Santa Fe, Romblon Public Information Office

Santa Fe, Romblon Public Information Office Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Santa Fe, Romblon Public Information Office, Government Organization, Poblacion, Santa Fe.

Welcome to the Official page of the Local Government Unit of Santa Fe which aims to provide accurate, timely, and consistent information and serve as the communication arm between the people and the government.

SEPTEMBER 01, 2026 | BE THE NEXT PISAY SCHOLARCalling all Grade 6 students! Huwag palampasin ang pagkakataong maging bah...
01/09/2026

SEPTEMBER 01, 2026 | BE THE NEXT PISAY SCHOLAR

Calling all Grade 6 students! Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng Science High School - Mimaropa Region Campus in Romblon at buksan ang pinto tungo sa isang mundo ng Science, Technology, Innovation, at Excellence.

Take the National Competitive Examination (NCE)

Who Can Apply:
✅ Grade 6 Students
✅ Filipino Citizen
✅ 15 years old or below by June 30, 2026
✅ Has 85 % final grade in Science & Math
✅ Satisfactory character rating
✅ In good health, physically fit
✅ First time PSHS applicant

📅 Application Period: Unti November 7, 2026
📝 Date of Examination: January 30, 2027

Your future begins with one bold step. Take the challenge. Apply now!

Kasaluluyang isinasagawa ang pagpupulong kasama ang mga School Heads at Representatives ng mga paaralan sa ating bayan b...
28/08/2026

Kasaluluyang isinasagawa ang pagpupulong kasama ang mga School Heads at Representatives ng mga paaralan sa ating bayan bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na Founding Anniversary Celebration ng Bayan ng Santa Fe.

Lubos nating pinapahalagahan ang kanilang presensya, suporta, at pakikipagtulungan para sa matagumpay at makulay na selebrasyon ng ating pagkatatag bilang isang bayan.

20/08/2026

PABATID SA PUBLIKO

Ipinababatid sa lahat na WALANG PASOK sa mga tanggapan ng pamahalaan sa mga sumusunod na petsa bilang paggunita sa mga idineklarang holiday:

Agosto 21, 2026 (Biyernes)
Ninoy Aquino Day

Agosto 31, 2026 (Lunes)
National Heroes Day

Ang regular na operasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan ay muling magpapatuloy sa susunod na araw ng pasok pagkatapos ng bawat holiday.

Kung may kailangang asikasuhing transaksyon sa mga tanggapan ng pamahalaan, mangyaring planuhin ito nang maaga upang maiwasan ang abala.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa. Mangyaring makipag-ugnayan sa mga opisyal na communication channels ng LGU para sa mahahalagang anunsyo.

18/08/2026

PEKENG ADVISORY, KUMAKALAT ONLINE

FAKE ang kumakalat na public advisory na nagsasabing suspendido ang klase sa ilang lugar, kabilang ang Romblon, bukas August 19, 2026 dahil sa Habagat.

Pinapaalalahanan ang publiko na huwag basta maniwala o magbahagi ng mga impormasyong hindi nagmumula sa opisyal na sources.

Para sa mga lehitimong anunsyo hinggil sa suspensyon ng klase sa Romblon, abangan lamang ang opisyal na pahayag ng mga lokal na pamahalaan at ng Romblon Provincial Information Office (RPIO).

Huwag magpakalat ng fake news. Suriin muna bago mag-share.


ANUNSYO | SUSPENSYON NG KLASEDahil sa masamang lagay ng panahon, suspendido ang klase sa lahat ng antas ngayong araw.Pat...
17/08/2026

ANUNSYO | SUSPENSYON NG KLASE

Dahil sa masamang lagay ng panahon, suspendido ang klase sa lahat ng antas ngayong araw.

Patuloy na subaybayan ang ating opisyal na page para sa iba pang mahahalagang anunsyo.

Mag-ingat po ang lahat at manatiling ligtas.

17/08/2026

POSTPONEMENT OF PET-2-RICE (PALIT-BASURA) REDEMPTION

Ipinababatid po sa ating mga kabarangay na ipinagpapaliban muna ang PET-2-Rice (Palit-Basura) Redemption ngayong linggo upang bigyang-daan ang Rice Distribution Program na gaganapin sa ika-19 ng Agosto sa lahat ng Barangay.

Narito po ang mga bagong schedule:

Barangay Orihinal na Schedule Bagong Schedule
Guintigbasan August 18, 9:00 A.M. August 25, 9:00 A.M.
Danao Norte August 19, 9:00 A.M. August 26, 9:00 A.M.
Danao Sur August 19, 1:00 P.M. August 26, 1:00 P.M.

Paalala: Ang lahat ng nakatakdang PET-2-Rice (Palit-Basura) Redemption ngayong linggo ay ililipat sa mga nabanggit na bagong petsa at oras.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

PUBLIC ADVISORY | PAGLILINAW SA PET-2-RICE REDEMPTION (PALIT-BASURA PROGRAM)PAUNAWA SA PUBLIKONais pong linawin ng Pamah...
12/08/2026

PUBLIC ADVISORY | PAGLILINAW SA PET-2-RICE REDEMPTION (PALIT-BASURA PROGRAM)

PAUNAWA SA PUBLIKO

Nais pong linawin ng Pamahalaang Bayan ng Santa Fe na ang PET-2-Rice Redemption na naka-schedule sa Guinbirayan ay bahagi ng ating PET-2-Rice Program (Palit-Basura) ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at HINDI ang Rice Distribution Project ng LGU.

May ilang kababayan po tayong maling nakaunawa sa naunang post at inakalang ito ay Rice Distribution Project ng National Government under Local Government Support Fund (LGSF). Upang maiwasan ang kalituhan at ang pagpunta ng ating mga kababayan na walang dalang PET bottles, muli po nating ipinapaalala na:

PET Bottles → Ipapalit → Bigas/Nutrition Packs

Ang mga benepisyo ay makukuha kapalit ng mga nakolektang PET bottles, alinsunod sa mekanismo ng PET-2-Rice Program.

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa. Layunin ng programang ito na mabawasan ang basurang plastik habang nakatutulong sa nutrisyon ng ating mga pamilya.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at suporta.

Address

Poblacion
Santa Fe
5508

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Santa Fe, Romblon Public Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Santa Fe, Romblon Public Information Office:

Shortcuts

Share