17/07/2026
๐ ๐๐๐๐ก๐ง๐ข๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐ข๐๐๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐
๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ง๐ฌ๐ฉ๐๐๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐ก๐ง๐จ ๐๐๐ฆ๐จ ๐
๐๐ซ๐ฆ๐ฌ | ๐๐๐ง๐ญ๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ณ, ๐๐๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐๐น๏ธ๐พ
Isinagawa ang Technical Briefing sa FAES-OPAG, Brgy. Calios, Santa Cruz, Laguna, na sinundan ng field inspection sa mga barangay ng Bagumbayan at Calios bilang paghahanda sa pagtatatag ng Techno Demo Farms para sa Mechanical Precision (MP) Seeder at Drone Seeding Technology.
Ang aktibidad na ito ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan kay Dr. Niรฑo Banayo ng Office of the Provincial Agriculturist (OPA) Laguna (FAES-OPAg Laguna), bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng mga ahensya at institusyon upang maisulong ang makabagong teknolohiya sa produksyon ng palay.
Ang Techno Demo para sa MP Seeder ay pangungunahan ng University of the Philippines Los Baรฑos (UPLB), habang ang Techno Demo para sa Drone Seeding ay pangungunahan ng International Rice Research Institute (IRRI). Layunin ng mga demonstration farms na maipakita sa mga magsasaka ang aktuwal na paggamit at mga benepisyo ng mga makabagong pamamaraan sa pagtatanim ng palay sa ilalim ng lokal na kondisyon ng Santa Cruz, Laguna.
Sa pamamagitan ng paggamit ng MP Seeder at Drone Seeding Technology, inaasahang mapapabilis ang operasyon sa bukid, mababawasan ang gastusin sa paggawa, magiging mas episyente ang paggamit ng binhi, at mapapataas ang ani. Higit sa lahat, magsisilbi itong pagkakataon para sa mga magsasaka na makita at masuri mismo ang performance ng mga teknolohiyang ito upang makagawa ng mas mahusay na desisyon sa kanilang mga sakahan.
๐พ Patuloy ang ating pagtutulungan sa pagitan ng LGU Santa Cruz, Office of the Provincial Agriculturist (OPA) Laguna, UPLB, at IRRI upang maisulong ang modernisasyon ng agrikultura at mapalakas ang produksyon ng palay sa ating bayan.
๐๐ข๐ฎ๐ข-๐ด๐ข๐ฎ๐ข ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ฉ๐ถ๐ด๐ข๐บ, ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฃ๐ถ๐ฌ๐ข๐ด, ๐ข๐ต ๐ฎ๐ข๐ด ๐ฎ๐ข๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ฏ๐ต๐ข ๐๐ณ๐ถ๐ป.
๐ฝ๐๐ฎ๐๐ฃ ๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ ๐พ๐ง๐ช๐ฏ, ๐๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐ค ๐ฃ๐ ๐๐๐-๐ช๐ฃ๐ก๐๐!