Sangguniang Kabataan - Barangay Tabugon

Sangguniang Kabataan - Barangay Tabugon Official Page of SK Tabugon
Tabugon, Santa Fe, Romblon

17/07/2026
17/07/2026

🚸 BARANGAY TANOD ON DUTY 🚸

Patuloy na nagbabantay ang ating Barangay Tanod sa School Zone upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, g**o, at mga mamamayang dumaraan.

Paalala sa lahat ng motorista: Magbagal, sumunod sa batas-trapiko, at maging mapagmatyag sa School Zone. Ang disiplina sa kalsada ay mahalagang ambag sa ligtas na komunidad.

"Ligtas na Paaralan, Ligtas na Pamayanan." 💙👮‍♂️🚸

11/07/2026

RAINFALL ADVISORY | Patuloy na Pag-ulan Naranasan sa Buong Lalawigan ng Romblon

Batay sa PAGASA Rainfall Advisory No. 9 na inilabas ngayong 2:00 P.M., 11 Hulyo 2026, dulot ng Southwest Monsoon (Habagat), patuloy na nakararanas ng katamtaman hanggang paminsan-minsang malakas na pag-ulan ang buong lalawigan ng Romblon, na maaaring magpatuloy sa susunod na 2 hanggang 3 oras at makaapekto pa sa mga karatig na lugar.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa posibleng:

* Pagbaha sa mga mabababang lugar;
* Pagtaas ng lebel ng tubig sa mga ilog at sapa;
* Pagguho ng lupa sa mga bulubunduking lugar; at
* Madulas na mga kalsada at mababang visibility na maaaring makaapekto sa paglalakbay.

Lalo ring pinapayuhan ang mga residente sa mga flood-prone at landslide-prone areas na maging handa at sundin ang mga abiso ng inyong lokal na pamahalaan at mga awtoridad.

Patuloy na subaybayan ang mga opisyal na update mula sa PAGASA, PDRRMO Romblon, at sa inyong lokal na Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO).

Mag-ingat at unahin ang kaligtasan, mga kasimanwa!



11/07/2026

BREAKING: Typhoon Inday, internationally known as Bavi, has exited the Philippine Area of Responsibility (PAR) as of 8:00 a.m. on July 11, according to the Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

11/07/2026

| Nananatiling kanselado ang mga biyahe sa sumusunod na mga pantalan dahil sa umiiral na masamang lagay ng panahon:

• Port of Romblon
• Port of San Jose
• Port of Concepcion
• Port of Magdiwang
• Port of Cajidiocan
• Port of Odiongan
• Port of San Agustin
• Port of Corcuera
• Port of Sta. Fe

📌 I-refresh ang post na ito para sa pinakabagong listahan ng mga pantalan na nananatiling walang biyahe.



Address

Tabugon, Santa Fe, Romblon
Santa Fe
5508

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Barangay Tabugon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share