16/10/2026
𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗗𝗔𝗦𝗔𝗟 🛐🙏✝️
|| DEVOTE A SACRED ADORATION FOR THE LORD ||
Sa pagpapatuloy na walang hanggang suporta ng Santa Maria National High School sa PROJECT DASAL ng SDO Bulacan, patuloy na isinasagawa ang sama-samang pananalangin tuwing sasapit ang 12:00 ng tanghali upang maglaan ng ilang sandali para sa pagdarasal at paghingi ng gabay sa ating Diyos na Maykapal kahapon, October 15, 2026. Sa simpleng gawaing ito, naaalala natin ang kahalagahan ng pananampalataya, pag-asa, pasasalamat, mabubuting pagpapahalaga sa ating pang-araw-araw na buhay, saan man tayo naparoroon, at ang kahalagahan ng pagpapalalim ng ugnayan sa Diyos na Maykapal.
Sa walang sawang gabay ng ating mga Values Education teachers, nagkaroon ang bawat mag-aaral ng pagkakataong huminto sandali at magnilay. Ang programang ito ay naisagawa sa suporta ng ating School Principal na si Ma'am Nancylita C. Cubol PhD, Values Education Coordinator na si Ma'am Judella H. Bonifacio, at ng AGAPE Club Adviser na si Ma'am Cindy B. Bruno, na patuloy na nagtataguyod ng mga gawaing nagpapalakas ng ating pananampalataya at mabubuting asal.
Sana ang Project DASAL ay makapagpalawak pa ng impluwensya sa bawat tao ng isang ugali na magpapalalim ng ating espirituwal na buhay at magpapatibay ng ating koneksyon sa Diyos. Sa bawat panalangin, lumalago tayong mga estudyante hindi lang sa karunungan, kundi sa pananampalataya. 🙏
🖼️ || Layout by: Ckaszy Szandra Nyckoel G. Sierra - AGAPE CLUB EDITOR & Kristel Z. Dangalan - AGAPE CLUB PRESIDENT
✍️ || Captioned by: Christine May A. Padasas - AGAPE CLUB CAPTIONER