04/09/2026
π Magandang araw po, mga Bestfriend!
Ngayong tag-ulan, mas mahirap ang sitwasyon ng ilan nating kababayan, lalo na sa mga lugar na patuloy na naaapektuhan ng baha.
Sa pakikipagtulungan po ng Sangguniang Barangay ng Santo Angel Norte, nakapaghatid tayo ng mga bota at ilang kagamitang maaaring magamit ng ating mga kababayang nananatili sa kanilang mga tahanan. Kasabay nito, atin na rin pong kinumusta at tiningnan ang kalagayan ng kanilang lugar.
Sa maliit na paraan, hangad nating makatulong at maipadama na may kasama sila sa panahon ng pagsubok. π
Paalala rin po sa lahat: iwasan hangga't maaari ang paglusong sa baha dahil sa panganib ng leptospirosis. Kung hindi maiiwasan ang exposure sa baha, maglinis agad nang maayos at kumonsulta sa health center o doktor para sa tamang payo. Huwag basta uminom ng antibiotic nang walang payo ng health professional.
Tag-ulan na naman, patuloy po tayong mag-ingat, magdamayan, at bantayan ang isaβt isa. ππ
Ingat po tayong lahat at God bless!