Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque

Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque Manages and delivers health and nutrition services of the municipal government of Santa Cruz

SAYAW KABATAAN TUNGO SA KALUSUGAN VOLUME II - INTER HIGH SCHOOL 2026Matagumpay na naisagawa ngayong gabi ang Sayaw Kabat...
17/08/2026

SAYAW KABATAAN TUNGO SA KALUSUGAN VOLUME II - INTER HIGH SCHOOL 2026

Matagumpay na naisagawa ngayong gabi ang Sayaw Kabataan 2026 sa Santa Cruz Town Plaza, bilang bahagi parin ng ating pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026.

Hindi lang talento sa pagsasayaw ang ipinakita ng ating mga kabataan. Sa bawat galaw, expression, at choreography, naghatid sila ng mga makabuluhang mensahe tungkol sa mga real-life issues na kinakaharap ng ating mga kabataan at sa kahalagahan ng pagpili ng mas malusog at mas mabuting pamumuhay.

CONGRATULATIONS TO OUR WINNERS!

๐Ÿ†Champion: Malindig Institute Foundation
๐Ÿฅ‡1st Runner-Up: Santa Cruz Institute
๐Ÿฅˆ 2nd Runner-Up: Makapuyat National High School

Big congratulations din sa lahat ng participating schools! Saludo kami sa inyong creativity, effort, teamwork, at tapang na gamitin ang inyong talento upang maghatid ng isang makabuluhang mensahe.

Keep using your talents to inspire, speak up, and make a difference, Kabataang Santacruzin! โค

๐Ÿ‘€ โ€œSabi nilaโ€ฆโ€Pero, TOTOONG FACT BA โ€˜YAN? ๐Ÿค”๐Ÿ’‰Sa dami ng impormasyong nakikita at naririnig natin tungkol sa bakuna, paano...
17/08/2026

๐Ÿ‘€ โ€œSabi nilaโ€ฆโ€
Pero, TOTOONG FACT BA โ€˜YAN? ๐Ÿค”๐Ÿ’‰
Sa dami ng impormasyong nakikita at naririnig natin tungkol sa bakuna, paano natin malalaman kung alin ang tama? Kaya bago maniwala, mag-fact check muna! ๐Ÿ”
Huwag basta maniwala sa sabi-sabi! ๐Ÿ™‰
Alamin ang facts, iwaksi ang myths, at piliin ang impormasyong makakatulong sa kalusugan, basahin ang Bakuna Myth Buster. ๐Ÿ›ก๏ธ
๐Ÿšจ Tandaan:
Ang pagbabakuna ay proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.
๐Ÿ“ฒ Basahin. Alamin. I-share ang tamang impormasyon.
Dahil ang tamang kaalaman ay dagdag proteksyon sa bawat pamilya!



๐Ÿ‘€ โ€œSabi nilaโ€ฆโ€

Pero, TOTOONG FACT BA โ€˜YAN? ๐Ÿค”๐Ÿ’‰

Sa dami ng impormasyong nakikita at naririnig natin tungkol sa bakuna, paano natin malalaman kung alin ang tama? Kaya bago maniwala, mag-fact check muna! ๐Ÿ”

Huwag basta maniwala sa sabi-sabi! ๐Ÿ™‰

Alamin ang facts, iwaksi ang myths, at piliin ang impormasyong makakatulong sa kalusugan, basahin ang Bakuna Myth Buster. ๐Ÿ›ก๏ธ

๐Ÿšจ Tandaan:
Ang pagbabakuna ay proteksyon laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng bakuna.

๐Ÿ“ฒ Basahin. Alamin. I-share ang tamang impormasyon.

Dahil ang tamang kaalaman ay dagdag proteksyon sa bawat pamilya!




06/08/2026

๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐“๐ข๐ ๐๐š๐ฌ: ๐Œ๐ž๐š๐ฌ๐ฅ๐ž๐ฌ-๐‘๐ฎ๐›๐ž๐ฅ๐ฅ๐š ๐’๐ฎ๐ฉ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐š๐ฅ ๐ˆ๐ฆ๐ฆ๐ฎ๐ง๐ข๐ณ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐€๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ (๐’๐ˆ๐€)

Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang Ligtas Tigdas: Measles-Rubella Supplemental Immunization Activity (MR-SIA), isang mass immunization campaign na naglalayong maprotektahan ang mga batang may edad 6 hanggang 59 months old laban sa tigdas at rubella, alinsunod sa DOH Department Memorandum No. 2025-0573.

Sa pangunguna ng Municipal Health Office ng Santa Cruz, katuwang ang Department of Health, Center for Health Development (CHD) MIMAROPA at ang Provincial DOH Office (PDOHO), patuloy na isinusulong ang pangangalaga sa kalusugan ng mga kabataan at ang layuning maiwasan at tuluyang mapuksa ang pagkalat ng tigdas at rubella sa ating komunidad.

Maraming salamat sa lahat ng mga magulang at tagapag-alaga na nakiisa, gayundin sa mga healthcare workers at katuwang na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng aktibidad. Sama-sama nating itaguyod ang isang ligtas, malusog, at protektadong pamayanan para sa bawat bata. โค๐Ÿ’‰

Disclaimer: This video was recorded and shared with the consent of the individuals involved. It is intended for documentation and/or informational purposes only.



Measles Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Campaign Kick-Off 2026
06/08/2026

Measles Rubella Supplemental Immunization Activity (MR SIA) Campaign Kick-Off 2026



04/08/2026

Congratulations bayan ng Santa Cruz!

Isang pagkilala mula sa pamahalaang panglalawigan bilang "Most outstanding Municipal Nutrition Committee" sa lalawigan ng Marinduque.

Maraming salamat po Mayor Marisa Red at sa lahat ng bumubup ng Municipal Nutrition Committee at pamahalaang bayan ng Santa Cruz.

29/07/2026

Magandang araw mga bidang kasangga!

Usapang nutrisyon at kalikasan kasama sina MNAO Joan Palatino, Nurse Mary Kristine Pereda at guest bidang kasangga, DOH Nutritionist dietician Mica Faith Loreno.

Panuorin at matuto sa isa nanamang masayang talakayan.

27/07/2026

TINGNI MGA BIDANG KASANGGA!

Habang patuloy pa rin ang pagkumpleto ng pasilidad at nang gusali ay nakakapagserbisyo na sa ating mga kababayan ang Santa Cruz Super Health Center, kabilang ang libreng konsulta at gamot, sa pangunguna ni bidang kasangga Dra Ericka Laceda at SHC team.

Ito ay isang napakagandang proyektong patuloy na nasasakatuparan dahil sa tulong ng DOH, buong pamahalaang bayan ng Santa Cruz, lalong lalo na sa sipag at dedikasyong ng ating Mayor Marisa Red na walang sawang magpaalala to "dream big for Santa Cruz"

27/07/2026

Simula 2023, naging malaki po ang ipinagbago nang aming tanggapan. Nagkaroon ng mga bagong health station sa barangay, mga makabagong medical equipment, at karagdagang permenenteng doctor, mga nurse, mga midwife, medical technologists, at iba pang health workers. Nagkaroon dito po tayo nang Bagong Super Health Center na mas magiging kumpleto ang istraktura ngayong 2026. Dahil dito, mas napalawig aming mga serbisyong pangkalusugan para sa mgamamayan nang bayan ng Santa Cruz. Hindi po ito magiging posible kung hindi sa walang sawang suporta at tulong ni Mayor Marisa Red kasama ang buong pamahalaang bayan upang matupad ang kanyang layunin na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po sa inyo Mayor Marisa Red. Patuloy po naming inspirasyon ang inyong palaging sinasabi na "Dream Big for Santa Cruz"

Address

Palomares Street Corner Gomez St. , Brgy. Pag-asa
Santa Cruz
4902

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639219999975

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Santa Cruz Municipal Health Office, Marinduque:

Shortcuts

Share