08/10/2026
๐๐จ๐ซ๐๐ฅ ๐๐๐๐จ๐ฏ๐๐ซ๐ฒ, ๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐ฌ ๐
๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐๐ง๐ ๐๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ๐๐ฅ ๐๐ฉ๐ฅ๐ข๐๐ญ๐ฆ๐๐ง๐ญ | ๐๐ ๐ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐ฌ๐ฉ๐ข๐ซ๐ข๐ญ๐ฎ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ ๐๐ฎ๐๐ฅ๐ข๐ค๐จ | ๐๐๐ฅ๐๐ค (๐๐จ๐ฒ) - ๐๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐ฌ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ค๐จ๐โ
Isinagawa ang Moral Recovery Program (MRP) para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna mula sa Provincial Assessorโs Office, Sectoral Concern Office, Public Affairs Office, General Services Office (GSO), Laguna Traffic Management Office (LTMO), Provincial Nutrition Action Office (PNAO), Management Information Systems Office (MISO), at Akay ni Gob Botika sa Victoria at Pila nitong Martes, Oktubre 6, 2026.
Nakatuon ang talakayan sa Galak (Joy) bilang isa sa mga bunga ng Banal na Espiritu at sa kahalagahan nito sa pang-araw-araw na pagtupad ng tungkulin. Binigyang-diin na ang tunay na kagalakan ay hindi lamang nakabatay sa magandang sitwasyon, kundi nagmumula sa pusong marunong magpasalamat at patuloy na gumagawa ng mabuti sa kabila ng mga hamon.
Sa pamamagitan ng Head, Heart, and Hand, hinikayat ang mga kawani na isabuhay ang Joyful Disposition, Joyful Reception, at Joyful Serviceโsa pagpapanatili ng positibong pananaw, maayos na pagtanggap sa kapwa, at masayang pagtupad sa responsibilidad bilang lingkod-bayan.
โ๐ฆ๐๐ฏ๐ฎ๐น๐ถ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ป๐ด๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐๐ฝ๐ถ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฎ๐ ๐ฝ๐ฎ๐ด-๐ถ๐ฏ๐ถ๐ด, ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป, ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ฎ๐ปโฆโ โ ๐๐ฎ๐น๐ฎ๐ฐ๐ถ๐ฎ ๐ฑ:๐ฎ๐ฎ
Life Application:
โ๐ฆ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ด๐ธ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ป ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ด๐ฏ๐๐ฏ๐๐ต๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐ป๐ผ๐ผ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป.โ โ ๐ก๐ฒ๐ต๐ฒ๐บ๐ถ๐ฎ๐ ๐ด:๐ญ๐ฌ
Sa bawat ngiti, mabuting pakikitungo, at tapat na pagtupad sa tungkulin, nawaโy maging daluyan tayo ng galak, pag-asa, at positibong pagbabago sa ating tanggapan at sa mga mamamayang ating pinaglilingkuran.
๐ด๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐.