17/06/2026
๐๐ข๐ข๐ฅ๐๐๐ก๐๐ง๐๐ก๐ ๐๐ข๐ก๐๐๐ฅ๐๐ก๐๐ ๐ข๐ก ๐ง๐๐ ๐ฅ๐๐๐จ๐๐ง๐๐ข๐ก ๐ข๐ ๐ง๐ฅ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ก๐ง๐ฆ
๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป, ๐ญ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐น๐ฒ๐
๐๐๐ป๐ฒ ๐ญ๐ณ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ
Bilang bahagi ng patuloy na pakikiisa at pagsuporta sa pagpapatupad ng mga batas at alituntunin sa lansangan, dumalo ang opisina ng ating ๐๐๐จ๐๐ฅ๐๐ ๐๐ฉ ๐๐๐๐๐จ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฝ๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ข๐๐๐ง ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐, ๐พ๐๐๐๐ง๐ข๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐๐ช๐ฃ๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ก๐๐ก๐๐ฌ๐๐๐๐ฃ ๐พ๐ค๐ข๐ข๐๐ฉ๐ฉ๐๐ ๐ค๐ฃ ๐๐๐๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ง๐๐๐ง ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐ก๐๐ ๐๐๐๐๐ฉ๐ฎ, sa isinagawang *Coordinating Conference on the Reduction of Traffic Accidents* sa bayan ng Cabangan, Zambales.
Pinangunahan ang naturang pagpupulong ng Philippine National Police Zambales sa pamumuno ni Provincial Director PCOL Benjamin Ariola, kasama ang mga Chief of Police mula sa iba't ibang bayan ng lalawigan, gayundin ang mga Municipal Councilor na namumuno sa Peace and Order and Public Safety Committees ng kani-kanilang lokal na pamahalaan at Traffic Management Group (TMG) ng bawat Bayan.
Sa nasabing kumperensya ay tinalakay ang iba't ibang mahahalagang usapin at estratehiya upang mabawasan ang bilang ng mga aksidente sa kalsada sa buong lalawigan. Kabilang dito ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas-trapiko, pagpapalakas ng information and education campaigns para sa mga motorista at pedestrian, pagpapabuti ng traffic management systems, at pagpapaigting ng koordinasyon sa pagitan ng mga law enforcement agencies at mga lokal na pamahalaan.
Binigyang-diin din sa pagpupulong ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos ng bawat sektor ng komunidad upang maisulong ang kaligtasan sa lansangan at maprotektahan ang buhay ng bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, lokal na opisyal, at ng publiko, mas magiging epektibo ang mga programang naglalayong maiwasan ang mga aksidente at mapanatili ang kaayusan sa ating mga kalsada.
๐๐๐ฉ๐ช๐ก๐ค๐ฎ ๐๐ฃ๐ ๐๐๐ง๐๐๐จ๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐ฝ๐ค๐ ๐๐ก ๐จ๐ ๐๐ช๐จ๐ค ๐ฝ๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ข๐๐๐ง ๐๐ง๐๐ ๐๐๐ฉ๐๐๐๐ sa mga programang nagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng bawat Zambaleรฑo. Ang ganitong mga hakbang ay mahalagang bahagi ng ating layunin na makamit ang isang mas ligtas, disiplinado, at maunlad na lalawigan ng Zambales.