Sangguniang Kabataan Lapu-Lapu

Sangguniang Kabataan Lapu-Lapu Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sangguniang Kabataan Lapu-Lapu, Government Organization, Barangay Lapu-Lapu, Santa Cruz.

Matagumpay na binuksan ang Sports Fest sa Brgy. Lapu-Lapu, Santa Cruz, Marinduque sa ganap na 9:30 AM! Isang makulay na ...
24/11/2025

Matagumpay na binuksan ang Sports Fest sa Brgy. Lapu-Lapu, Santa Cruz, Marinduque sa ganap na 9:30 AM!

Isang makulay na parada ang nagpasigla sa umaga, sinundan ng makahulugang mensahe mula sa PPSK Hon. Jhustin Rodil na nagpaalab sa puso ng bawat manlalaro. Sa tulong at pagtutulungan ng SK Lapu-Lapu sa pamumuna ni SK Chairman Tirso P. Quinto at Sanguniang Barangay Lapu-Lapu sa pamumuno ni Kapitan Ferdinand Ricafrente, naging makulay rin ang laban ng mga muse.

Isang ligtas, buhay na buhay, at makabuluhang Opening Ceremony na tunay na nagbubuklod sa kabataan at komunidad. Padayon, Lapu-Lapu—dito nagsisimula ang mas matibay na samahan at mas ma­siglang sportsmanship!

Ngayong araw, Oktubre 19, 2025, matagumpay na naisagawa ang Katipunan ng Kabataan Assembly na ginanap sa Lapu-Lapu Cover...
19/10/2025

Ngayong araw, Oktubre 19, 2025, matagumpay na naisagawa ang Katipunan ng Kabataan Assembly na ginanap sa Lapu-Lapu Covered Court, sa ilalim ng temang "Youth in Action: Leading Today, Shaping Tomorrow."

Sa naturang pagtitipon, tinalakay ang iba't ibang makabuluhang agenda na may layuning isulong ang kapakanan at kaunlaran ng mga kabataan sa ating barangay. Inilahad din ang mga dating proyekto ng Sangguniang Kabataan na matagumpay na naisakatuparan, gayundin ang mga planong gawain at programa na nakatakdang ipatupad sa mga susunod na buwan.

Bilang bahagi ng aktibidad, isinagawa rin ang isang symposium na naglalayong magbigay kaalaman at inspirasyon sa mga kabataan. Nagkaroon din ng pamamahagi ng mga school supplies para sa mga batang mag-aaral, at inilahad ang mga detalye ng nalalapit na Sportsfest 2025 para sa basketball at volleyball isa sa pinaka inaabangan ng maraming kabataan sa ating pamayanan.

Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa sa nasabing KK assembly. Ang inyong aktibong pakikilahok ay patunay ng matatag na suporta at dedikasyon ng kabataan ng Lapu-Lapu sa mga layunin at adbokasiya ng Sanggunian. Kayo ang inspirasyon sa patuloy naming paglilingkod at pagbibigay-serbisyo.

Sama-sama tayong kumilos para sa kinabukasan ng kabataan!



Nagsagawa ang Sanguniang Kabataan ng Lapu-Lapu ng symposium na tinatalakay ang early pregnancy at sexually transmitted d...
19/10/2025

Nagsagawa ang Sanguniang Kabataan ng Lapu-Lapu ng symposium na tinatalakay ang early pregnancy at sexually transmitted diseases (STD). Ginanap ito sa Baranggay Lapu-Lapu Covered Court, at pinangunahan ang talakayan ni Ms. Maryhill Peña na buong pusong nagbahagi ng kanyang knowledge sa naturang topic.

Layunin ng gawaing ito na madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan tungkol sa mga panganib ng maagang pagbubuntis at mga sakit na maaaring mangyari. Hangarin ng Sangguniang Kabataan Lapu-Lapu na mahikayat ang kabataan na maging responsable, magkaroon ng mas malawak na pang-unawa sa reproductive health, at higit sa lahat ay matutong umiwas sa mga sitwasyong maaaring makaapekto sa kanilang kinabukasan.

Lubos ang pasasalamat ng Sanggunian sa lahat ng nakinig, at nakiisa sa symposium. Ganoon din ang taos-pusong pasasalamat sa tagapagsalita na walang pag-aalinlangang nagbahagi ng kaniyang karunungan, para sa kapakanan ng kabataan ng Baranggay Lapu-Lapu.

Address

Barangay Lapu-Lapu
Santa Cruz
4902

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan Lapu-Lapu posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share