Sangguniang Bayan Ng Santa Cruz

Sangguniang Bayan Ng Santa Cruz "𝘼 𝙋π™ͺπ™—π™‘π™žπ™˜ π™Šπ™›π™›π™žπ™˜π™š π™žπ™¨ 𝙖 𝙋π™ͺπ™—π™‘π™žπ™˜ 𝙏𝙧π™ͺ𝙨𝙩"

02/09/2026
πŸ“Έ PHOTO HIGHLIGHTS | 60th REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYANHeld on Monday, August 24, 2026, the 60th Regular Sess...
27/08/2026

πŸ“Έ PHOTO HIGHLIGHTS | 60th REGULAR SESSION OF THE SANGGUNIANG BAYAN

Held on Monday, August 24, 2026, the 60th Regular Session of the Sangguniang Bayan was conducted as part of the continuing legislative work and public service of the Sangguniang Bayan of Santa Cruz, Laguna.

The session focused on matters concerning the community and the continuing pursuit of responsive, effective, and meaningful local governance.

27/08/2026

LIVE COMMITTEE HEARING | Agosto 27, 2026

πŸ“Œ LUPON SA EDUKASYON at LUPON SA KAPAYAPAAN, KAAYUSAN AT KALIGTASANG PANGMADLA

πŸ• Ika-1:00 ng Hapon

Isinasagawa ngayong hapon ang Unang Pagliliwat sa panukalang Ordinansa mula sa Kgg. Punong Bayan Joseph Kris Benjamin B. Agarao, na naglalayong palakasin ang seguridad sa lahat ng pribado at pampublikong institusyong pang-edukasyon sa Bayan ng Santa Cruz, Laguna.

Kabilang sa mga itinataguyod ng panukala ang pagtatakda ng Minimum School Security Standards, gayundin ang paghikayat sa paggamit ng Walk-Through Metal Detector, CCTV Cameras, at iba pang sistema ng pangseguridad, alinsunod sa mga umiiral na batas, tuntunin at regulasyon.

Layunin nitong higit na mapalakas ang mga hakbang para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral, g**o, kawani at iba pang miyembro ng school community.

26/08/2026

πŸ”΄ LIVE | COMMITTEE MEETING

Ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2026, ganap na ika-11:00 ng umaga, isinasagawa ang Committee Meeting ng Lupon sa Pabahay at Paggamit ng Lupa.

πŸ“Œ Tatalakayin: Pangalawang Pagliliwat mula kay Kgg. Punong Bayan Joseph Kris Benjamin B. Agarao na humihiling ng pagpapatibay ng isang Resolusyon na magbibigay kapangyarihan sa kanya na lumagda sa Kasulatan ng Donasyon (Deed of Donation) pabor sa Santa Cruz Water District (SCWD) para sa isang bahagi ng lupang pag-aari ng Pamahalaang Bayan ng Santa Cruz, Laguna, na matatagpuan sa Barangay Oogong, Santa Cruz, Laguna.

Ang nasabing lupa ay kinilala sa Proposed Subdivision Scheme bilang Block 1, Lot 17, na may kabuuang lawak na 171 metro kuwadrado.

πŸŽ₯ Panoorin ang LIVE na Committee Meeting at manatiling updated sa mga usaping tinatalakay ng Sangguniang Bayan.

26/08/2026

πŸ”΄ LIVE | Committee Meeting

Agosto 26, 2026 | Miyerkules | 10:00 AM

Isinasagawa ngayon ang Committee Meeting ng Lupon sa Mabuting Pamamahala, Pampublikong Asal at Pampublikong Pananagutan ng Sangguniang Bayan ng Santa Cruz, Laguna.

Tatalakayin ang Unang Pagliliwat mula sa Kgg. Punong Bayan Joseph Kris Benjamin B. Agarao, na humihiling para sa pagpapasa ng isang Resolusyon na nagdedeklara sa Lumang Gusali ng Munisipyo (Old Municipal Building) bilang Multi-Purpose Building.

Layunin nitong magamit ang gusali para sa iba’t ibang programa, aktibidad, pagpupulong, at iba pang lehitimong gawain ng pamahalaang bayan at ng komunidad.

Manatiling nakatutok para sa mga mahahalagang talakayan at updates mula sa komite.

26/08/2026

πŸ”΄ LIVE | Committee Meeting

Agosto 26, 2026 | Miyerkules | 9:00 AM

Isinasagawa ngayon ang Committee Meeting ng Lupon sa Kalusugan, Nutrisyon at Sanitasyon ng Sangguniang Bayan ng Santa Cruz, Laguna.

Tatalakayin ang Proposed Ordinance na naglalayong pawalang-bisa ang Municipal Ordinance No. 19, Series of 2019 at magpatibay ng isang mas komprehensibong lokal na polisiya para sa pag-iwas, pagkontrol, at pamamahala ng Sexually Transmitted Infections (STI), Human Immunodeficiency Virus (HIV), at Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) sa Bayan ng Santa Cruz, Laguna. Kabilang din dito ang pagtatatag ng isang Advisory Multisectoral AIDS Council at iba pang kaugnay na mga probisyon.

Manatiling nakatutok para sa mga mahahalagang talakayan at updates mula sa komite.

25/08/2026

LUPON SA KALUSUGAN, NUTRISYON AT SANITASYON AT LUPON SA BARANGAY AFFAIRS

Barangay Calios – Pagsususog sa Kapasiyahan ng Barangay Blg. 1-Series of 2026 – Isang Ordinansa ukol sa pagbabawal sa pagbibili, pagbebenta, pamamahagi at pagbibigay ng permiso sa pag-inom ng alak at paninigarilyo ng mga Menor-de -edad sa Barangay Calios at naglalagay ng kaukulang parusa dito.

25/08/2026

LUPON SA PANGKABUHAYAN, PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA

Pagbibigay ng awtoridad na pumasok at lumagda sa isang Memoandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang bayan ng Santa Cruz, Laguna at Board of Investments

24/08/2026

60TH REGULAR SESSION | SANGGUNIANG BAYAN OF SANTA CRUZ, LAGUNA

The Sangguniang Bayan of Santa Cruz, Laguna convenes today for its 60th Regular Session, presided over by the Honorable Vice Mayor and with the participation of the members of the Sangguniang Bayan.

The session focuses on the deliberation of proposed measures, resolutions, ordinances, and other matters concerning the governance, development, and welfare of the Municipality of Santa Cruz.

πŸ“ Sangguniang Bayan Session Hall
πŸ“… August 24, 2026

Patuloy na paglilingkod para sa bawat Santa Cruzan.

Address

2nd Floor Escolapia Building, Poblacion 3, Laguna
Santa Cruz
4009

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Bayan Ng Santa Cruz posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share