DARMO-Santa Cruz Marinduque

DARMO-Santa Cruz Marinduque Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from DARMO-Santa Cruz Marinduque, Public & Government Service, Santa Cruz.

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐ŽIpinapaalam ng DAR Marinduque na ipinatutupad na sa aming tanggapan ang hybrid work arrangement simula...
24/03/2026

๐๐€๐๐€๐“๐ˆ๐ƒ ๐’๐€ ๐๐”๐๐‹๐ˆ๐Š๐Ž

Ipinapaalam ng DAR Marinduque na ipinatutupad na sa aming tanggapan ang hybrid work arrangement simula ngayong linggo.

๐Ÿ“๐‹๐ฎ๐ง๐ž๐ฌ ๐ก๐š๐ง๐ ๐ ๐š๐ง๐  ๐‡๐ฎ๐ฐ๐ž๐›๐ž๐ฌ
8:00 AM - 5:00 PM (nasa opisina ang aming mga kawani)

๐Ÿ  ๐๐ข๐ฒ๐ž๐ซ๐ง๐ž๐ฌ
Work from Home

Ito ay alinsunod sa Memorandum Circular No. 114 na inilabas ng Office of the President noong Marso 6, 2026.

Bagamaโ€™t pansamantala ang kaayusang ito, mananatiling tuloy-tuloy at maayos ang aming serbisyo sa publiko.

๐˜—๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ต๐˜ข๐˜ฏ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ, ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ข๐˜ข๐˜ณ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ถ๐˜จ๐˜ฏ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ด๐˜ข:
โ˜Ž๏ธ 754-1819
๐Ÿ“ฑ 0970-847-3602
๐Ÿ“ง ๐˜ฅ๐˜ข๐˜ณ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ถ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ19@๐˜จ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ช๐˜ญ.๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฎ

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pag-unawa at pakikiisa.

Personalized and native give awaysHandcrafted by Kapatirang Marinduqueno Devilla Producers Cooperative
16/03/2026

Personalized and native give aways

Handcrafted by Kapatirang Marinduqueno Devilla Producers Cooperative

Patuloy na isinasagawa ang Subdivision Survey sa ilalim ng Project SPLIT March 14, 2026| Brgy. Kiniaman, Sta. Cruz,Marin...
14/03/2026

Patuloy na isinasagawa ang Subdivision Survey sa ilalim ng Project SPLIT

March 14, 2026| Brgy. Kiniaman, Sta. Cruz,Marinduque


Conducted research, validation, and coordination with Agrarian Reform Farmer Beneficiaries, Landowner (LO) representativ...
14/03/2026

Conducted research, validation, and coordination with Agrarian Reform Farmer Beneficiaries, Landowner (LO) representatives, barangay officials, and other concerned citizens regarding the unclassified Agrarian Reform Receipts (ARRs) within the Municipality of Santa Cruz.

Brgy. Kasily, Lipa, Lamesa, Masalukot, Makulapnit, Kilo-Kilo and Aturan, Santa Cruz, Marinduque

Ang pagpapatuloy ng Subdivision Survey sa ilalim ng Project SPLIT sa Brgy.Hupi, Sta. Cruz, Marinduque
13/03/2026

Ang pagpapatuloy ng Subdivision Survey sa ilalim ng Project SPLIT sa Brgy.Hupi, Sta. Cruz, Marinduque


Subdivision Survey under Project SPLIT in Brgy. Angas, Sta. Cruz, Marinduque
13/03/2026

Subdivision Survey under Project SPLIT in Brgy. Angas, Sta. Cruz, Marinduque


๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ฃ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด-๐—ฃ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ฆ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐˜†Nagsagawa ng mahalagang pulong-pulong sa DARMO Office ng Sta. Cruz, ...
12/03/2026

๐—ง๐—œ๐—ก๐—š๐—ก๐—”๐—ก: ๐—ฃ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด-๐—ฃ๐˜‚๐—น๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ด๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐—ท๐—ฒ๐—ฐ๐˜ ๐—ฆ๐—ฃ๐—Ÿ๐—œ๐—ง ๐—ฆ๐˜‚๐—ฟ๐˜ƒ๐—ฒ๐˜†

Nagsagawa ng mahalagang pulong-pulong sa DARMO Office ng Sta. Cruz, Brgy. Maharlika upang ipaliwanag at malinawan ang mga benepisyaryo sa proseso bago ang nakatakdang subdivision survey by contract. Dumalo ang mga Agrarian Reform Beneficiaries (ARB) mula sa Brgy. Hupi, San Antonio, at Aturan, kung saan tinalakay ang iskedyul, hakbang, at mga detalye ng survey.

Ayon sa plano: Brgy. Hupi sa Biyernes, Marso 13; Brgy. Aturan sa Marso 17; at Brgy. San Antonio sa Marso 18.

Layunin ng pulong-pulong na ito na masiguro ang malinaw at maayos na bawat hakbang para sa lahat ng benepisyaryo. ๐ŸŒฑ

BUHAY MAGSASAKA ๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŒพ"ARBs at Ang Natatanging Kwento, Talento Sipag at Pag-Asa"Mula sa matarik na daan at pinakamalayon...
04/03/2026

BUHAY MAGSASAKA ๐Ÿ‘จโ€๐ŸŒพ๐Ÿ‘ฉโ€๐ŸŒพ

"ARBs at Ang Natatanging Kwento, Talento Sipag at Pag-Asa"

Mula sa matarik na daan at pinakamalayong Sityo ng Barangay Masalukot, aming narating ang Sityo Tawang. Luntiang paligid, sariwang hangin at isang tahimik at payak na pamumuhay ang aming nadatnan. Isang mainit na pagtanggap na may ngiti at galak buhat kay Tatay Jose at Nanay Norma- mga benepisyaryo ng Kagawaran ng Repormang Pansakahan.

Sa aming panayam tungkol ng kwento ng kanilang buhay bilang mga magsasaka, aming nadiskubre ang kanilang natatanging talento, na sa kabila ng kanilang edad na 75 at 80, bukod sa pagsasaka at pagkakarit ng niyog, ay kaya pa nilang makagawa ng "lusong" at ng matibay na "bilao".

Tanging kahanga-hanga ang kanilang talento!!

Sa mga nais pong mag-order upang makatulong na madagdagan ang income nila Tatay Jose. Maari po kayong magmessage sa aming FB Page o magsadya sa aming tanggapan.

P.S. Ang bilao na nasa larawan po ay inagamit nila sa bahay kaya't luma na po, maganda po ito kapag bagong gawa ๐Ÿ™‚



Policy Formulation Training Workshop for Cooperative ARBOsPulong Parang, Sta. Cruz | Feb. 19, 2026Banogbog, Sta. Cruz | ...
03/03/2026

Policy Formulation Training Workshop for Cooperative ARBOs

Pulong Parang, Sta. Cruz | Feb. 19, 2026
Banogbog, Sta. Cruz | Feb. 20, 2026

Sumailalim sa isang pagsasanay ang mga ARBOs buhat sa Pulong Parang Farmer Beneficiaries Agri Coop, Masalukot Handicrafts Producers Coop, Banogbog Farmers Beneficiaries Agri Coop at Pantayin Jolo Beneficiaries Agri Cooperative.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ng mga kawani buhat sa DAR Municipal Office ng Sta Cruz Marinduque.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong matulungan ang mga Cooperative ARBOs na makapag balangkas ng mga polisiya at magkaroon ng detalyadong plano at patakaraan na susundin para maipatupad ng maayos ang kanilang mga proyekto at programa. Layunin din nito na magkaroon ng mga polisiya para sa mas maayos, patas at epektibong pagpapatakbo ng isang organisasyon.

Ang pagsasama-sama ng mga nabanggit na kooperatiba ay isang magandang hakbang upang makapagbahagi ang bawat isa ng iba't ibang karanasan na makatutulong para sa mas maayos na pagbalangkas ng mga polisiya.

Bahagi ng aktibidad na ito ang pagsasadula ng bawat kooperatiba ng mga nabuo nilang polisiya na naayon sa napapanahong kalagayan ng kanilang samahan.

Sa huling bahagi ng pagsasanay ginawaran ng mga gantimpala ang mga kooperatibang nagpamalas ng natatanging galing at talento.


Address

Santa Cruz
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DARMO-Santa Cruz Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share