24/05/2026
81IB at mga Ahensya ng Pamahalaan, Nagdaos ng RCSP Solution-Seeking Dialogue sa Bayan ng Del Gallego at Ragay Camarines Sur
81IB, Ragay, Camarines Sur โ Matagumpay na isinagawa ang Retooled Community Support Program (RCSP) na may temang โBaranggayan sa Bikolโ at ang kaugnay nitong Solution-Seeking Dialogue sa dalawang mag kahiwalay ng bayan ng Del Gallego at Ragay sa lalawigan ng Camarines Sur, bilang bahagi ng pinaigting na pagtutulungan ng pamahalaan, mga ahensya ng gobyerno, at komunidad tungo sa pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran.
Nagsimula ang aktibidad ng maagang bahagi ng araw sa Municipal Evacuation Center, Barangay Comadogcadog sa bayan ng Del Gallego, Camarines Sur sa pangunguna ni Hon. Melanie Abarientos-Garcia Municipal Mayor ng Del Gallego katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na pinangunahan ni Provincial Director Mr. Ray B. Caceres, CESO V kasama ang kasundaluhan ng 81st Infantry (Spartan) Battalion, at ibaโt ibang National Government Agencies (NGAs), upang talakayin ang mga pangunahing pangangailangan at suliranin ng komunidad gamit ang โProblem-to-Solutionโ na pamamaraan. Kabilang sa mga priority barangays ng programa ang Barangay Caditaan, Lower Santa Cruz, at Panaytayan
Pagkatapos ng matagumpay na pagsasagawa sa bayan ng Del Gallego, lumipat naman ang pangkat patungo sa bayan ng Ragay upang isagawa ang parehong programa na ginanap sa SK Building, Poblacion Iraya, Ragay, Camarines Sur, bandang alas dos ng hapon sa pangunguna ni Hon. Benchie G Horibata Municipal Mayor ng Ragay, at kapwa dinaluhan naman ng kinatawan mula sa mga ahensya ng pamahalaan, Municipal Local Government Unit (MLGU), mga opisyal ng barangay, at iba pang stakeholders mula sa barangay ng Santa Rita I, Santa Rita II, at Kinalangan.
Bilang bahagi ng programa ng aktibidad, ipinaabot naman ang buong suporta at mensahe mula sa 81ST Infantry (Sparatan) Battalion sa pangunguna ni LTC LINECO S BASAS INF (GSC) PA, Commanding Officer ng 81IB, ang nasabing mensahe ay pormal na ipinahayag ni MAJ FLORENT G CASILLA (INF) PA, Bn Executive Officer na kumatawan kay LTC BASAS sa nasabing aktibidad, nagbigay din ng mensahe sina Hon Melanie Abarientios Municipal Mayor ng Del Gallego, Hon. Benchie G Horibata Municipal Mayor ng Ragay, at DILG Camarines Sur Provincial Director Mr. Ray B. Caceres, CESO V. Binigyang-diin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa, aktibong partisipasyon ng mamamayan, at mahusay na koordinasyon ng bawat ahensya upang mas epektibong matugunan ang mga pangangailangan, suliranin ng komunidad at mapanatili ang kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan.
Sa kabuuan, muling pinatunayan ng Retooled Community Support Program (RCSP) sa bayan ng Ragay at Del Gallego, ang kahalagahan ng Whole-of-Nation Approach na kung saan ito ay isang komprehensibo at makataong paraan ng pagtugon sa mga suliranin ng lipunan. Hindi lamang nito pinapahinto ang kaguluhan, kundi nagbibigay rin ito ng oportunidad, pag-asa, at pangmatagalang kaunlaran para sa bawat Pilipino. Ito ay patunay na ang tunay na kapayapaan ay nakakamit hindi lamang sa pamamagitan ng seguridad, kundi sa pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan ng buong bayan.