MDRRM-Sta. Cruz

MDRRM-Sta. Cruz The Official page of Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office of Santa Cruz, Zambales.

06/04/2026
23/03/2026

๐ŸŒฌ๏ธโ˜€๏ธ Hanggang sa Muli, Amihan!

The Northeast Monsoon has officially ended, marking the transition to the warm and dry season. Warmer days ahead, but occasional thunderstorms may still occur. The public is advised to take precautionary measures to minimize heat stress and optimize the daily use of water for personal and domestic consumption.

READ MORE HERE: https://bit.ly/2026NEMTermination

16/03/2026
๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—™๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ดKasunod ng isinagawang monitoring at information dissemination sa...
10/03/2026

๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ฟ๐—ฑ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐˜„๐—ถ๐˜๐—ต ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜†๐˜€ ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐—™๐˜‚๐—ฒ๐—น ๐—ฆ๐˜๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐— ๐—ผ๐—ป๐—ถ๐˜๐—ผ๐—ฟ๐—ถ๐—ป๐—ด

Kasunod ng isinagawang monitoring at information dissemination sa mga gasoline stations, nakipag-ugnayan din ang aming opisina sa mga barangay kung saan matatagpuan ang mga nasabing establisyimento upang palakasin ang lokal na monitoring at reporting mechanism.

Personal na binisita ng aming tanggapan ang mga opisyal ng barangay upang ipaliwanag ang mga paalala at alituntunin ng Department of Energy (DOE).

Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na opisyal, hiniling din namin ang tulong ng mga barangay sa agarang pag-uulat at patuloy na pagmomonitor sa kalakaran ng mga gasoline stations sa kanilang nasasakupan upang matiyak na may sapat at maayos na suplay ng fuel para sa ating komunidad.

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐ŸฒSa direktiba ni Punong Bayan, Hon. Consolacion M. Marty,  nagsagawa ang aming opisina kasama ang Sta. Cruz,...
10/03/2026

๐— ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฐ๐—ต ๐Ÿต, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Sa direktiba ni Punong Bayan, Hon. Consolacion M. Marty, nagsagawa ang aming opisina kasama ang Sta. Cruz, Municipal Police Station ng monitoring at information dissemination sa mga gasoline stations sa ibaโ€™t ibang bahagi ng bayan.

Sa isinagawang pagbisita, ipinaabot sa mga operator at personnel ng mga fuel stations ang paalala hinggil sa pagsunod sa mga alituntunin ng Department of Energy (DOE) ukol sa fuel pricing, loading policies, at mga probisyon laban sa hoarding at profiteering. Ang mga hakbang na ito ay mahalaga upang matiyak ang responsableng pagbebenta at distribusyon ng petrolyo lalo na sa panahon ng krisis o state of emergency.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na koordinasyon ng Munisipyo sa mga kritikal na establisyimento upang mapanatili ang kaayusan, sapat na suplay ng fuel, at kahandaan ng komunidad.

17/02/2026
๐‡๐š๐ง๐๐š ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌNoong ika-19 ng Enero, sinimulan namin ang pag-iikot sa mga paaralan upang magbahagi ng kaalam...
04/02/2026

๐‡๐š๐ง๐๐š ๐๐ ๐š๐ฒ๐จ๐ง, ๐‹๐ข๐ ๐ญ๐š๐ฌ ๐๐ฎ๐ค๐š๐ฌ

Noong ika-19 ng Enero, sinimulan namin ang pag-iikot sa mga paaralan upang magbahagi ng kaalaman tungkol sa sakuna at kahandaan sa pamamagitan ng aming Disaster Information, Education, and Communication (IEC) activities. Sa bawat silid-aralan na aming napupuntahan, layunin naming ipaliwanag sa sa paraang simple, masaya, at madaling maintindihan kung paano maging handa at ligtas sa oras ng sakuna.

Kasama sa aming binibisita ang lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bayan, pati na rin ang mga paaralan sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), dahil naniniwala kami na walang batang dapat maiwan pagdating sa kaligtasan at kaalaman.

Sa ngayon, nakapagsagawa na kami ng IEC sessions sa 19 mula sa kabuuang 41 paaralan sa Sta. Cruz, at tuloy-tuloy ang aming gawain hanggang sa marating at makapagturo sa lahat ng 41 paaralan sa buong munisipalidad.

Ito ay bahagi ng aming patuloy na paninindigan na palakasin ang kamalayan ng kabataan at ihanda ang bawat komunidad para sa isang mas ligtas at mas handang Sta. Cruz.

14/12/2025

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ ๐—บ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—บ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ถ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ด ๐—น๐—ผ๐—ธ๐—ฎ๐˜€๐˜†๐—ผ๐—ป, ๐—ป๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜๐—ผ ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ณ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—–๐—ฎ๐—บ๐—ฝ ๐— ๐—ฎ๐—ฝ ๐—ป๐—ด ๐Ÿฏ๐Ÿฏ๐—ฟ๐—ฑ ๐—”๐˜€๐—ถ๐—ฎ-๐—ฃ๐—ฎ๐—ฐ๐—ถ๐—ณ๐—ถ๐—ฐ ๐—ฅ๐—ฒ๐—ด๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ฎ๐—น ๐—ฆ๐—ฐ๐—ผ๐˜‚๐˜ ๐—๐—ฎ๐—บ๐—ฏ๐—ผ๐—ฟ๐—ฒ๐—ฒ

Mahalagang pag-aralan at tandaan ng bawat Scouts, at Delegation ang camp map upang maging gabay at madaling matukoy ang sariling lokasyon, makaiwas sa pagkaligaw, at masigurong maayos ang koordinasyon at kaligtasan sa buong panahon ng aktibidad.

Para sa iba pang kaganapan at updates sa 33rd Asia Pacific Regional Scout Jamboree, i-like, i-follow, at i-share ang Official FB Page, Zambales for the Poeple.


Address

Sta. Cruz, Zambales
Santa Cruz
2213

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MDRRM-Sta. Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share