆ ๐ฐ๐ง ๐๐ฉ๐ช๐ญ๐ฅ๐ณ๐ฆ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐ต๐ฉ๐ฆ ๐ ๐ฐ๐ถ๐ต๐ฉ ๐ต๐ฉ๐ณ๐ฐ๐ถ๐จ๐ฉ ๐๐ช๐ฃ๐ณ๐ข๐ณ๐ช๐ฆ๐ด: ๐๐ฏ ๐๐ฏ๐ท๐ฆ๐ด๐ต๐ฎ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐ต๐ฐ ๐ข ๐๐ณ๐ช๐จ๐ฉ๐ต ๐๐ถ๐ต๐ถ๐ณ๐ฆ] kung saan ating pagsasaluhan ang bagong dekada na puno ng mga bagong kaalaman, kakayahan, at pagpapayaman ng pagbabasa ng mga bata at kabataan sa pamamagitan ng mga aklatan. Ang ating mga aklatan ay winawaring magbibigay pag-asa sa mas magandang kinabukasan ng paghasa ng kahusayan, kasanayan, at gawi alinsunod sa progreso ng teknolohiya; sa ating bansa man o sa buong mundo, para sa mga bata at kabataang tumatangkilik sa mga aklatan.
Kayaโt ano pang hinihintay nโyo? Ikaw man ay isang laybraryan, tagapangasiwa ng aklatan, lingkod bayan sa isang aklatan, o isang indibidwal na interesado sa kaalamang nakakabit sa tema ng taong ito, halinaโt makilahok!
Upang makapagparehistro, gamitin lamang ang link na ito: https://bit.ly/11thCCYAL